Pinas News
NASA kustodiya na ng NBI ang sampung miyembro ng Aegis Juris fraternity na kabilang sa mga kinasuhan ng paglabag sa Anti-Hazing Law kaugnay ng Atio Castillo Hazing Case.
Ito ay matapos na kusang loob na sumuko kaninang tanghali ang mga ito sa NBI, makaraan namang nagpalabas kahapon ang Manila Regional Trial Court ng arrest warrant kahapon laban sa mga akusado.
Kabilang sa mga pinaaaresto ni Manila Regional Trial Court Branch 40 Presiding Judge Alfredo Ampuan sina Mhin Wei Chan, Jose Miguel Salamat, John Robin Ramos, Marcelino Bagtang Jr, Arvin Balag, Ralph Trangia, Axel Munro Hipe, Oliver Onofre, Joshua Macabali at Hans Matthew Rodrigo.
Paglabag sa Section 4 Paragraph A ng Republic Act 8049 o Anti Hazing Law na isang non-bailable offense ang kinakaharap nilang parusa tulad ng Reclusion Perpetua kaya wala itong katapat na piyansa.