MARGOT GONZALES
NAKATAKDANG maghain si Senador Win Gatchalian ng panukalang dagdag pondo para sa Senior High School Voucher Program o SHS VP.
Ang SHS VP ay isang financial assistance program para mabigyan ang mga underprivileged pero mga qualified senior high school students na makapag aral sa mga private schools, state and universities and colleges.
Ayon kay Gatchalian kulang pa ng halos labing-apat na bilyong piso ang pondo para sa mahigit isang milyon at dalawang daang libong benepisyaryo ng programa.
Sa ngayon kasi dalawampu’t tatlong bilyong piso lamang ang nakalaan para sa SHS VP gayong nasa tatlumpu’t anim na bilyong piso ang kailangan para sa naturang programa.
Giit ng Senador na kung walang sapat na pondo ang SHS VP ay mapipilitang lumipat sa mga pampublikong paaralan ang mga benepisyaryong nag-aaral sa mga pribadong paaralan, bagay na magiging sanhi aniya ng lalong pagsisikip sa ilang mga silid-aralan.