Ni: Kristine Joy Labadan
SI Maria Isadora Bianca Soler Umali o mas kilala bilang Bianca Umali ay isang Filipinong artista at modelo.
Nag-iisang anak si Bianca ng kanyang mga magulang na sa kasamaang palad ay sumakabilang buhay noong 2005. Nagkasakit ang kanyang ina ng breast cancer at sumunod namang pumanaw ang kanyang ama noong 2010 matapos atakihin sa puso. Ulilang lubos na si Bianca kaya lumaki siya sa pangangalaga ng kaniyang lola. Kasalukuyan siyang may kontrata sa GMA Network at GMA Artist Center kung saan siya nagsimulang makilala sa pag-arte sa ilang teleserye ‘tulad ng “Mga Basang Sisiw”, “Once Upon a Kiss”, “Wish I May”, “Mulawin vs Ravena”, at “Kambal, Karibal”.
Nagsimula si Bianca bilang modelo noong siya ay dalawang taong gulang. Ilan sa commercials kung saan siya tampok ay ang EQ diaper, Miss Universe at isang ice cream brand. Kasabay ng mga iyon ay naging endorser din siya ng mga produkto ng Natasha. Noong 19 years old na siya (2009), isa siya sa mga napiling mag host ng Tropang Potchi, isang pambatang palabas. Noon din niya ginampanan ang papel ng batang Nancy Rosales sa teleseryeng “Kaya Kong Abutin Ang Langit” at nag-cameo appearance din siya bilang isang ampon sa Darna noong 2011.
ANG KARIKTAN NG KANYANG PUSO
Noong Marso 2 ipinagdiwang ni Bianca ang kanyang ika-18 na kaarawan. Sa kaniyang debut, naroon ang pamilya, malalapit na kaibigan, at mga nakasama sa ilang teleserye at variety shows. Unti-unti nang nagma-mature si Bianca hindi lamang bilang aktres kundi bilang isang teenager. Masasabi ngang mas adult pa siya kaysa teenager — sa pagganap (damang-dama ng manonood ang malalim na pinaghuhugutan niya ng emosyon) at sa pagiging apo at kaibigan.
Sa ngayon, hindi pa naaabot ni Bianca ang tugatog ng tagumpay ngunit isang hakbang nalang ang STARDOM para sa kanya.
Sa telebisyon man o sa pinilakang tabing, nagniningning si Bianca. Ramdam ng sinumang manonood ang kanyang karisma. Sa personal appearances naman at sa mga fan meets, lubos na nabibighani ang lahat sa kanyang kariktan. Ngunit ang natural na lakas ni Bianca ay ang kanyang determination, “her stout heart” na masusing pinag-aaralan bawa’t karakter, matiyagang pinagbubutihan bawa’t dance step at buong pusong umaawit sa harap ng madlang pipol — ang dumadami niyang tagahanga na sumusubaybay sa kanya araw-araw.
Maliban pa sa ginampanang papel sa “Kambal, Karibal” kasama ang katambal na si Miguel Tanfelix at Kyline Alcantara, pinagkakaabalahan rin ni Bianca ang kaniyang advocacy sa edukasyon, partikular na ng kabataan. Noong 2016, kasama si Miguel, lumahok sina Bianca sa isang project — ang Pass A Book ni Biguel. Sa pamamagitan nito, sinamantala ni Bianca at Miguel ang pagkakataon na imbitahan ang kanilang mga fans upang magbigay ng mga libro na ipapamahagi sa mga piling pampublikong library sa Pilipinas.
WORLD VISION AMBASSADOR
Masagana ang pasok ng taong 2017 kay Bianca dahil itinanghal siya ng World Vision bilang Youth Ambassador for Education. Todo ang pasasalamat ni Bianca dahil mas makakapag-share siya ng biyaya sa ibang bata, lalong-lalo na sa mga mahihirap. Bilang isa ring bookworm o mahilig sa pagbabasa, sabi ni Bianca: “Education is where everything starts. I want to encourage the children to read, na manumbalik sa pagbabasa. Gusto ko maranasan nila ‘yong childhood na creative through reading.”
Kahit abalang-abala na si Bianca sa kaniyang mga showbiz activities at sa pagganap sa mga pelikula at drama, mga personal appearances at guestings, hindi kinakalimutan ni Bianca ang pag-aaral o ang pagbigay ng oras sa mga bagay na may kinalaman sa edukasyon, sa pagpapaunlad ng kaniyang mga tagahanga kasabay na rin ng pag-unlad ng kaniyang sarili bilang aktres at masunuring apo ng kaniyang lola.
“We’re really amazed with the values that Bianca represents. It’s something na kailangan ng kabataang Pinoy ngayon. If people would know what kind of childhood she had and the discipline she has in life, it’s something that we would want to inculcate in children’s,” pagbabahagi ni Jun Godornes, World Vision resource development director.
Tugon naman ni Bianca: “I am entering the adult life and that is a bit intimidating, but if I keep learning and getting support from the people I love, I don’t have to worry. I have goals I want to achieve and I’m excited to discover more of myself as I accomplish each of them.”
MGA KARANASAN SA MARAWI
Matapos ipagdiwang ang kanyang kaarawan ay agad ding lumipad si Bianca patungong Marawi upang maglaan ng oras para sa mga batang naulila o napinsala ng malupit na digmaan doon, kaugnay ng advocacy ng World Vision patungkol sa pagtatag o pag-maintain ng child-friendly spaces.
“When the children sang me a song about Marawi, I was overwhelmed. I was both happy and sad. I was happy to see them play, smile and just be children again in the child-friendly spaces. At the same time, it was sad to hear what they’ve gone through,” pagsalaysay ni Bianca.
“Meeting the mothers showed me how everyone’s help is making a big difference in their recovery. But I also saw more needs that must be addressed, including the need for livelihood opportunities. Without livelihood, it is hard for parents to support their children so I ask you to never get tired of giving. Let’s work together to give the life every child deserves — a life in its fullness,” dagdag pa niya.