MELODY NUÑEZ
BINIGYANG linaw ng aktres na si Marian Rivera ang pahayag niya sa isang interview patungkol sa isyu ng traffic na inilabas sa isang online news site.
Sa interview nasabi ng aktres na, hindi na dapat pang kunsumehin ang sarili sa traffic at kung may lakad ay pumunta ahead of time para hindi ma-traffic.
Dagdag pa nito madaming puwedeng gawin kapag naipit sa traffic, tulad na lamang ng mag-sulat, mag-cellphone at ito ay tinawag nya ring ‘me’ time.
Inulan ito ng pambabash mula sa netizens kaya naman nilinaw ito ng aktres sa kanyang instagram post.
Sa post sinabi nito sana ay naging mas responsable ang online news site sa paggawa ng headline nito para hindi ma-take out of context ang kaniyang pahayag.
Pinanindigan naman ng aktres ang kanyang pahayag at kung papanuorin lamang ang buong interview, ito aniya ay pansariling sagot lang niya.
Humingi naman ng paumanhin ang aktres sa mga nasaktan at naapektuhan ng pahayag nito.