Lunas sa sakit ng likod
NI: MARILETH ANTIOLA
MADALAS na pananakit at pangangalay ng likod na hindi maiwasan. Marami ang maaaring mga dahilan o sanhi nito tulad ng maling postura sa pag-upo at pagtayo, pagod sa patatrabaho o pag-aaral at marami pang iba, na ang ilan ay maaring maging dahilan ng malalang sakit.
Narito ang ilang pangunahing lunas upang mabawasan o mawala ang sakit ng likod:
- Ipamasahe ang likod upang maibsan ang sakit at ngalay nito at matanggal ang mga lamig na nararamdaman.
- Lagyan ng warm compress ang parte ng likod na sumasakit. Mainam na gumamit ng boteng may maligamgam na tubig at ibalot sa malinis na tela; huwag gumamit ng boteng plastik. Unti-unting idampi ang bote sa balat ng likod nang paulit-ulit. Patagalin ng 10 hanggang 15 minuto ang warm compress, tatlo hanggang apat na beses sa isang araw.
- Puwedeng langisan ang parte ng likod na sumasakit. Pwede ring gumamit ng mga body pain reliever gaya ng salonpas, oil of wintergreen at iba pang klaseng liniment na makakatulong upang maibsan ang sakit, kirot at ngalay na nararamdaman ng inyong likod.
- Puwede rin na uminom ng mga oral na gamot gaya ng alaxan, ibuprofen at mefenamic acid; inumin ito pagkatapos kumain.
- Kumonsulta sa doktor kung iba na ang nararamdaman upang mabigyan ng agarang lunas ang sakit sa likod.
Makatulong sana ang aking artikulong ito, upang mabawasan o mawala ang anumang klaseng sakit na nararamdam niyo sa inyong likod.
Masarap gumalaw at kumilos nang walang masakit sa katawan, kaya habang maaga pa ay agapan mo na agad kung may kakaiba kang nararamadam sa iyong katawan.
Kung ikaw ay nanghihinayang sa inyong gagastusin para magkaroon ng malusog na pangangatawan, magisip-isip ka na dahil baka kulang pa ang iyong iniipon na pang-ospital mo.
Ika nga, health is wealth or better.