MELROSE MANUEL
LEGALLY single nang muli ang aktor na si Derek Ramsay ito ay matapos na ideklarang “null and void” ng korte ang kasal nito sa dating kasintahang si Mary Christine Jolly.
Mismong ang abogado ng aktor ang nagkumpirma ng pagsasawalang bisa ng kasal ng dalawa na naganap noong 2002.
2014 nang maghiwalay sina Derek at Mary Christine dahil sa umano pagpapabaya ng aktor sa anak nitong si Austin.