Smart Bandage
Ni: Maureen Simbajon
Ang smart bandage ay binuo ng isang grupo ng mga mananaliksik mula sa Tufts University sa Medford, Massachusetts. Ito ay may kakayahang magmonitor ng isang sugat at maghatid ng mga gamot sa takdang panahon kung kinakailangan. Ito ay lubos na nakakatulong lalo na sa mga sugat na talamak at mabagal ang pagaling.
Habang sumasailalim ang bandage na ito sa clinical testing, ang research, na inilathala sa journal na Small, ay naglalayong baguhin ang konsepto ng bandaging mula sa tradisyonal na paraan sa isang mas aktibong paggagamot.
“Ang uri o klase ng sugat ay pabago-bago, ngunit ang bilis ng kanilang pagaling ay maaaring mapahusay sa pamamagitan ng pagpapangasiwa ng mga therapeutics sa tamang panahon,” sabi ng artikulo.
Karamihan sa mga pasyente ay hindi kayang pangalagaan ang sarili
Maaaring masubaybayan ng smart bandage ang parehong temperatura at pH ng sugat. Kung may nakita itong isang pagbabago maaari nitong masuri agad ang problema, salamat sa isang central processor, na maaaring iprograma ng isang doktor upang mapangasiwaan ang ilang mga pagbabago ng kondisyon kahit ito ay nasa malayo.
“Ang isang sistema ng pagbibigay ng stimuli-responsive na gamot na binubuo ng isang hydrogel na puno ng mga thermo-responsive drug carrier, at isang electronically-controlled flexible heater ay isinama din sa dressing ng sugat upang maipalabas ng kusa ang mga gamot na kinakailangan,” saad pa rito.
Patuloy nitong susubaybayan ang sugat upang matukoy kung ano pa ang mga karagdagang hakbang na kinakailangan. Maaari rin itong magbigay ng mga update sa katayuan ng sugat sa pamamagitan ngBluetooth.
Smart Bandage na binubuo ng isang hydrogel
Game changer
Ang mga medikal na kondisyon tulad ng diabetes at burns ay maaaring maging sanhi ng mga talamak na sugat. “Ang mga talamak na sugat ay isa sa mga nangungunang sanhi ng amputation sa labas ng ng digmaan,” sabi ni Sameer Sonkusale, propesor ng electrical at computer engineering sa Tufts University School of Engineering, at co-author sa pag-aaral na ito.
Halos labinlimang porsiyento ng mga beneficiaries ng Medicare ay mayroong isang uri ng malalang sugat o impeksiyon, ayon sa isang bagong pag-aaral. Karamihan sa mga pasyente ay mga matanda na hindi kayang pangalagaan ang kanilang sarili.
Ang smart bandage na maaaring sumubaybay sa sugat at makapagbigay ng agad-agad na gamutan aymaaaring maging susi sa pagbawas ng bilang ng mga amputation sapagkat maaari nilang maiwasan agad ang pagkalat ng impeksiyon at maitaguyod nang mabilisan ang pagpapagaling.
Tinatawag na “smart” ang bandage na ito dahil sa pagsasama ng pH at temperature sensors. Ang pH ay isang kritikal na bahagi ng pagsubaybay sa proseso ng pagpapagaling ng isang sugat. Ang normal na pH ay nagsisimula sa 5.5 hanggang 6.5, ngunit kapag ang ph ay mas mataas pa sa 6.5, nangangahulugan na may impeksyon na kaya hindi agad-agad gumagaling ang sugat.
Bukod sa ph, ang temperatura ay isang mahusay na tagapagpahiwatig ng pamamaga ng sugat. Ang mga sensors sa smart bandage ay tumutulong sa pagsubayba ng ganitong kondisyon.
Habang ang mga smart bandages ay nagsasama ng pH at temperature sensor, si Sonkusale at ang kanyang team ng mga inhinyero ay gumagawa rin ng mga flexible sensors para sa oxygenation — isa pang pananda sa pagpapagaling — na maaaring isama sa bandage. Ang pamamaga ay maaari ring subaybayan hindi lamang sa pamamagitan ng init o temperatura, kundi sa mga partikular na biomarker din.
Binabasa ng microprocessor ang data mula sa mga sensor. Kung ang proseso ng pagpapagaling ay maaaring mapalakas pa, nagpapalabas ang mga drug-carrier ng mga kaukulang gamot sa pamamagitan ng pag-init ng gel.
Ang lahat ng ito ay nakakabit sa isang transparent na medical tape, na lumilikha ng isang nababanat na bandage na mas mababa sa 3 mm ang kapal. Ang mga bahagi ng bandage ay piniling mabuti upang maging disposable — maliban sa microprocessor, na maaaring muling gamitin — at panatilihing mababa ang halaga.
Matagumpay na nasubukan ang bndage na ito sa ilalim ng kondisyong vitro. kasalukuyang nagsasagawa ng mga pre-clinical studies upang malaman kung ito ay may klinikal na kalamangan sa pagpapagaling kapag inihambing sa mga tradisyonal na bandages at mga produkto sa pag-aalaga ng sugat.
Hindi na bago
Hindi na bagong konsepto and makabagong teknolohiya sa bandages. May ilan ng mga smart dressing para sa sugat ang pinagaaralan na. Noong 2014, isang grupo ng mga mananaliksik ang bumuo ng isang smart paint-on bandage na kumikinang upang ipakita kung gaano karami ang oxygen na nakukuha ng isang sugat.
Ang ideya ng smart bandage ay may malakas na potensyal, lalo na dahil ang bandage mismo ay maaaring magbigay ng gamot sa halip na maghintay sa pagresponde ng isang doktor.
Sinabi ni Sonkusale na marami pang pagaaral at pagsusuri sa smart bandage bago ito mailabas sa merkado.
Ang susunod na hakbang nila at subukan ito sa mga talamak na sugat sa hayop upang makita kung it ay kasing epektibo sa mga eksperimento.