EYESHA ENDAR
PINANGALANAN ang aktor at Philippine Army Reservist na si Matteo Guidicelli bilang bagong National Youth Commission (NYC) Youth Ambassador.
Sa isang Facebook post, sinabi ng NYC na kinikilala nila ang kontribusyon ng aktor sa youth development.
Umaasa naman ang NYC sa pagpapaigting ng youth empowerment ng kanilang youth ambassador na magsisilbing modelo ng good citizenship.
Si Guidicelli ay mayroong ranggong second lieutenant sa Philipine Army.
Nakuha ito ng aktor matapos makumpleto ang 30 days scout ranger orientation course noong June 2019.
Magugunita naman na kamakailan lang ay naging mainit na usap-usapan si Matteo matapos ang sikretong kasal nila ng singer/ actress na si Sarah Geronimo.