HANNAH JANE SANCHO
TINAPOS na ng gobiyerno ang pagpapatupad ng martial law sa Mindanao nitong Disyembre a-31 2019.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, ipagpapatuloy pa rin ng militar ang pagbabantay sa nakamit na kapayapaan sa rehiyon matapos wakasan ng gobiyerno ang implementasyon ng batas militar sa Mindanao.
Pinasalamatan naman ni Lorenzana ang mga residente ng rehiyon sa pagsuporta sa martial law.
Mayo a-23, 2017 unang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang martial law matapos umatake at maghasik ng terorismo ang Maute-Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) sa Marawi City noong Nobyembre 23, 2017.
Matatandaan na tatlong ulit na pinalawig ang martial law sa rehiyon sa tulong ng kongreso noong 2018 at 2019.