• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - April 19, 2021
tight weight loss pills k3 diet pills once a day diet pills where to buy fastin diet pills fen phen diet pills for sale keto friendly pasta sauce oxyelite pro diet pills review hummus keto friendly sensa diet pills reviews over the counter diet pills that suppress appetite rapid weight loss pills organic keto meal delivery 2000 calorie keto meal plan cvs pharmacy diet pills do lipozene diet pills work mediterranean diet macros tight diet pills orovo diet pills medical weight loss center in phoenix arizona mango diet pills

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikatlong Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

fx iii plus male enhancement pill.

do male enhancement pills cause premature ejaculation

natural male enhancement pistachios.

male enhancement pills private label maker california

neproxen male enhancement.

reviews for epic male enhancement.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

g6 male enhancement

free trial male enhancement

male enhancement creams

male nipple enhancement

black mamba male enhancement pill

triple x male enhancement

viagra substitute cvs

virectin gnc

revatio rxlist

prosolution plus pills cheap ebay

power testro gnc

semenax gnc

blue pill male enhancement

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Maynard Delfin

Mga commuter umalma sa pagtataas pasahe sa jeep, bus

November 5, 2018 by Pinas News

Ni: Maynard Delfin

MARIING tinututulan ng libu-libong commuter sa Metro Manila ang agarang pagpapatupad ng pagtaas ng pamasahe sa mga jeep at bus na orihinal na itinakda sa unang linggo ng Nobyembre.

Dahil dito, inaasahang maaantala ang dagdag singil sa pasahe habang dinidinig ang kanilang apela.

 Nagsumite ang ilang commuter ng isang motion for reconsideration upang mapatigil ang pagpapatupad ng bagong naaprubahang pasahe sa mga jeepney at mga bus sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon.

Bagong pasanin sa mga mahihirap

Ayon sa isang petisyon na isinumite kamakailan ng dalawang concerned citizen na sina Arlis Acao at Rodolfo Javellana ng United Filipino Consumers and Commuters, malaking epekto ang pagtaas ng pasahe sa mga mahihirap.

Nakasaad sa kanilang petisyon na maigting nilang pinagdarasal, tinututulan, at ninanais na pigilan o huwag nang ipatupad ang pagtaas na ito para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino sa buong bansa.

Di napapanahong pagtaas ng pasahe

Isinaad nila na nakakakuha na ng magandang kita ang mga operator ng mga jeepney at bus higit sa minimum na sahod na P512 sa Metro Manila.

Binigyang diin ng nagpetisyon na di makatarungan sa milyon-milyong Pilipino na habang nakararanas ng paghihigpit ng sinturon sa kahirapan dulot ng inflation ay sasabayan pa ng pagtaas ng pamasahe.

Kamakailan inaprubahan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang P2 na dagdag-singil sa minimum fare ng jeepney sa Metro Manila, Central Luzon, at Calabarzon. Kasabay nito ang P1 taas-pasahe para sa minimum fare ng bus sa Metro Manila.

Panandaliang pagpapatigil 

Dahil sa mosyon na inihain, nangangahulugan ito na maaantala ang pagpapatupad ng pagtaas ng pasahe na orihinal na itinakda sa Nobyembre 5.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra III, isang hearing ang idadaos para pagdesisyunan ang petisyon.

Para kay LTFRB Board Member Aileen Lizada, na may negatibong opinyon tungkol sa pagtaas pasahe sa jeep, siya ay nababahala sa pagtaas ng “mas mataas kaysa sa inaasahan” ng singil sa transportasyon na maaaring magdulot ng paglobo ng inflation sa mga darating na buwan batay sa mga data ng ilang economic managers.

Sumampa na ang inflation rate ng bansa sa average na 6.2 porsyento sa ikatlong bahagi ng 2018. Ito ay mas mataas kaysa sa binagong forecast ng 2018 na 4.8 hanggang 5.2 porsyento.

Aprubado ng LTFRB 

Sa isang order na pinalabas ng LTFRB noong Oktubre 18, sinang-ayunan ng ahensya ang petisyon ng mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan noong Setyembre 2017 na humihingi ng dalawang pisong dagdag singil sa minimum na pamasahe —na magiging P10 —bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng gasolina.

Ang LTFRB order na ito ay magiging epektibo pagkatapos ng 15 araw makaraan ang paglathala nito sa mga pahayagan. Una nang ipinag-utos ng LTFRB noong Hulyo ang pansamantalang pagtaas ang minimum fare sa P9.

Ang tatlong miyembro ng regulatory board ay pumirma at sumang-ayon sa order; si Lizada, na may kasalungat na opinyon sa karamihan ang di pumirma. 

Binasurang kahilingan ng mga drayber

Una nang hiniling ng mga jeepney driver sa LTFRB ang P2 dagdag pasahe para sa susunod na kilometro subalit tinanggihan ito ng board dahil sa “lack of factual and reasonable basis.”

Inaprubahan din ng LTFRB kamakailan ang P1 dagdag sa minimum na pamasahe ng bus sa Metro Manila bilang pagsang-ayon sa petisyon noong Pebrero 2018 ng mga bus operator ng SOLUBOA, PBOAP, at Stop, Inc.

Sa unang limang kilometro, ang pasahe sa mga bus na ordinaryo at air conditioned ay magiging P11 mula sa dating P10; wala nang pagtaas sa mga susunod na kilometro.

Maging ang mga provincial buses ay walang pagtaas pasahe sa minimum fare maliban sa P0.15 na dagdag sa mga susunod na kilometro.  Dahil dito, magkaroon ng kabuuang P1.55 pagtaas kada kilometro mula sa orihinal na P1.40. Inaasahan din sana na ipatutupad ito sa Nobyembre 5.

Pagtaas ng presyo ng gastusin sa transportasyon

 Di pa man tumataas ang pamasahe, walong porsyento na ang dagdag gastos sa transportasyon bunsod ng pabago-bagong presyo ng gasolina, diesel at iba pang mga produktong petrolyo. Ang mga ito ang tatlong pinakamabilis na tumaas sa consumer price index, kasunod sa mga inuming nakalalasing at tabako, pagkain, at di-alkohol na inumin.

Pinaniniwalaang ang pagpapatupad ng dagdag pasahe na inaprubahan ng LTFRB ay hindi lamang magtataas ng gastos sa pagsakay sa jeep at bus kundi magreresulta pa sa paglubha ng inflation na may direktang epekto sa presyo ng mga bilihin.

Bagaman ang transportasyon ay maliit na bahagi lamang sa consumer price basket, makakaapekto ito sa mga presyo ng pinamiling tingi o retail price ng mga pagkain at iba pang mga kalakal na kailangang gamitan ng transportasyon.

Ang sakop sa naaprubahang probisyonal na rate sa LTFRB order ay mga bus sa Metro Manila at mga lalawigan, kasama na rin ang mga jeepney sa NCR, Region 3 at Region 4.

Pambansa Slider Ticker CALABARZON Central Luzon Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Chairman Martin Delgra III Maynard Delfin Metro Manila Mga commuter umalma sa pagtataas pasahe sa jeep bus PBOAP PINAS SOLUBOA Stop Inc.

PUV modernization ipatutupad sa 2019  

October 30, 2018 by Pinas News

Inaasahang magiging ligtas, maginhawa at environment-friendly ang mga modernong sasakyan gamit ang Euro-4, solar o di ginagamitan ng kuryente na mga dyip at bus. 

Ni: Maynard Delfin

HINDI ipagpapaliban ng Department of Transportation (DOTr) ang napipintong public utility vehicle (PUV) modernization program ng ahensya sa Marso 2019.

Ito ay sa kabila ng alinlangan ng ilang kongresista at senador sa kahandaan ng DOtr na ipatupad ang planong ito para sa transportation sector na matagal na rin namang nabibinbin.

Nais ng DOTr na palitan ang mga lumang dyip at bus na bumabagtas sa mga pangunahing kalsada sa buong bansa para maging environment-friendly ang mga ito kahit maraming mga drayber at operator ang umaangal sa kamahalan ng proyektong ito.

Mariing sinabi ni Transport Secretary Arthur Tugade sa isang panayam na wala nang makakapigil sa pag rollout ng mga bagong sasakyan sa ilalim ng programa, sa itinakdang panahon.

Sinabi ito ni Tugade matapos lumabas sa hearing sa Senado ang maraming tanong at naipahayag din ng mga mambabatas ang kanilang mga alinlangan tungkol sa PUV modernization program. Tila minamadali ng DOTr at ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang programa, saad nila.

ANG pangunahing layunin ng PUV Modernization Program ay maging ligtas ang mga commuter at makasunod ang lahat sa 1999 Clean Air Act.

 

Handa na nga ba?

 Ayon kay Senador Grace Poe, chair ng Senate transportation committee, tila hindi pa handa para sa phase out ng mga jeep ang pamahalaan dahil hindi pa malinaw ang mga panuntunan na dapat masunod ng lahat ng sektor na maapektuhan.

Aniya ang pangunahing layunin ng PUV modernization program ay maging ligtas ang mga commuter at makasunod ang lahat sa 1999 Clean Air Act. Ngunit, hindi rin maaaring ipagwalang bahala ang kapakanan ng mga driver at operator na mahaharap sa malaking gastusin para makasunod sa programa.

Tinanong ni Poe kung bakit minamadali ito ng DOTr kahit malaki ang posibilidad na magdulot ito ng kawalan ng kabuhayan sa libu-libong mga driver sa buong bansa.

AYON kay Transport Sec. Arthur Tugade, Malaking kaginhawahan para sa lahat ang inaasahan sa pagpapatupad ng Public Utility Modernization Program sa Marso 2019.  

 

Planong PUV modernization

Noong Hulyo 2017 inilunsad ng DOTr ang PUV modernization program na may pangunahing layunin na alisin sa lansangan ang mga jeepney, bus at UV Express van na may edad 15 taon pataas at palitan ang mga ito ng mas modernong sasakyan na aprubado ng pamahalaan at alinsunod sa Euro-4 emission standards.

Layunin ng programa na ang mga PUV ay gawing mas ligtas, maginhawa para sa mga commuter at environment-friendly. Kasabay din sa mga pagbabagong maaasahan sa pagsulong ng programa ang pagpapatupad ng Omnibus Franchising Guidelines (OFG).

Binabalangkas ng OFG ang mga bagong regulasyon para sa mga PUV franchise na naglalayong baguhin ang kanilang mga nakasanayang ginagawa na nakakapinsala sa kalikasan at mapabuti rin ang kanilang kapakanan sa bandang huli.

Sa bagong patakaran, ang mga local government units (LGUs) ay inaasahang bubuo ng local transport plan na may nakapaloob na traffic management measures, plano ng ruta base sa kasalukuyang road networks, at passenger demand.

Sa kasalukuyan, ang mga may PUV franchise ay nakikipag-ugnayan sa pagbalangkas ng mga route proposal para sa mga operator.

Dagdag pahirap sa mga mahihirap

Malakas na tinututulan ng iba’t ibang grupo ng mga driver at operator ng jeepney ang PUV modernization program. Tinawag nila itong isa na namang anti-poor program ng rehimeng Duterte dahil magbibigay ito ng panibagong mabigat na pasaning pinansiyal sa kanila.

Sa gitna ng sunod-sunod na na pagtaas ng presyo ng gasolina, nananawagan sila sa pamahalaan na maglaan ng sapat na pondo na maari nilang mautang upang makabili ng mga bagong sasakyan na nagkakahalaga sa ngayon ng P1.8 milyon bawat isa.

 DOtr handang tumulong

Ayon kay Assistant Transport Secretary Mark de Leon, ang ahensya ay may nakalaang pondo para makapagbigay sa mga jeepney driver ng kinakailangang suporta at subsidies upang matulungan sila sa transition period.

Ilan sa mga ito ay ang P5,000 subsidy sa gasolina sa ilalim ng ibinalik na Pantawid Pasada Program at P80,000 subsidy para sa pagbili ng mga bagong sasakyan.

Wala nang atrasan 

Ipinaliwanag ni De Leon na ang PUV modernization program na magsisimula sa Marso 2019 ay “isang timeline at hindi deadline.”

Ang opisyal na pahayag na ito ay reaksyon ng DOtr assistant secretary sa mga balitang ipagpapaliban ang pagpapatupad ng PUV modernization program.

Pinagdiinan ni De Leon na dahil ito ay timeline at hindi deadline, dapat asahan na ito ay matutuloy na at ang transition period na magsisimula sa Marso 2019 ay matatapos sa Hunyo 2020. Ito ay tatlong taon mula sa paglulunsad ng PUV modernization program at ang pagpirma ng OFG.

Sinigundahan ni De Leon ang pahayag ni Martin Legara, chairman ng LTRFB, na walang franchise ang mapapaso o makakansela kung ang mga operator at driver ay hindi agad makakasunod sa LTFRB memorandum circular sa Marso 2019.

“Walang mga sasakyang papalitan at mga prankisang kakanselahin. Ang pinag-uusapan lang po natin dito ay ang pagpapatatag ng mga unit na kasalukuyan na po nating ginagawa,” saad ni Legara.

Mga pagbabagong inaasahan

Alinsunod ang mga ito sa mga nakasaad sa Memorandum Circular 2018-006 o Guidelines for the Public Utility Vehicle Modernization Program’s Initial Implementation, at MC 2018-008 o Consolidation of Franchise Holders in Compliance with the OFG.

Batay sa LTFRB memorandum circular, ang mga kasalukuyang ruta at prankisa ay ibibigay sa ibang mga kooperatiba kung ang mga driver at operator ay hindi susunod sa mga patakaran ng programa.

Inaatasan ang mga franchise operator ayon sa mga memorandum circular na bumuo ng kooperatiba at magpatupad ng fleet management para mapabuti ang kanilang pamamasada sa mga lansangan.

Kinakailangan din ng mga franchise holders na palitan ang kanilang mga sasakyan ng bagong Euro-4, solar o sasakyang di ginagamitan ng kuryente sa loob ng isang taon pagkatapos ang paglabas ng mga circular sa Marso 2019.

Benepisyo sa mga pasahero

Maaasahang higit na maseseguro ang kaligtasan ng mga commuter sa ilalim ng PUV modernization program. Lalagyan ang mga bagong sasakyan ng GPS at CCTV upang masubaybayan ang mga driver at pasahero habang binabagtas ang mga lansangan sa ano mang oras.  Ipatutupad din ang mga limitasyon sa bilis ng pagpapatakbo ng mga sasakyan gamit ang speed limiters. May mga itatalaga ring safety officer sa kalsada.

Masusing papalawakin at pag-iibayuhin ng programa ang public transport network. Kasabay dito ang paglalagay ng mas madaling access para sa mga PWD, matatanda, bata at mga taong may limitadong paggalaw.

Kapakinabangan sa mga namamasada

Di lingid sa lahat na maraming mga jeepney driver ang tutol sa PUV modernization program. Subalit dapat ipaalam din na marami ring nakalaang benepisyo para sa kanila ang pagbabagong ito.  Isa sa pinakamahalaga rito at ang pagkakaroon nila ng tiyak na buwanang sahod at iba pang benepisyo sa ilalim ng programa.

Di na nila kailangang pumarada gaya ng dati sa gitna ng kalsada o kung saan-saan para lamang makapuno ng sasakyan at makipag-agawan sa kapwa drayber para sa mga pasahero para makaseguro sa kikitain sa araw-araw.

Mababawasan na rin ang oras ng kanilang pagtratrabaho at magkakaroon na sila ng pagkakataong makasama sa mga government-sponsored driving training program. Higit sa lahat, makakaasa silang mas madaling imaneho ang mga modernong PUVs.

Pambansa Slider Ticker Assistant Transport Secretary Mark de Leon Department of Transportation (DOTr) Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) local government units (LGUs) Maynard Delfin Omnibus Franchising Guidelines (OFG) Pantawid Pasada Program PINAS public utility vehicle (PUV) Transport Secretary Arthur Tugade

Pinay Muslim Beauty Queen Wagi sa Miss Asia Pacific 2018 Pageant

October 16, 2018 by Pinas News

Ni: Maynard Delfin

MULING nasungkit ng Pilipinas sa katauhan ni Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel ang ikalimang korona matapos ang 25 taon noong 1993 sa selebrasyon ng 50th Miss Asia Pacific International 2018 pageant.  Ito ay itinatag noong 1968 at unang tinawag na ‘Miss Asia Pacific Quest.’

Si Akeel ang kauna-unahang Muslim-Filipina beauty queen na kumatawan sa Pilipinas sa naturang patimpalak sa kagandahan na nagwagi mula sa 49 delegadang naglaban-laban. Ginanap ang Miss Asia Pacific International 2018 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City noong October 4,2018.

Ang nanalong pambato ng bansa na si Akeel ay 21 gulang lamang at isang guro mula sa Lebak, Sultan Kudarat. Siya ay half-Qatari at half-Filipino na galing sa Mindanao. Sa kanya ipinasa ang korona ni 2017 Miss Asia Pacific International winner na si Fracielly Ouriques ng Brazil.  

Runners-up ng pageant

Itinganghal na 1st runner up si Gabriela Palma ng Brazil, Melania Gonzales ng Costa Rica (ika-2), Misheelt Narmandakh ng Mongolia (ika-3), at Mariani Angarita ng Venezuela (ika-4).

Maikling panahon lamang ang paghahanda ni Akeel para sa Miss Asia Pacific International 2018. Noong Setyembre 16 ng taong kasalukuyan lang siya naging opisyal na kinatawan ng Pilipinas bilang Mutya ng Pilipinas – Asia Pacific 2018 titleholder.

Si Sharifa Areef Mohammad Omar Akeel ang ika-limang Pilipina na kinoronahan sa Miss Asia Pacific International 2018. Sinundan niya si Michelle Aldana na naiuwi ang korona noong 1993. 

 

Special awards sa kumpetisyon

 Bukod sa pagbibigay karangalang sa pag-uwi ng titulo sa Pilipinas, nakakuha rin si Akeel ng iba pang parangal gaya ng “Best in Long Gown” award, pangalawang pwesto sa Swimsuit Competition, at pangatlong pagkilala sa pinakamagandang disenyo sa National Costume mula sa mga naunang special awards na binigay.

Panlimang Pilipina nag-uwi ng korona

Panlima si Akeel sa mga Pilipina na nakasungkit ng titulo ng Miss Asia Pacific International. Nariyan sina Carines Zaragoza (1982), Gloria ‘Bong’ Dimayacyac (1983), Lorna Legaspi (1989), at Michelle Aldana (1993).

Sina Joey Mead, Marc Nelson at Rovilson Fernandez ang nagpasinaya sa paghohost ng coronation night ng pageant.

Winning question and answer

Ang huling top 5 na kandidata ay binigyan ng pagkakakataong sumagot sa parehong tanong sa loob ng 30 segundo. Ang iba ay gumamit ng interpreter gaya ni Miss Brazil at Venezuela. Ang iba naman ay sumagot sa wikang Ingles.

“What do you think is the biggest issue of diversity that the world is facing today and how do you think you can play a part to resolve it?” ang binasang tanong ni Mead.

“Ano sa palagay mo ang pinakamalaking isyu ng pagkakaiba-iba na kinakaharap ng mundo ngayon at ano sa palagay mo ang maiaambag mo sa paglutas nito?”

Angsagot ng Pinay beauty queen:

“One of the biggest issues in our country is cyberbullying.

“We have to accept the fact that all of us were born with strengths and weaknesses and with that, we have our own imperfections.

“Let’s appreciate one’s uniqueness and relevance and, as a millennial, I believe the millennial policy of compassion, idealism, striving for uniqueness and authenticity because you are a beautiful creation of God no matter who you are and wherever you are in the world.

“Beauty is indeed diverse and it is visible to all of us.”

“Isa sa pinakamalaking isyu sa ating bansa ay ang cyberbullying.

“Kailangan nating tanggapin ang katotohanan na lahat tayo ay ipinanganak na may kanya-kanyang lakas at kahinaan at di tayo mga perpekto.

“Dapat nating pahalagahan ang uniqueness and bawat isa at relevancet, bilang isang milenyo, naniniwala ako na ang milenyo na patakaran ng pakikiramay, idealismo, nagsusumikap para sa pagiging natatanging likha ng Diyos maging sino ka at saan ka man sa mundo.

“Ang kagandahan ay malawak at nakikita ito sa ating lahat.”

Pagbatikos kay Akeel 

Dahil sa Muslim si Akeel, di lahat ay masaya sa pagsali niya sa beauty pageant. Nakatanggap din siya ng bashing mula sa mga kapwa Muslim.

Hindi karaniwan sa mga babaeng Muslim ang sumasali sa mga pageant ng kagandahan sa anumang panig ng mundo at mas nakakagulat kung ang mananalo pa ay isang Muslim.

Kaugaliang Muslim

Maraming mga Pilipino na nagpahayag ng suporta sa tagumpay na natamo ng Muslim beauty queen sa Mindanao. Subalit may iilan din na kapwa Muslim na di sang-ayon sa kanyang pagsali sa pageant.

May sinusunod na dress code ang mga Muslim. Nakasuot madalas ang mga babaeng Muslim ng hijab o belo sa paligid ng kanilang leeg na tinatakpan pati ulo. Nagpapakita sila ng kahinhinan sa pananamit.

Subalit sa beauty pageant si Akeel ay kailangang magsuot ng swimsuit na nagpapakita ng kanyang balat. Isa ito sa parte ng pageant sa lahat ng mga kandidata. Dahil dito, ang Muslim beauty queen ay nakatangggap ng iba’t bang bashing o pagbatikos.

Mataas na hangarin 

Ayon kay Akeel matapos manalo sa Mutya ng Ang Pilipinas 2018, sa kanyang pagsali maipapamalas niya ang kagandahan, katalinuhan, at mga katangian ng isang babaeng Muslim.

Nais din niyang patunayan na ang Islam ay isang relihiyon ng kapayapaan at pagkakaisa sa pagitan ng mga Muslim at Kristiyano.

Showbiz Slider Ticker Carines Zaragoza (1982) Gabriela Palma ng Brazil Gloria ‘Bong’ Dimayacyac (1983) Joey Mead Lorna Legaspi (1989) Marc Nelson Mariani Angarita ng Venezuela Maynard Delfin Melania Gonzales ng Costa Rica Michelle Aldana (1993) Misheelt Narmandakh ng Mongolia Miss Asia Pacific International Muslim ovilson Fernandez

Pagbibitiw ni Mocha Uson ‘Long Overdue’ – Mambabatas

October 15, 2018 by Pinas News

Ni: Maynard Delfin

BUKAS palad na tinanggap ng mga mambabatas ng oposisyon ang ‘long overdue’ na pagbibitiw ng Presidential Communications Assistant Secretary na si Mocha Uson.

Ayon kay Uson, ang kanyang pag-alis sa administrasyong Duterte ay mangangahulugang mas limitado ang galamay ng presidente na makapagbibigay ng “impunity” sa mga opisyal ng Palasyo.

Kinontra naman ito ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate. Ayon sa mambabatas, ang pokus ng paninilbihan sa pamahalaan ay serbisyo, tiwala at pananagutan. Ang mga aspetong ito ay malaki ang kakulangan sa nagbitiw na si Uson.

“She’s an enabler of impunity, be it for fake news or Tokhang killings or killings [and] displacements of the Lumads, and many more,” dagdag pa niya.

Idiniin ni Akbayan Representative Tom Villarin na si Uson rin ang dapat sisihin sa lahat ng mga pagpunang ipinukol sa kanya tulad ng pagkakalat ng maling balita sa kanyang Facebook accounts.

Walang pananagutan

Sabi ni Villarin, si Uson ay ‘contemptuous’ at ‘full of herself.’ Hindi siya nagpapakita ng pananagutan o nirerespeto ang departamento na kanyang kinabibilangan. Hindi siya sumisipot sa tuwing siya ay pinatatawag ng Kongreso at Senado na tungkulin ng isang pampublikong opisyal. Mapagmataas at walang galang siya, aniya ni Villarin.

Dagdag ni Villarin, bilang isang public servant, naaayon lamang na sumunod si Uson sa mga tamang alintuntunin ng batas at pag-uugali ng mabuting opisyal. Bagaman di kapansin-pansin at napakahuli na, ang pagbibitiw raw ni Uson ay tulad ng (whiff of fresh air to a poisoned air) muling pagsamyo sa malinis na hangin matapos itong makaranas ng pagkalason.

Anunsyo sa budget hearing

Ipinahayag ni Uson ang kanyang pagbibitiw noong pagdinig ng Senado sa 2019 badyet ng PCOO.

“Ako na po ang magsasakripisyo para maipasa na ang badyet ng PCOO. Ako ay nagpasiya na mag-resign na po,” aniya sa kanyang official statement.

Paliwanag niya na siya ay magbibitiw sa kanyang tungkulin upang magbigay daan sa agarang pagpasa ng badyet ng PCOO na ipinagpapaliban ng Kongreso dahil sa kanyang di pagsibot sa pagtitipon.

Pagsiwalat ni Uson ng hinaing

Inakusahan ni Uson ang ilang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na naaantala ang iminumungkahing P1.41 bilyon para sa 2019 badyet ng PCOO dahil maraming nagngitngit sa ginawa niyang pakikipanayam sa anim na kinatawan ng mga grupo ng mga indibidwal, kabilang ang isang ‘datu’ na isinangkot sa pagkamatay ng mga lider ng Lumad noong 2015.

Ayon sa grupo ng mga Lumad na pinakita sa video na may militarisasyon sa Mindanao at ang hayagang sinabi na hindi ang mga komunistang rebelde ang pasimuno sa pagpatay sa mga Lumad.

“Pinili kong manahimik sa harapan ng pag-atake niyo dahil alam kong kaya niyong ipitin ang badyet ng aming departamento,” sabi ni Uson.

Tuloy ang laban

Ipinagpaliban ng Kongreso ang mga plenary na deliberasyon sa iminumungkahing badyet ng PCOO dahil sa walang Uson  na dumalo sa General Assembly ng United Nations sa New York.

Sa kanyang pagtatapos, nanumpa si Uson na hindi pa ito ang katapusan para sa kanya. Nabanggit niya na dadalhin niya ang laban sa Senado o Kongreso. Pinaniniwalaang nominado si Uson sa ACTS-OFW party-list.

Kakulangan sa pananagutan

Ayon kay Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Vice President Robredo sa isang pahayag, ang pagbibitiw ni Uson ay hindi malaking kawalan sa bansa at maraming beses na niyang napatunayan na hindi siya handa sa kanyang tungkulin bilang isang public official.

Dagdag ni Gutierrez na dapat maging ‘accountable’ si Uson sa kanyang mga pinaggagagawa noong opisyal pa siya ng PCOO.

“Huwag niyang isipin na dahil nagbitiw na siya ay di na siya mananagot sa lahat ng mga kasinungalingan at paninirang ipinasabog niya,” aniya.

Paghahanda sa 2019

Sa kanyang pagbibitiw, sinabi ni Uson na ginawa niya ito bilang sakripisyo para maipasa na ang nakabinbing badyet ng PCOO.

Ayon kay ACT Teachers Representative na si France Castro, na dalawang beses nagmungkahi na ipagpaliban ang debate sa badyet ng PCOO, di naaayon na gamitin ni Uson ito na dahilan.

“Wag niyang gamitin yung rason na dahil na binibitin o nabibitin ang badyet ng PCOO kaya kailangan na lang niyang magbitiw. Nasa PCOO man siya o hindi, dapat pa rin na busisiin ang badyet ng anumang ahensya ,” aniya.

Naniniwala si Castro na ang tunay na rason ng pagbibitiw ni Uson ay para makapagfile ng kanyang kandidatura para sa 2019 elections mula Oktubre 11 hanggang 17 ngayong taon.

Dagdag pa ni Castro na hindi naman lingid sa kaalaman ng publiko na tatakbo si Uson bilang senador o kongresista kung gugustuhin niya. Wala naman kumokontra doon. Maaring paghahanda niya ito para sa pag- file ng sertipiko ng kandidatura. Tingin ko paghahanda niya na ito sa kanyang pagkandidato.

Sa mga panayam kay Uson, nabanggit niya na di niya sinasara ang pinto sa pagtakbo sa 2019 elections subalit masusi niyang pinag-aaralan ang pulso ng kanyang mga followers at tagasuporta sa Facebook . Sa ngayon, sinabi niya, marami ang nagpapahayag sa kanya na ituloy ang “laban.”

Pambansa Slider Ticker ACT Teachers Representative France Castro ACTS-OFW party-list Barry Gutierrez Bayan Muna Representative Carlos Zarate Maynard Delfin Mindanao PINAS United Nations New York Vice President Robredo

SG approach ipatutupad sa pagsupil sa PH traffic congestion

September 25, 2017 by PINAS

Ni Maynard Delfin

SA mas sumisidhi at patuloy na perwisyong dulot ng problema sa trapiko ng bansa, humingi na ng tulong ang Pilipinas sa Singapore para malutas ang lumalalang pambasang suliranin sa traffic congestion.

Batay ito sa mga opisyal ng transport sektor na kung saan ang paglapit sa mga eksperto ay upang maibsaan ang 20-dekadang problema sa trapiko sa bansa.

Sa pananaliksik ng Japan International Cooperation Agency, tinatayang P2.4 bilyon araw-araw ang nawawala sa kaban ng Pilipinas dahil sa problema sa trapiko.

Ayon kay Department of Transportation (DoTr) Undersecretary Tim Orbos, may kasunduan na ang bansa sa Singaporean government upang matulungan ang Duterte administration sa pagharap sa mga samu’t saring suliranin sa isyu ng trapiko.

“They will help us properly manage [our transport systems] in Metro Manila and the entire Philippines, similar to what they did in Singapore,” nabanggit ni Orbos sa isang TV interview.

Ilan sa mga pangunahing programang tinitingan ng DoTr ay ang paggamit ng automated fare collection system. Gayundin, pinag-aaralan din ng ahensya kung paano pinatatakbo ng iilang korporasyon ang transport system sa Singapore.

Hinihimok ng transport undersecretary ang mga operator na bumuo ng mga kooperatibang tutulong sa pamahalaan sa pagsasaayos ng sistema at paglutas ng problema.

Walang agarang solusyon

“There is no overnight solution to the traffic situation in this country.  But with forceful implementation, with discipline and the cooperation of everybody, somehow we can restore order on our streets and hopefully make life in Metro Manila more vibrant and livable,” sinabi ito ni Manila Development Authority (MMDA) Chair Danilo Lim nang tanungin tungkol sa pangunahing lunas sa paglutas sa traffic congestion ng Metro Manila.

Nang magsimula sa panunungkulan si Lim bilang MMDA chairman noong Hunyo, nabanggit niyang walang madali o kumplikadong pamamaraan para matugunan ang problema sa trapiko.

Dagdag pa niya ang “back to basics” approach na nakatuon sa panunumbalik ng disiplina sa mga kalye. Para maging epektibo, ang lahat ng mananakay at mga bumabaybay sa mga kalsada, lalo na sa kahabaan ng EDSA, ay kailangang magkaisa tungo sa isang hangaring malutas ang problema sa trapiko at sumunod sa mga itinalagangroad regulations.

Nakaraang panukala

Sa paghahambing, ilang mga panukala na ang ipinatupad ng dating MMDA general manager na si Orbossa pagtugon sa problema ng trapiko gaya ng suspensyon ng truck ban pass at ang pag-audit ng exemption sa number coding scheme ng ahensiya. Ipinahayag din niya ang istriktong pagpapatupad ng odd-even scheme.

Nabanggit ni Lim, nahumalinlin kay Orbos sa MMDA, na patuloy na pinag-aaralan ng ahensya ang paghanap ng mga epektibong solusyon para sa dumadaming volume ng sasakyan na bumabagtas sa mga pangunahing kalsada.

Ayon sa mga datos ng Land Transportation Office, sa humigit-kumulang na 9 na milyong rehistradong sasakyan sa bansa, nasa Metro Manila ang halos 25% or 2.4 milyong sasakyan.

Kabilang sa mga pamamarang tinitingnan ni Lim ay ang pagpapatupad ng three-digit number coding scheme at odd-even scheme.

Dagdag pa niya na habang ginagawa ang road infrastructure projectsgaya ng mga karagdagang tulay at pagsasaayos sa mga sistema ng tren, ang magagawa ng publiko ay makikipagtulungan sa MMDA sa pamamagitan ng pagsunod sa mga patakaran at regulasyon ng trapiko.

Tulong mula sa Singapore

Sa pagtugon sa malaking sakit sa ulo ng Duterte administration, maraming beses nang nakipagpulong si Orbos sa Singaporean Ministry of Transport para mabalangkas kung paano matutulungan ang Pilipinas sa problema sa trapiko.

Congestion Pricing

Pinaplano ng pamahalaan angpagpapatuad ng Congestion Pricingbilang mahusay na inititiave upang mabawasan ang trapiko sa Edsa.

Ayon kay Orbos, mababawasan ng 30% ang dami ng mga sasakyan sa pagpapatupad ng Congestion Pricing. Ginagamit ang sistemang ito sa Singapore.

Tinatawag din itong Electronic Road Pricing (ERP) scheme na kung saan magkakaroon ng katapat na halagang babayaran kung dadaan ang isang motorist sa isang partikular na kalsada, katulad ng EDSA, sa partikular na mga oras gaya ng rush hour.

“It’s is all about volume reduction. The road is for everyone but it has to be used on certain times in certain areas depending on the demand,” paliwanag ni Orbos.

Hindi na gagamit ng tollway sa sistemang ito tulad ng mga ginagamit sa South at Luzon expressways.Sa halip, mga scanner ang matatagpuan nakakabit samataasna platform o mga istasyon sa kalsada.

Lalagyan ang lahat ng sasakyan ng In-Vehicle Unit (IU) o hugis-parihaba na aparato na nakalagay sa loob at ilalim ng kanan ng front windscreen. Kapag nahagip ito ng scanner, ibabawas sa IU ang bayad sa toll mula sa CashCard na dapat laging nasa aparato sa lahat ng oras.

Depende sa uri ng sasakyan at oras ng paggamit sa EDSA ang cash card or card pass. Malalamanng scanner ang oras at distansya na nilakbay ng isang sasakyan at sisingilinang driver nang naaayon sa kanyang nilakbay.

Sabi ni Orbos, “Part of the discussions that we had was… the pass should be free. It should not be at the burden of our consumers or motorists.”

Aniya ang scheme ay pansamantala lamang habang ginagawa pa ang mga bago at alternatibong ruta upang mabawasan ang trapiko sa EDSA.

Ang sistema ng Singapore ang napiling sundin sa paglutas sa problema sa trapiko ng bansa dahil sa pinaka-cost-efficient na mga network ng pampublikong transportasyon nito sa mundo, batay sa pag-aaral na isinagawa ng Credo, isang British consulting firm.

“The good thing about the Singapore model… (is) it’s a holistic approach. It starts with a behavioral concern of people,” sabi ni Orbos.

Binigyang diin niya na kilala ang Singapore sa pagpapaunlad ng teknolohiya, istriktong pagpapatupad ng mga batas, at pagpapayabong ng edukasyon pagdating sa sistema sa transportasyon.

 

National Slider Ticker Maynard Delfin Singapore Approach

PH, bukas-palad na tinanggap ang pagiging host sa SEAG 2019

September 11, 2017 by PINAS

Ni: Maynard Delfin

Malugod na tinanggap ng Pilipinas angpagiging hostng 30th Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin sa 2019. Sa katunayan, ngayon pa lang ay sinisimulan na ang pagpaplano ng pagdadausan ng international sport event.

Sa Clark, Pampanga at mga lalawigan ng Laguna, Bulacan at Zambales ang mga naiisip na lugar para sa torneo.Kasabay nito ang layuning pagpapakilala sa mga kalapit na mga bansa sa Timog Silangang Asya ng “Bagong Pilipinas” o “The New Philippines.”

Nabanggit ang mga ito ni Department of Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, na siyang itinalaga bilang chairman ng 2019 SEA Games Organizing Committee, sa isang panayam ng mga Filipino sportswriters habang siya’y nanonood ng semifinals match ng SEAG volleyball competition sa Malaysian International Trade and Exhibition Center.

Bumisita ang kalihim para magbigay suporta sa mga atletang Pilipino at makausap ang pangulo ng Philippine Olympic Committee na si Jose “Peping” Cojuangco Jr. tungkol sa susunod na SEAG sa bansa.

Pagbuo ng masterplan

Ang pagset-up ng organizing group ang una sa listahan na naglalayong maisaayos ang komite na babalangkas sa istruktura sa paghahanda sa ika-apat na hosting ng Pilipinas sa biennial sportsevent na ito.

“It’s a great opportunity to do three things. First, it is a way of featuring the new Philippines. Second, this shows our hospitality. Third, it focuses on training and grassroots sports program in the country,” sabi ni Cayetano.

“We want our athletes to win. That’s always the goal. But since we also represent our country, we want them to see the hospitality, brotherhood, what the sports stands for, and why the Olympics was put together.We want them to see the beauty of the Filipinos and the Philippines,” dagdag pa niya.

Sports training ground sa mga atleta

Lumalabas na dati pang napagdesisyunan ang pagtatayo ng bagong sports center sa New Clark City sa Angeles, Pampanga. Inaasahan ito na magiging sentro ng 2019 SEAG at magagamit bilang mga pasilidad sa pagsasanay ng mga Filipino athlete para sa mga international events na sasalihan nila.

“With or without the 2019 hosting, there’s 50 to 100 hectares in New Clark City that was reserved for sports,” ayon kay Cayetano.

Aniya, “It can be a training center.We always wanted a training center.But we’re listing down what’s feasible within a two-year period because we’re not sure if we can finish it in a year and a half. But most probably, we will have the games in November, so we have more than two years.”

Dagdag pa niya, “I’m looking at both actually, 2019 (SEA Games) and 2020 (Olympics). So the next two years, if we can build the facilities needed, but more than that, build our teams, support our teams, support the groups who are supporting grassroots sports programs, then it will be a good launching for the next two years. Hopefully, the program continues.”

Alternatibong venues

Binigyang diin ni Cayetano na ang Zambales at Bulacan angpangunahing pinagpipiliang lugar ng SEAG dahil sa malapit na lokasyon ng mga ito sa Clark.Nabanggit niya na ito rin ay batay sa kahilingan ng mga kalahok. Ayaw raw ng karamihan nasumakay pa ng eroplano para lang makarating sa venue ng labanan.

“It can possibly be extended to other places, but we’re still talking about it. We won’t be a good host if we don’t consult the other countries about the venues,” dagdag pa ng Foreign Affairs secretary.

Noong 2005, naging host ang Pilipinas ng SEAG. Idinaos ang mga patimpalak sa Maynila, Cebu at Bacolod.

Kumpirmasyon mula sa PSC

Kung ang Philippine Sports Commission ang tatanungin, ngayon pa lamang ay nakikipag-usapna sila sa Bases Conversion Development Authority.Kapwa na silang naghahanda sa hosting task ng Pilipinas sa susunod na SEAG.

Higit sa 50-ektaryang Sports City na may world-class facilities ang itatayo at inaasahang matatapos ito sa 2019 para sa regional games sa New Clark City.

Nabanggit ni DFA Sec. Cayetanona posible itong matapossa loob ng dalawa at kalahating taon lalo na’tkabilang ang Clark sa Pampanga sa priority list ng development plan ng Duterte administration.

Dagdag pa ni Cayetano na pabor siya sa Clark at Subic na ganapin ang ilang laro sa SEAG dahil itinuturing ang mga ito bilang “special cities.”

Sa tema ng pagbalangkas at balak na pagpapaunlad ng imprastraktura, makakakuha ng momentum ang bansa sa kaganapang ito.Isang oportunidad ang pagiging host ng Pilipinas sa susunod na Southeast Asian Games na maipakita sa mundo ang pagsasaayossa mga pasilidad ng bansa sa ilalim ng “Golden Age of Infrastructure” ng administrasyong Duterte.

Safe and secure na bansa

Malaki rin ang maiaambag ng torneo sa Pilipinas sa larangan ng turismo at maipakita sa madla na ligtas bumisita at may kakayahan ang pamahalaan na mapanatili ang pambansang seguridad habang ginaganap ang international events.

Ang Philippine Arena sa Bulacan na may higit sa 50,000 seating capacity, ang isa sa nakatakdang mga venue ng2019 SEAG. Kasama ang SMX Convention Center at Mall of Asia Arena sa Pasay City na maaaring pagdausan ng mga indoor sports.

Ito ang ika-apat na pagkakataon na gaganapin sa Pilipinas ang pagtatagpo ng 11 na kasaping bansa sa multi-sports. Naging host ang Pilipinas ng SEA Games noong 1981, 1991, at 2005.

Naitala ang pinakamahusay na performance ng Pilipinas noong 2005 sa SEAG nang matamo nito ang pangkalahatang kampeonato. Apatnapung kategorya sa sports ang itinampok sa huling hosting ng Pilipinas sa 2005 SEAG atinaasahang ganito din ang bilang sa 2019 event.

Pag-atras na di natuloy

Dahil sa kaguluhang nagaganap sa Marawi City sa Mindanao, muntikan nang mapurnada ang paghohost ng Pilipinas sa 30th SEAG.

Nagkaroon ng mga pagtatalo na huwag nang ituloy ng bansa ang pagiging host at ibabaling na lamang nito ang pokus sa rehabilitasyon ng Mindanao, partikular sa Marawi, sa halip na pondohanang 2019 SEAG.

“When all is clear, and peace and order have improved, after 2020 Olympics and in the future, we are positive and willing to host the SEA Games or any other international sporting events,” nabanggit ni PSC chairman William Ramirez sa mga naunang panayam patungkol sa pagiging SEAG host ng Pilipinas.

Sa mga sumunod na pag-uusap, nakumbinsi din ang Pilipinas sa magandang maidudulot ng paghohost ng bansa. Kalaunan, maluwag na ring tinanggap ng pamahalaan ang hamon.

Pambansa Slider Ticker 30th SEAG 30th Southeast Asian Games Maynard Delfin

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.