EYESHA ENDAR
SISIMULAN na ngayong taon ang konstruksiyon ng Museum Auditorium at Multipurpose Coliseum sa Barangay Tangub sa Bacolod City.
Sa naging pahayag ni Mayor Evelio Leonardia na ang P163-M Landmarks project ay naisakatuparan sa pamamagitan ng tulong ni Senator Juan Miguel Zubiri.
Mismong si Sen. Zubiri ang pumili ng architect at nito ngang Oktubre ng nagdaang taon ay isinapubliko na ng senador ang architectural design ng dalawang green building o maituturing na environmentally-responsible at resource-efficient.
Ang dalawang landmark ay parehong may dalawang palapag at may 800-seater ampitheater.
Inihayag din ni Mayro Leonardia na sa mga susunod na buwan ay sisimulan na din ang paggawa sa Bacolod Masskara Coliseum na nagkakahalaga naman ng Php 800 million at may 10,000 seating capacity.
Ang mga naturang landmarks ay parte ng 4 big tickets project na pinondohan ng city government ng Php 1.7 billion mula sa Development Bank of the Philippines.