Sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner’s Cup sa Smart Araneta Coliseum noong Biyernes, Hunyo 7, sa first game panalo ang Meralco Bolts laban sa Phoenix Pulse Fuel Masters 101-95.
Pinangunahan ng import ng Bolts na si Gani Lawal, ang laro na nagtala ng 28 points, 26 rebounds at 3 blocks. Habang 20 points si Baser Amer, 18 points si Chris Newsome.
Mayroon nang tatlong panalo at dalawang talo ang Bolts.
Sa second game wagi naman ang Rain or Shine laban sa Barangay Ginebra San Miguel.
Tinambakan ng Rain or Shine ang Barangay Ginebra sa score na 104-81.
Nagkaisa sina Rey Nambatac at Denzel Bowles para talunin ang Gins. Mayroong 30 points si Nambatac habang 25 points at 17 rebounds si Bowles.
Mayroon ng 2 panalo at 2 talo ang Ginebra.