MJ MONDEJAR
NAGLABAS na ang Metro Rail Transit (MRT)-3 at Light Rail Transit (LRT)-1 ng kanilang operating schedules ngayong holiday season.
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, simula ngayon Disyembre a-16 hanggang a-30, aalis ang unang byahe ng tren ng alas-4:40 ng madaling araw mula North avenue station habang alas-5:41 ng madaling araw mula Taft Avenue Station.
Aalis naman ng alas-9:10 ng gabi ang huling byahe ng tren mula sa North Avenue Station at alas-10:11 ng gabi mula sa Taft Avenue Station.
Maliban sa Disyembre a-24 at a-31, ang unang tren ay aalis ng alas-4:40 ng madaling araw sa North Avenue, at alas-5:37 naman mula sa Taft Avenue Station.
Habang ang huling byahe ay aalis ng 7:45 ng gabi sa north avenue at alas-8:42 ng gabi naman mula sa Taft Avenue.
Sa Disyembre a-25 at January 1, ang unang tren ay aalis ng north avenue station ng alas-6:30 ng umaga, at alas-10:11 ng gabi mula Taft Avenue Station.
Habang ang huling byahe ay aalis ng North Avenue ng alas-9:10 habang alas-10:11 ng gabi mula Taft Avenue Station.
Samantala, ang LRT-1 naman ay mayroon ding operating schedule mula December 11 hanggang December 31.
Ang unang train mula Roosevelt at Baclaran Station ay aalis ng alas-4:30 ng madaling araw mula Lunes hanggang Linggo, habang ang huling train mula Baclaran ay aalis ng alas-11:00 ng gabi tuwing Sabado at alas-9:30 ng gabi tuwing Linggo.
Ang huling train naman mula Roosevelt ay aalis ng alas-11:15 ng gabi tuwing Sabado at alas-9:45 ng gabi tuwing Linggo.