• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

Metro Rail Transit

Napakalaking problema sa trapik, may solusyon na!

February 20, 2018 by Pinas News

Ni: Noli Liwanag

NAPAKALAKING problema ng buong Metro Manila sa bawat kalsada nito na sinakop ng mga kotse, bus, jeepney at tricycle. Napakahaba ang mga stranded na sasakyan at walang magawa ang mga motorista kundi maghintay na humupa ang buhol-buhol na mga sasakyan lalung-lalo na sa kahabaan ng EDSA (AH26).

Walang humpay ang pa-nawagan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa publiko na magtulungan, maging maunawain at habaan ang pasensiya sa inaasahang “paglala” ng trapiko sa Kalakhang Maynila dahil sa iba’t ibang proyektong imprastruktura na programa at proyekto ng gobyerno.

Ayon kay MMDA Assistant General Manager Jojo Garcia, kailangang magtulungan ang lahat upang mabawasan kahit paano ang epekto ng trapiko na inaasahan ngayong taon dahil sa konstruksiyon na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) tulad ng extension ng Light Rail Transit (LRT)-Line 1 hanggang Cavite at ng LRT-Line 2.

Ayon sa DOTr, uumpisahan na rin ang konstruksiyon ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 7 at North Luzon Expressway (NLEX) Harbor Link Segment 10 sa Caloocan City, gayundin ang pagpapagawa sa ilang tulay.

MGA MALL OPERATORS, KAISA NA MAIBSAN ANG TRAPIKO

Hinihikayat ng MMDA ang mga mall operators, partikular ang mga nasa EDSA, na nakasentro sa four commercial districts tulad ng Cubao, Quezon City Central Business District, Makati Central Business District at Ortigas, na palawigin ang implementasyon ng adjusted mall hours na napatunayang epektibo upang mabawasan ang pagsisikip ng trapiko.

May kasunduan ang MMDA sa mga shopping mall na i-adjust ang kani-kanilang ope-rasyon mula 11:00 ng umaga hanggang 11:00 ng gabi, habang ang delivery hours ay simula 11:00 ng gabi hanggang 5:00 ng umaga. Noong Oktubre 15, nakaraamg taon naging epektibo ang nasabing kasunduan, hanggang noong nakaraang Enero 15, 2018.

Ayon sa MMDA, sa pamamagitan ng umiiral na adjusted mall hours ay bumilis  ng 10 porsiyento ang trapiko sa mga pangunahing lansangan.

 

MALA-SARDINAS NA LANSANGAN AT PASAHERO LULUTASIN NG SUBWAY PROJECT – DR. JAMES DEE

Nagbigay ng magandang suhestiyon si Dr. James G. Dy, president and CEO of CGHMC, isa sa ipinaliwanag nito na halos 10 taon na niyang nabanggit na dapat magkaroon ang bansa ng subway.

Ayon kay Dr. Dy, para matapos o mabawasan ang kinakaharap na problema ng Pinas sa masikip na trapiko at siksikan ng mga pasahero sa Metro Manila, kailangang magkaroon ng subway tulad ng ilang karatig bansa sa Asya na hindi pinoproblema ang trapiko.

Marami na ang namuno sa ating bansa, at ngayon lang matatapos ang paghihirap ng sambayanang Pilipino sa problemang transportasyon sa pamamagitan ng proyektong Metro Manila Subway at iba pang proyektong pangkalsada at transportasyon.

P355.6-B APRUBADO NG NEDA

Matatapos na ang pro-blema ng mga mananakay sa siksikang pagbibiyahe bago sumapit ang 2025 o walong taon mula ngayon. Ang unang bahagi ng proyektong subway ay magsisimula sa Mindanao Avenue sa Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport sa Parañaque City.

Sa ngayon, aabutin ng ta-tlong oras ang biyahe sa lansangan, sa subway, tatagal lamang ng 30 minuto ang biyahe, ayon sa mga nagplano ng proyekto.

Nagsimula na ang gobyerno para sa ikabubuti ng mamamayan, sa pamamagitan ng subway na may P355.6-bilyong pondo at aprubado ng National Economic and Deve-lopment Authority (NEDA), at planong dugtungan ito mula sa Caloocan City hanggang sa Dasmariñas City, Cavite.

Matatandaan na maraming planong palakihin at dagdagan ang mga kalsada sa Metro Manila na hindi pa rin nakukumpleto hanggang ngayon.

Ilang taon nang ginagawa ang elevated highway na nag-uugnay sa North at South Expressways, nakapagitna sa siksikang trapiko ang mga wala pang porma na istruktura nito, subalit mistulang naantala ng hindi pagkakasundo sa right of way ang pagkumpleto sa proyekto.

Ang mga bagong proyekto tulad ng subway, na pinondohan ng bilyong pisong utang sa Japan International Cooperation Agency (JICA) ay may mababang interes na 0.10 porsiyento kada taon, at babayaran sa loob ng 40 taon.

Gayunman, mahalagang tiyakin ng mga nagpaplano ng proyekto na hindi maaantala nang ilang buwan o taon ang mga schedule dahil lamang sa ilang problemang tulad ng right of way.

Inaasahan nating masisilayan na natin ang elevated expressway mula sa SLEX hanggang NLEX sa loob ng isa hanggang dalawang taon. Pagkatapos nito, aasahan naman natin ang subway system na dapat na magagamit na sa 2025, kung lalong magpupursige ang mga opisyal ng bayan ng ating mga pampublikong pagawaan kumpara sa mga pinalitan nila.

KONSTRUKSIYON NG METRO MANILA SUBWAY 

Ipinaliwanag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na uumpisahan na ang konstruksiyon ng Metro Manila Subway project.

Ayon kay Sec. Tugade, sisimulan ang proyekto sa Mindanao Avenue, Quezon City hanggang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa Parañaque City.

Planong gawin agad ang tatlong subway station na Mindanao Avenue, Tandang Sora at North Avenue stations bago matapos ang taong 2022.
“Ang subway ay mauum-pisahan na before the end of this year. ‘Yung partial ope-rability, sa pulong namin sa gobyerno ng Japan, gusto nila 2022. Ang gusto ko 2021 so tinitingnan namin paano bibi-lisan,” sabi ni Tugade.

Dagdag pa ni Tugade, aabot sa 120,000 pasahero ang maisasakay araw-araw na maseserbisyuhan ng tatlong subway station.

Ang subway ay may kabuuang 14 na istasyon. Bukod pa rito ang ilalagay na istasyon sa Quezon Avenue, East Avenue, Anonas, Katipunan, Ortigas North, Ortigas South, Kalayaan, Bonifacio Global City, Cayetano Boulevard, Food Terminal Inc., at NAIA.

IBA PANG PROYEKTO NG GOBYERNO

Aprubado na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang 11 proyektong imprastruktura na layuning mapabuti ang transportation network at water resource management ng bansa.

Inaprubahan ang mga proyekto sa pulong ng National Economic and Deve-lopment Authority (NEDA) sa Malacañang kamakailan.

Inaprubahan ang mga major infrastructure pro-ject kahit wala si Pangulong Duterte, chairman ng NEDA Board, sa pulong.
“In the absence of the President, the NEDA Secretary as NEDA Board vice chair presided over the NB meeting,” sabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.
“All items submitted to NEDA Board were approved by the Cabinet,” pahayag pa ng presidential spokesman.
Pinakamalaki sa mga ina-prubahang proyekto ay ang Malolos-Clark railway pro-ject o ang Philippine National Railway (PNR) North 2 na nagkakahalaga ng P211.43 bilyon.

Pasado din sa pulong ng NEDA ang: Mindanao Railway Project Phase 1, Tagum-Davao, na nagkakahalaga ng P35.26 bilyon; ang Cavite Industrial Area Flood Risk Ma-nagement Project, P9.89B; ang Clark International Airport expansion, P12.55B; Education Pathways to Peace in Conflict-Affected Areas of Mindanao, P3.47B; ang Australia Awards and Alumni Engagement Program-Philippines, P1.19B.

Aprubado na rin ang New Communications, Navigation and Surveillance/Air Traffic Management Systems Development Project, P10.87B; ang LRT Line 1 North Extension Project-Common Station, P2.8B; ang Arterial Road Bypass Project Phase II, P4.62B; ang Kaliwa Dam Project ng MWSS, P10.86B; at ang Chico River Pump Irrigation Project ng NIA, P2.7B.n

 

Pambansa Slider Ticker Caloocan City Cavite Cavite at ang LRT-Line 2 Dasmariñas City Department of Transportation DoTr Dr. James G. Dy EDSA Harbor Link Segment 10 Japan International Cooperation Agency JICA Light Rail Transit LRT Line 1 Metro Rail Transit Metropolitan Manila Development Authority Mindanao Avenue MMDA MRT-Line 7 National Economic and Deve-lopment Authority NEDA Ninoy Aquino International Airport NLEX Noli Liwanag North Luzon Expressway Parañaque City Problema sa trapik may solusyon na! Quezon City

P2P bus, muling umarangkada; City buses na nasa ilalim ng number coding, bibigyan ng special permits

February 5, 2018 by Pinas News

Pinas News

NAG-DEPLOY ng mga bus ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga pasaherong apektado ng mga aberya ng Metro Rail Transit (MRT-3).

Magmumula ang mga bus sa North Avenue at Quezon Avenue patungo sa mga drop-off points sa Ortigas at Ayala.

Ayon sa LTFRB, P15.00 ang pamasahe sa nasabing P2P bus.

Samantala, bibigyan din ng special permits ang mga city buses na nasa ilalim ng number coding.

Ito ang magiging alternatibong sakayan ng mga pasaherong apektado ng kampanyang “Tanggal Bulok, Tanggal Usok” laban sa mga jeepney.

P10.00 ang pasahe sa mga regular buses habang P12.00 naman sa mga air conditioned buses.

Ide-deploy ang mga city buses sa Quiapo, Commonwealth Ave, Novaliches, Masinag sa Antipolo, Baclaran at Guadalupe.

Metro News Slider Ticker "Tanggal Bulok Tanggal Usok" Ayala Baclaran Commonwealth Ave Guadalupe Land Transportation Franchising and Regulatory Board LTFRB Masinag Antipolo Metro Rail Transit Metropolitan Manila Development Authority MMDA MRT-3 North Avenue Novaliches Ortigas P2P Bus Quezon Avenue Quiapo SMNI News

MRT-3, dalawang beses nagka aberya

January 9, 2018 by Pinas News

Pinas News

DALAWANG beses na nagka aberya ang operasyon ng Metro Rail Transit (MRT-3).

8:19 ng umaga nang pinababa ang nasa 900 pasahero sa Shaw Boulevard Station Southbound dahil nagka problema ang pinto ng tren.

Habang 10:02 ng umaga nang pinababa rin ang mga pasahero sa Shaw Boulevard Station Northbound dahil sa problemang teknikal.

Pinasakay na lamang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Habang dinala sa MRT depot ang mga nagkaaberyang tren para makumpuni.

Metro News Slider Ticker 10:02 ng umaga 8:19 ng Umaga 900 Pasahero Metro Rail Transit MRT-3 Shaw Boulevard Station Northbound Shaw Boulevard Station Southbound SMNI News

ELECTRICAL FAILURE: Mga pasahero ng MRT-3, pinababa

December 8, 2017 by Pinas News

Pinas News

AABOT sa higit 700 na pasahero ng Metro Rail Transit (MRT)-3 ang biglang pinababa sa Cubao Station Southbound, kagabi.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, ‘Faulty Electrical Components’ ang nakikitang sanhi ng problema kung bakit naka amoy usok na tila may nasusunog na linya sa tren. Agad namang pinasakay ang mga pinababang pasahero nang dumating ang kasunod nitong tren.

Mababatid na noong isang gabi, ay nagpababa rin ng 1,000 mga pasahero sa Guadalupe Station dahil sa parehong insidente.

Metro News Slider Ticker Cubao Station Southbound Guadalupe Station Metro Rail Transit MRT-3 SMNI News

10,000 pulis, ipakakalat sa NCR ngayong ‘holiday season’

December 5, 2017 by Pinas News

Pinas News

AABOT sa 10,000 pulis ang ipakakalat sa holiday season sa Metro Manila.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Oscar Albayalde, tutukan nila ang mga matataong lugar tulad ng mga shopping malls, palengke, simbahan at mga istasyon ng Metro Rail Transit (MRT) at Light Rail Transit (LRT).

Sa ngayon ay wala pang namomonitor na anumang banta ngayong kapaskuhan ang pulisya.

Metro News Slider Ticker Light Rail Transit LRT Metro Manila Metro Rail Transit MRT National Capital Region Police Office NCRPO Oscar Albayalde SMNI News

Lumalalang problema sa MRT-3, nagtuturu-turuan kung sino ang dapat managot?

November 15, 2017 by Pinas News

Ni: Beng Samson

TRAPIK, isa sa mga malalaking problema ng bansa. Malaking tulong na sana sa pag-iwas dito ang ‘Sistema ng Pangkalakhang Riles Panlulan ng Maynila’ o mas kilala ng mga Pinoy sa tawag na Manila Metro Rail Transit o MRT-3. Binabagtas nito ang 16.9 kilometrong linya ng 13 istasyon sa Kamaynilaan.

Hindi na rin kaila sa lahat lalo na sa mga araw-araw na sumasakay ng MRT-3 ang sunod-sunod na pagkasira ng tren na ito.

Walang magawa kung di maghintay o obligadong bumaba ang mga pasahero kapag nakararanas ang mga ito ng pagkasira, sanhi ng malaking pagkaabala sa kanilang pupuntahan lalo na sa mga estudyante at mga empleyado.

Nitong nakaraang Undas, Nobyembre 1, naitala ng Department of  Transportation (DOTr) ang tatlong sunod-sunod na paghinto ng MRT-3 sa loob lamang ng 12 oras dahil sa umano’y technical problem. Kagaya ng inaasahan, obligadong bumaba ang mga pasahero.

Taong 2000 nang magsimula ang full operation nito. Naunang naging maintenance provider nito ang Sumitomo Corporation mula sa bansang Japan, na napalitan ng iba’t ibang grupo sa ilalim ng administrasyong Aquino. Kasalukuyan naman ang Busan Universal Rail Inc. (BURI) ang nagmementina nito na ngayon ay nahaharap sa kontrobersyal na mga reklamo.

Mga problema at pagkasira ng tren, isinisisi sa Buri

notice of termination na ipinadala ng DOTr.

Dahil sa sunod-sunod na aberya at pagkasira ng MRT-3, nagpasya ang DOTr na tapusin na ang kontrata sa BURI. Nagpadala ang kagawaran sa kasalukuyang maintenance provider ng Notice of Termination noong Oktubre 17 dahil sa diumano’y poor performance na ibinibigay ng BURI:

“BURI has failed to ensure the availability of contractually obligated number of trains, and more importantly, to put in operation reliable and efficient trains,” ayon sa DOTr.

Dagdag pa ng kagawaran, “Buri also failed to implement a feasible procurement plan for spare parts,”nakaaapekto umano ito sa kanilang kakayahan na mai-repair agad ang mga defective train. Hindi rin umano nakatutupad ang BURI sa contractual requirements of a complete and up-to-date computerized maintenance management system.

Buwelta ng BURI

Kampante naman diumano ang BURI na hindi dapat tapusin ang kanilang kontrata dahil ang mga inihaing batayan anila ng DOTr ay kanilang patutunayang walang katotohanan at ligal na basehan.

Ayon sa abogadong si Charles Mercado, spokesperson ng BURI, simula noong Enero nakaraang taon, naitaas nila sa 22 ang bilang ng mga napakikinabangang tren mula sa 13. “We have also delivered more than what is required,”aniya. Ito ay kaugnay sa P3.8 billion contract sa pagitan nila ng DOTr.

MRT-3 system design itinuturo ng BURI

Ayon kay Mercado, mali umanong sa BURI isisi ng DOTr ang mga problema at pagkakaroon ng mga depekto ng tren, “These incidents are mainly caused by MRT-3 system design issues and not by alleged poor maintenance,” aniya.

“These are worsened by the decrepit condition of the rails long due for government replacement and excessive loading above the rated usage of the modified coaches. The evidence dates back to long before Buri assumed its contract,” dagdag ng abogado.

Paalala ng tagapagsalita na kahit pa umano noong unang taon pa lamang ng operasyon ng MRT-3 ay nakaranas na ito ng mahigit 1,400 nang pagkasira sa kabila ng pagiging bago ng mga riles at coaches nito.

Aquino: Hindi sana lumala kung inaksyunan ni GMA

Sa ilalim ng pamamahala ni dating Pangulong Benigno Aquino III, dinaranas na ang malaking suliraning ito. Ayon sa dating pangulo, hindi sana lumala ang mga suliraning ito kung noong panahon pa lamang ni Pangulong Gloria M. Arroyo ay inaksyunan na ito. Si Arroyo ang naunang pangulo ng bansa bago manungkulan si Aquino.

“There is a problem, but it’s a problem that should have less problems attached to it if certain things were done before we took it over,” ani Aquino sa isang panayam sa panahon ng kanyang panunungkulan. “We were left with something that is really old, about 30 years old,” dagdag nito.

Tinukoy din ni Aquino ang mga kumplikasyon sa mga maintenance contract, pati na rin ang hirap sa paghahanap ng tamang coaches sa tamang presyo. Kinilala naman ng dating punong ehekutibo ang naranasang above normal glitches sa kanilang sistema. Binanggit din ni Aquino ang pagsususpinde ng Department of Transportation and Communications (DOTC) noong panahong iyon, sa line’s operation nito na “undertake a more thorough review of the entire system.”

Mar Roxas at grupo ni Abaya, ang dapat managot

Sa lumalang problema ng MRT, samut-sari na ang nangyayaring sisihan sa pagitan ng mga namamahala at mga taong nasa likod nito. Lumabas din ang paninisi ni Senator Grace Poe, chairwoman ng Senate Public Services Committee sa mga transport officials ng Aquino Administration na pinangunahan ni dating DOTC Secretary Emilio A. Abaya dahil sa pagbili aniya ng mga ito ng 48 coaches sa halagang 3.8 bilyong piso na hindi naman aniya naaangkop sa MRT-3 system.

Ayon sa senadora ay dapat nilang pagbayaran ang kinakaharap na problemang ito, dapat aniya na masampahan ng kaso ang mga ito.

Dawit din ang pangalan ng dating kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG)na si Manuel “Mar” Roxas II sa mga dapat sisihin ayon pa rin sa senadora.

Maaari umanong ma-trace ang mga pangyayari sa panahon ng dating kalihim. Ito ay kaugnay sa imbestigasyong isinasagawa sa pangunguna ni Poe hinggil sa maanomalya at masalimuot na mga problemang kinakaharap ngayon ng bansa na lubhang nagpapahirap sa publikong araw-araw na sumasakay sa MRT-3.

Karanasan ng commuter

Ayon kay Engr. Grace M. Aniciete, Technical Assistant CEO sa pinagtatrabahuhang opisina sa Shaw Boulevard, araw-araw siyang sumasakay ng MRT, mula sa North Station hanggang sa Shaw Boulevard Station. Nararanasan din niya ang pagkasira ng tren habang papasok sa kanyang opisina, “Kapag sa may bandang Santolan Station o Ortigas po nasira, bumababa na lang ako at sumasakay ng taxi o bus, pero kapag malayo pa sa opisina namin, naghihintay na lang ako na magawa ito,” aniya.

Pahayag niya na noong minsang maghintay siyang magawa ito, nasa 15 minuto lamang ay nagawa naman agad pero inabot din aniya siya ng isang oras dahil sa bumagal na ito sanhi ng pagkasira at humaba na rin ang pila ng mga tao. “Simula 2005 ay sumasakay na po ako sa MRT pero ngayon ko lang nararanasan ang mga ganitong aberya,” dagdag niya.

Ayon kay MRT-3 General Manager Rodolfo Garcia, naghahanda na ang pangasiwaan ng train system ng isang transition team na hahawak sa maintenance ng rail system sakaling madesisyunan ng pamahalaan na tapusin na ang kontrata sa BURI.

Sa kasalukuyan, pumapalo sa 500,000 pasahero ang sumasakay sa MRT-3 kada araw, higit na mataas kumpara sa kapasidad na 350,000 lamang. Binabagtas nito ang kahabaan ng EDSA sa pagitan ng North Avenue Station sa Quezon City at Taft Avenue Station sa Pasay City.

Pambansa Slider Ticker Benigno Aquino III BURI Charles Mercado Department of the Interior and Local Government Department of Transportation DILG DoTr Emilio A. Abaya Engr. Grace M. Aniciete Gloria M. Arroyo Grace Poe Lumalalang problema sa MRT-3 Manuel “Mar” Roxas II Maynila Metro Rail Transit MRT-3 North Avenue Station sa Quezon City P3.8 billion contract Rodolfo Garcia Taft Avenue Station sa Pasay City Undas Nobyembre 1 2017 usan Universal Rail Inc.

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.