• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Monday - January 25, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Mexico

OFWs: Remit, Patronize, Sell!

December 4, 2018 by Pinas News

Remit

Ni: Louie C. Montemar

“Remit, Patronize, and Sell” (RPS) — magpadala, itangkilik, at ibenta. Ang RPS, ayon sa yumao kong kaibigang si dating Ambassador Roy P. Señeres ay tungkol sa kung paano nakakatulong o makatutulong ang mga Pilipinong nasa ibang bansa, lalo na ang mga overseas Filipino workers (OFW), sa kanilang inang bayan.

Magpadala. Naiisip ba ng ating mga OFW na hindi binibilang bilang bahagi ng gross domestic product (GDP) ng bansa ang kanilang kinikita? Gayunpaman, bilang bahagi ng kabuuang gross national product (GNP) at lalo na sa pamamagitan ng pagpapadala sa ating bansa ng bahagi ng kanilang kita, nakakatulong ang mga OFW upang mapanatiling mas buhay ang ekonomiya ng bansa.

Salamat sa inyo mga kabayan naming OFW, ang Pilipinas ay nananatiling isa sa mga bansang may pinakamalaking remittances para sa pambansang ekonomiya gaya ng India, China, at Mexico. Noong 2017 nakita natin ang pinakamalaking record ng pagpadala ng mga OFW para sa bansa. Umabot ito ng 28.1 bilyong dolyar.

Ang remittances o pagpapadala ng pera ng mga OFW ay nangangahulugan ng kabuhayan hindi lamang para sa isang pamilya, ito rin ay pangdugtong buhay para sa isang bansa na mahina ang baseng pang-industriya at pang-agrikultura.

Itangkilik. Lalo na ngayong magpapasko na naman, magandang paalalahanan ang mga OFW at ang kanilang mga pinadadalhang pamilya na, hanggang maaari, bumili ng mga produktong Filipino. Ito na marahil ang pinakasimpleng anyo ng bayanihan kung saan maaaring makisali si Juan sa araw-araw. Kung nasa ibang bansa tayo, maaari pa rin namang bumili ng mga produktong Filipino at tumangkilik ng mga serbisyo ng kabayan natin kung saan makikita ang mga ito. Kilala nating maigi ang ating lugar na kinalalagyan sa ibang bansa at tukuyin natin kung anong mga produkto at serbisyong Pilipino ang makikita sa mga lugar na ito.

Sa pagbabalik naman sa bansa ng isang OFW, lalo na kung talagang maganda ang kinikita, at nais  magliwaliw, nabisita na ba natin ang lahat ng higit sa walumpong lalawigan ng Pilipinas? Huwag maging banyaga sa sariling bayan at palaguin ang lokal na turismo. Palakasin ang mga produkto at serbsyo ng iyong bansa at kilalanin mo ang mga ito. Kilalanin mo ang iyong bansa dahil kailangan mo itong “ibenta.”

Ibenta. Mga kabayang OFW, itaguyod natin sa ibang bansa ang ating bayan sa pamamagitan ng paggawa ng mabuti at pagsasabi ng magagandang bagay tungkol dito. Itaguyod ang mga produkto, serbisyo, kompanya, at lugar sa Pilipinas. Ibenta ang ideya na ang iyong bansa ay isang kamangha-manghang lugar na dapat mabisita. Tulungan ang Departamento ng Turismo na maitaguyod ang turismo sa ating bayan.

Isipin na lamang natin, may hindi bababa sa sampung milyong migranteng Pilipino ang nasa iba’t ibang lugar sa buong mundo. Iyan ang pwersa na higit na magtataguyod sa Pilipinas. Sila ang mga buhay na buhay na billboard ng ating bansa.

OFW Slider Ticker China gross domestic product (GDP) gross national product (GNP) India Louie C. Montemar Mexico OFWs: Remit Patronize Sell! Pilipinas PINAS

Ang reporter bilang magsasaka at entrepreneur

October 10, 2018 by Pinas News

ANG soya beans plantation ng mga Layson.

 

Ni: Janet Rebusio- Ducayag

ANO ang kinalaman ng pagsusulat sa pagsasaka? Maari ba itong pagsabayin?

Si Gadmer o Mer Layson, reporter ng Pilipino Star Ngayon (PSN) ay isa ring soya milk maker mula sa Mexico, Pampanga.

Bilang reporter, larawan siya ng sipag at tiyaga na higit na kailangan upang magtagumpay sa propesyon. Naging pangulo rin siya ng iba’t ibang press corps at naipakita niya kung paano ang maging tunay na lider ng samahan.

 Nagmula si Layson sa isang malaki ngunit mahirap na angkan kaya’t sa murang edad kinailangan na niyang magbanat ng buto sa pamamagitan ng pagtatrabaho sa isang bukirin. Ngunit ang kahirapan na kanyang dinanas ang kanyang naging sandigan upang tumibay ang dibdib na harapin ang anumang hamong darating pa sa kanyang buhay.

Bilang katuwang sa buhay ng kanyang asawang si Mary Ann at ama ng tatlong anak na sina Kyla, 18; Kyle, 10 at Kevin, 6, nais ni Layson na ibigay sa mga ito ang masaganang buhay na hindi nito naranasan sa kanyang kabataan.

Kuwento pa ni Layson, noong nagsisipaglakihan na ang kanilang mga anak, nagdesisyon silang mag-asawa na magtayo ng isang maliit na negosyo. Narinig niya sa radyo ang tungkol sa training course sa soybean production at processing sa Nueva Ecija sa pamamahala ng Philippine Center for Postharvest Development and Merchanization (PhilMech), kapartner ang Agricultural Training Institute (ATI) ng Pampanga.

Ang Golden Beans Producers Cooperative, kung saan kasapi si Layson ay sumali sa naturang pagsasanay.

Sa isa pang okasyon na kanyang dinaluhan, namahagi ang Department of Agriculture ng 10 kilong buto ng soybeans at itinanim niya ito sa kanyang sakahan sa Mexico Pampanga bilang kahalili ng mais.

KAHIT sa bahay ay nagagamit ni Mer ang pagiging magsasaka, ang mga gulay ay itinatanim sa botelyang plastic sa kanilang terrace.

 

Inilunsad ang KKK Products

Sinimulan nilang mag-asawa ang negosyo sa soybean processing noong Setyembre 2013. Una nilang pinatitikim sa kanilang mga supling ang kanilang mga processed products at ang anumang paborito ng mga ito ay siyang kanilang magiging produkto. Paborito ng kanilang mga anak ang soya milk at pastillas.

Ang mga produktong ito ay tinawag nilang KKK alinsunod sa pangalang Kyla, Kyle at Kevin ngunit ang pastillas ay masyadong matrabaho ang paggawa, kaya nagdesisyon silang mag focus na lamang sa paggawa ng soya milk.

Bilang isang taga media, madali para kay Layson ang kumumbinse ng mga kustomer dahil mismong ang kanyang pamilya ay tumatangkilik ng kanilang produkto. Dagdag pa niyang kuwento, silang buong pamilya ay umiinom ng soya milk at dahil dito’y madalang lang silang magkasakit. Ang soya milk umano ang sekreto ng kanilang magandang kalusugan. Ang lahat umano ng kita sa kanilang negosyo sa soya milk ay para sa kanilang mga anak.

Mabibili ang mga produkto ni Layson sa mga eskuwelahan sa Intramuros area, sa canteen ng Philipine Star at mga pribadong retailers kabilang ang kanyang kapatid na lalaki.

Naniniwala si Layson na ang kanilang soya milk business ay magtutuluy-tuloy at ito ang kanilang magiging daan tungo sa tagumpay. Nagpoproseso ang mga Layson ng 250 bote ng soya milk kada araw at ito’y direkta na binebenta sa mga kustomer at umaabot ng P2,000 bawat araw o P60,000 kada buwan ang kita dito.

ANG ngayong mamahaling sili ay isa sa pinapalago ni Mer.

 

Malaking tulong ang Philmech

Dagdag pa ni Layson, malaki ang naitulong ng Philmech sa kanila dahil tinuruan siya at pinahiram ng mga equipment sa pagproseso ng soy beans. Wala silang soya milk business kung wala ang Philmech bukod pa sa hindi rin sana siya makakapagbigay ng trabaho sa ibang tao.

“Noon, tricycle ang aking gamit sa pagdi-deliver ng soya milk, ngayon ay gamit ko na rin ang aking bagong Montero sa pagdi- deliver,” buong pagmamalaking kuwento ni Layson.

Dahil sa soya processing business na ito ay hindi lamang ang kanilang pamilya ang nadagdagan ng kita kundi nakapagbigay pa ito ng hanapbuhay sa apat nilang trabahador. Libre ang tirahan at pagkain ng mga ito.

Ang determinasyong ito ni Layson na umasenso ay nagsimula nang makita nito ang isang kapitbahay na may kapansanan. “Kung nakaya niyang kumuha ng mga pictures gamit ang kamera na walang mga daliri, ako pa kaya na may kumpletong kamay?” pagbabalik-tanaw ni Layson.

Commercial photographer 

Si Layson ay nagsimula bilang commercial photographer. Nabili niya ang kanyang camera mula sa parte niya sa aning palay ng kanyang ama. Kumukuha siya ng mga larawan sa bawat KBL na kanyang dinadaluhan.

“Ang KBL ay nangangahulugan ng Kasal, Binyag at Libing,” ang natatawang kuwento niya. Naging photographer din siya sa mga paaralan, showbiz gathering at maging sa mga night club. Nang yayain siya ng reporter ng diyaryong Abante na maging photographer-partner, pumayag siya at dito rin siya nagsimula bilang reporter.

Si Layson ay kumuha ng AB Communications sa Far Eastern University (FEU). Bilang working student, tripleng pagsisikap ang kanyang ginawa at tuluy-tuloy na nagtrabaho bilang photographer, reporter at public relations man. Kailangan niya ang pera upang masuportahan ang sarili at dalawang nakakabatang kapatid na babae na nag-aaral sa kolehiyo.

Regular na pag-impok, natutunan

Si Layson ay natuto ng regular na mag-ipon sa pamamagitan ng walang palyang pagtatabi ng 20 porsiyento ng  kanyang kita mula sa kanyang sahod at iba pang pinagkakakitaan. Ang nakagawiang ito ay naging malaking tulong upang malampasan ang dumating na unos sa buhay. Naipagamot niya ang kanyang ama na sumasailalim sa kidney dialysis.

Kuwento pa niya na ayaw umano ng kanyang ama na gastusin niya ang kanyang ipon sa pagpapagamot nito ngunit nagpilit si Layson at dahil nakapag-ipon na ito ng umabot sa halagang P2.5 milyon. Tumagal pa ng apat na taon bago binawian ng buhay ang kanyang ama.

Hindi naging madali ang mga pinagdaanan sa buhay ni Layson ngunit naniniwala itong ang Diyos ang naglagay sa kanya sa kanyang kinalalagyan sa ngayon dahil natutuhan niya sa kanyang ama na unahin ang Diyos bago ang lahat. Itinuro din nito sa kanya na magdasal paggising pa lang dahil ang Diyos ang siyang pinagmumulan ng ating lakas at direksyon sa buhay.

Negosyo Slider Ticker AB Communications Agricultural Training Institute (ATI) Binyag at Libing (KBL) Far Eastern University (FEU) Golden Beans Producers Cooperative Kasal Kyla Kyle at Kevin (KKK) Mary Ann Mer Layson Mexico Pampanga Philippine Center for Postharvest Development and Merchanization (PhilMech) Pilipino Star Ngayon (PSN) PINAS

Pinoy netizens, damay sa FB ‘data leak’ scam

April 24, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

SA patuloy na pagyabong ng teknolohiya ng komyunikasyon, napatunayan nating mga Pinoy na hindi tayo magpapahuli sa paggamit nito. Minsan ay nabansagan na ang bansa bilang “texting capital of the world” dahil sa dami ng bilang ng Pilipinong gumagamit ng short messaging service sa kanilang cellphones. At nang umusbong ang social media sa internet, tulad ng Facebook, Twitter, Instagram at Snapchat ay naging pangunahing paraan ito upang maging “connected” tayo sa isa’t-isa.

Hindi maitatanggi na ang Facebook ang pinakatanyag na social media sa buong mundo, na may 2.2 bilyong users.  Sa Pilipinas, mayroong 47 milyong aktibong gumagamit ng nasabing social media para makipag-usap at maging updated sa mga kaibigan, kamag anak; pagsagap ng impormasyon at balita; gayon din ang iba’t-ibang uri ng libangan tulad ng viral videos at online games at maging sa pagnenegosyo. Talagang parte na nga ng ating buhay sa modernong mundo ang social media.

Subali’t kasalukuyang inu-ulan ng batikos ang Facebook dahil sa iskandalong kinasasangkutan nito, kung saan nagbunyag ang pagkulimbat ng research firm na Cambridge Analytica, na nagsilbing consultant sa kampanya noon ni US President Donald Trump, ang data ng 87 milyong FB users sa buong mundo.

Sa pamamagitan umano ng isang personality-quiz app na “This Is Your Digital Life”, nakuha umano ng kumpanya ang mga personal na impormasyon ng mga netizens upang mapulsuhan kung anong mga katangian na hinahanap nila sa isang leader. Ito ang ginawang batayan umano sa pagbuo ng estratehiya ng kampo noon ni Trump para umarangkada sa 2016 US Presidential Elections.

Dahil sa data leak, ginisa ng mga miyembro ng US Congress ang CEO ng Facebook na si Mark Zuckerberg. Nakumpirma sa kanilang imbestigasyon na maari ngang magamit ang Facebook ng ilang grupo para sa mga political agenda tulad ng ginawa umano ng Russia na nag-“weaponize” sa nasabing social media platform  upang maka-impluwensya sa nakaraang eleksyon sa Amerika.

Aminado naman si Zuckerberg na isang malaking pagkakamali ang nangyari.  Aniya, maging ang kanyang data ay nakuha ng Cambridge Analytica, kaya naman isang “complex issue that deserves more than a one word answer” ang isyu ng data privacy ng mga Facebook users.

Bukas naman ang 33-year old executive na makipagtulungan sa pagbabalangkas ng mga panuntunan upang mabantayan ang mga pribadong impormasyon ng mga netizens, gaya ng suhestiyon  ni  Sen. Amy Klobuchar ng Minnesota ng pagkakaroon ng 72-hour notification kung may maganap na breach of privacy.

Samantala, inanunsyo ng Cambridge Analytica na burado na ang lahat ng data na binili nila mula sa researcher na si Aleksandr Kogan, at nagsagawa sila ng internal audit para masiguro ang pagbura sa mga kontrobersyal na data, alinsunod sa pakiusap ng Facebook.

Sapul ba ng ‘data leak’ ang Pinoy FB users?

Hindi naiwasang mangamba ang mga Pinoy netizens na baka nagamit at magamit ang kanilang mga pribadong impormasyon ng ilang pulitiko, lalo na’t inanunsyo ng Facebook na halos 1.2 milyong Pinoy FB users ang maaring apektado ng data leak scandal.

Umalingawngaw ang alegasyon na nakinabang din ang kampo noon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga data na nakalap ng kontrobersyal na research firm kaya ito nanalo sa pambansang halalan noong 2016.

Lumabas sa South China Morning Post ang larawan na kasama ng apat na Duterte campaign supporters na sina Peter Laviña and Jose Gabriel “Pompee” La Viña, Taipan Millan  at dating pangulo ng National Press Club Joel Sy Egco si Cambridge Analytica CEO Alexander James Ashburner Nix, na direktor din ng behavioral research group na Strategic Communication Laboratories Group (SCL).

Binanggit din sa isang ulat na tinulungan umano ng SCL ang isang kandidato sa Pilipinas na baguhin ang imahe nito bilang isang “strong, no-nonsense man of action”, base sa mga dokumentong nakalap nito noong 2013. Bagama’t hindi pinangalanan ang naturang kandidato sa report, may mga spekulasyon na si Pangulong Rodrigo Duterte ang tinutukoy dahil akma sa kanya ang nabanggit na imahe.

Pinabulaanan naman ng Malakanyang ang inilutang na isyu. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, tiniyak ni Finance Secretary Carlos Dominguez, na tumayong ingat-yaman ng Duterte campaign team, na hindi siya nagbayad ni isang kusing sa Cambridge Analytica.

“The President won the election fair and square with an overwhelming mandate of over 16 million votes and a margin of over six million. Support for the former Davao city mayor was from all sectors and not just from Facebook or online; thus, the Duterte campaign did not have to purchase information,” pahayag ni Roque.

“We should respect the President’s landslide victory, which was a result of the trust and confidence of the Filipino people, and not undermine it with unsubstantiated allegations.”

Facebook, dapat magpaliwanag sa PH gov’t

Ayon sa National Privacy Commission (NPC), hindi sapat ang paliwanag ni Zuc-kerberg sa nasabing kontrobersiya nang siya ay humarap sa pagdinig ng US Congress.

“We acknowledge the communications of your global and regional representatives made directly to our office,” nakasaad sa liham ng NPC kay Zuckerberg noong Abril 11. “Unfortunately, your response has been generic and inadequate to satisfy the mounting concerns of Filipino users.”

Sa isang statement ay sinabi ng Facebook na handa nilang sagutin ang mga tanong ng ahensya at makipagtulungan dito.

“We are strongly committed to protecting people’s information. We are engaged with the Philippine National Privacy Commission on this,” pahayag ng FB.

Isa lamang ang Pilipinas sa mga bansa sa labas ng US na gustong kastiguhin ang Facebook dahil sa data leak. Ang mga bansa ng United Kingdom, Australia, Brazil, Mexico, Indonesia, Canada, India, at Vietnam ay nais din papanagutin ang nangungunang social media company.

Samantala, maaring malaman ng Facebook users kung nakuha nga ba ng Cambridge Analytica ang kanilang personal data sa Help Center nito (www.facebook.com/help). Maari rin malaman at mai-download kung anu-anong data ng isang user ang hawak ng Facebook sa pagpunta sa www.facebook.com/settings, at i-click ang “Download a copy of your Facebook Data”.

Facebook, nahaharap sa krisis

Internasyonal Slider Ticker Alexander James Ashburner Nix Australia brazil Cambridge Analytica Canada Facebook Harry Roque India Indonesia Joel Sy Egco Mark Zuckerberg Mexico National Privacy Commission (NPC) Pangulong Rodrigo Duterte Pilipinas Strategic Communication Laboratories (SCL) United Kingdom Vietnam

Nietes, aakyat sa super flyweight

March 26, 2018 by Pinas News

Pinas News

HANGAD ni Donnie “Ahas” Nietes na umakyat sa super flyweight sa susunod na laban nito.
Ilan sa mga target nitong makalaban ay sina Nicaraguan boxer Roman “Cho-colatito” Gonzalez o si Juan Francisco Estrada ng Mexico para sa bakanteng WBO super flyweight title.

Gusto ni Donnie na sa Las Vegas gawin ang laban dahil sa nakita nito na marami ang nagkakagusto sa estilo kanyang laban.
Si Nietes ay kampeon sa 105 pounds, 108 at 112 pounds na ang susunod niyang target ay ang 115 pounds.

Slider Sports Ticker “Cho-colatito” Gonzalez Donnie “Ahas” Nietes Juan Francisco Estrada Las Vegas Mexico PINAS super flyweight WBO

Simbang gabi, paano nagsimula?

December 28, 2017 by Pinas News

Ni: Vick Aquino Tanes

Misa de Gallo o Simbang Gabi, ito na marahil ang kumukumpleto sa tradisyong Pilipino tuwing sasapit ang kapaskuhan sa Pilipinas. Madaling araw man o gabi ay kailangang magsimba sa loob ng 9 na araw dahil ayon sa paniniwala ng iilan ito raw ay tutupad ng kahilingan. Pero paano ba nauso ito sa bansa?

Nagsisimula ang simbang gabi mula ika-16 ng Disyembre hanggang ika-24 ng Disyembre bago ipagdiwang ang kapanganakan ni Hesukristo. Ang misa sa madaling araw ang pinakabantog na tradisyon ng Katolikong Pilipino.

Nagsimula ang kaugaliang ito noong panahon ng Kolonyalismong Kastila. Inumpisahan ito sa Mexico noong taong 1587, nang payagan ng Santo Papa ang paring Mehikanong si Diego de Soria na isang prayle, na magdaos ng mga misa sa labas ng simbahan upang mapaunlakan ang malaking bilang ng mga mamamayang ibig makinig ng misang pang gabi.

Sa Pilipinas, nag-umpisa ang tradisyon noong 1669, nang magsagawa ang mga pari ng mga pang madaling araw na misa para sa mga magsasakang nais dumalo ng misa tuwing pasko na hindi maiwan ang kanilang sakahan.

Ang mga Pilipino ay gumigising tuwing madaling araw para dumalo sa misa upang ipakita ang kanilang malalim na pananampalataya sa Diyos, bilang paghahanda sa araw ng Pasko.

Ilan sa mga nakasanayan ng mga Pilipino na may kaugnayan sa Simbang Gabi ay ang pagtitinda ng mga nakaugaliang pagkain na tulad ng:

  1. Puto bungbong (kulay ube na gawa sa malagkit, nilalagyan ng niyog at ng asukal na pula)
  2. Bibingka (tinatawag ding putong bibingka)
  3. Ibat ibang klase ng suman pero mas sikat ang suman sa ibos
  4. Mainit na pandesal
  5. At mga inuming salabat, tsokolate, tsaa, at kape.

Kadalasan silang nakikita sa tabi ng simbahan para sa mga dumadalo ng simbang gabi. At walang nakakatanggi sa masarap na amoy ng mga pagkain na ito

Processed meats, nakaka-heart attack umano?

Hindi kumpleto ang Noche Buena kung wala sa mesa ang bacon, hotdogs, ham, tocino o longanisa. Sino ba naman kasi ang di masasarapan dito na sa paningin pa lang ay gugutumin ka na.

Masarap sa mata ngunit masakit sa bulsa, dahil na rin sa taas ng presyo ng mga karne lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan. Pero alam n’yo bang nakasasama rin pala sa kalusugan ang palagiang pagkain ng processed foods?

Ayon ito sa pag-aaral ng mga researchers ng Harvard School of Public Health.

Ang isang maliit o three-ounce serving of red meat sa loob ng isang araw ay nagpapataas ng mortality rate ng 13 percent o dili kaya ay mataas ang tsansang maagang mamatay dahil sa pagkakaroon ng mga sakit.

Ayon pa sa pag-aaral, ang pagkain ng processed meat ay may malaking sintomas ng pagkakaroon ng cancer, heart disease at diabetes.

Kasabay nito ang pag-aaral sa pagkain ng karne ng manok o gulay bilang kapalit ng processed foods. Ikinagulat ng mga researchers ang malaki ang kaibahan nito dahil mababa lamang ang naging tsansa ng kanilang mortality rate dahil ang pagpili sa pagkain ng karne ng manok kumpara sa procesed foods ay mas tumatagal ang buhay dahil mababa lamang sa cholesterol at fats ang manok.

Dagdag pa, tinutukan nila ang pagkonsumo ng red meat, lalo na ang processed meat na base sa kanilang pag-aaral ay premature death ang kahahantungan nito.

Ngunit ang pagpili ng mas masustansyang klase ng protina kapalit ng red meat ay nakapagpapababa ng tinatawag na chronic disease morbidity at ang maagang kamatayan.

Hindi naman po nakasasama ang pagkain ng processed foods basta limitado lamang sana ang pagkain at mas mainam na mas tangkilikin na lamang ang mga pagkain na sariwa.

Buhay Slider Ticker Harvard School of Public Health ika-16 ng Disyembre ika-24 ng Disyembre Mexico Misa de Gallo Simbang gabi taong 1587 Vick Aquino Tanes

Masusugpo nga ba ang drug trade?

October 16, 2017 by Pinas News

Pinas News

Maraming mga eksperto ang nagsasabi na imposibleng sugpuin ang kalalakalan ng ilegal na droga dahil habang may demand ito, magkakaroon ito ng suplay.

Ito mismo ang naging opinyon ng dating pangulo ng Mexico na si Felipe Calderon matapos ang kanyang 6 na taon na panunungkulan bilang pangulo ng naturang bansa na nagtapos taong 2011.  Sa loob ng kanyang termino, inilunsad ni Calderon ang Operation Michoacan kung saan idineploy ng pamahalaan ang pinagsanib na pwersa ng polisya, militar, marines, at hindi mabilang na mga helicopter at eroplano upang harapin ang problema ng mga drug-cartel sa bansa.  Ang resulta? 60,000 drug-related homicides pa rin ang naitala sa loob ng 6 na taon habang lumalaki pa lalo ang drug trade sa Mexico.

Ganito rin ang pahayag ng The Global Commission on Drug Policy kung saan kabilang ang mga dating mga pangulo ng mga bansang Brazil, Mexico, at Columbia kung saan talamak ang kalakalan ng ilegal na droga, at ilan pang mga dating heads of state at mga heads of organization, na isang kabiguan ang 4 na dekadang global ‘war on drugs’.

Ayon pa sa ulat ng grupo, wala umanong epekto ang milyon-milyong dolyar na ibinibuhos ng mga pamahalaan sa drug war dahil tinatanaw umano ang problema bilang isang problema ng ‘supply’ at hindi problema ng ‘demand’. Kung aasa umano ang mga pamahalaan sa kapangyarihan ng batas at sandata upang sugpuin ang suliranin ng ilegal na droga ngunit hindi naman tinutugon ang problema ng drug- treatment at kung paano mabawasan ang paggamit ng mga ipinagbabawal na gamot, magpapatuloy umano ang karahasan at paglaki ng mga organized crime groups na may kaugnayan sa droga.

Tinukoy pa nga ng isang eksperto ang tinatawag na “balloon effect” na ang ibig sabihin kung magiging malupit at batas sa isang bahagi ng ilegal na kalakakalang ito, ililipat lamang umano ng mga sindikato ang kanilang akitibidad sa ibang bahagi.  Hulihin man at ikulong ang mga lider, may bagong mga lider na susulpot. I-shut down man ang isang shabu lab, o sunugin ang isang plantasyon ng Marijuana, magtatayo lamang ang mga ito ng iba.  Patayin mo man ang lahat ng mga dealer, may papalit din sa kanila na bagong mga dealer.

Kamakailan lang ay naglabas ang Philippine National Police (PNP,) ng pahayag na umabot lamang umano sa 6,225 ang bilang ng mga napatay sa operasyon ng pulisya laban sa iligal na droga mula noong Hunyo 2016 hanggang Setyembre 30 ng kasalukuyang taon, kahit pa man mahigit 12,000 ang tinatayang bilang ng mga human rights groups. Daan-daang libo na mga drug surrenderees, libu-libo na rin ang mga nasa kulungan, may mga sinasabing mga drug lord na pinatay, may mga ikinulong at may mga kinasuhan.

Ngunit, hanggang saan aabot ang kampanyang ito ng pamahalaan? Hindi layunin ng lathalaing ito ang sabihin kung tama ba o mali ang pamamaraan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa labanang ito, ngunit kailangang malaman din ng taumbayan kung ano pa ang mga hakbang na ginagawa ng pangulo sa larangan ng rehabilitasyon at prebensyon.  Nais makita ng nakararami ang mga programang may bisa at may malaking epekto, nilaanan ng sapat na pondo at ipaptutupad na kasing tindi ng kung paano ipinatupad ang madugong Operation Tokhang at Double Barrel.

Editorial Slider Ticker 60000 drug-related homicides Balloon effect brazil Columbia Double Barrel Drug trade Felipe Calderon marijuana Mexico Operation Michoacan Operation Tokhang Pangulong Rodrigo Duterte Philippine National Police PNP SMNI News

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.