EUGENE FLORES
MULING magsasagupaan sa loob ng boxing ring ang mga heavyweights na sina Deontay Wilder at Tyson Fury ngayong Pebrero 22 sa MGM Grand Arena.
Nauwi sa isang kontrobersyal na draw ang unang pagkikita ng dalawa kung kaya’t itinakda ang kanilang rematch upang maudyukan ang laban.
Dedepensahan ni “Bronze Boomer” Wilder ang kanyang WBC Heavyweight belt kontra kay “Gypsy King” Fury.
Magkakaroon lamang ng isang press conference ang laban ayon sa promoter nito na si Bob Arum ng TopRank.
Mayroong record si Wilder na 42 wins na may 41 knockouts at isang draw na dulot ni Fury.
Sa kabilang banda, wala pa ring talo si Fury na may 29 wins, 20 knockouts at isang draw.
Ang rematch na gaganapin ay sinasabing magiging hudyat upang magkaroon na ng undisputed heavyweight champion ang boxing. Si Fury din ang tinuturing na pinakamahirap na kalaban ni Wilder sapagkat sya pa lamang ang boksingerong hindi nito natalo at na-knockout.
Sa usapang undisputed champion, kasalukuyang hawak ni Anthony Joshua ang tatlong belt at isa naman kay Wilder. Mangyaring maging matagumpay si Bronze Boomer ay malaki ang tyansa na sila’y magharap na ni Joshua upang magkaroon ng iisang kampyeon sa buong heavyweight division.