Ni: Noli C. Liwanag
AYON sa big boss ng Top Rank CEO Bob Arum, malapit na umanong maisakatuparan ang pinap-lanong kasunduan para matuloy ang big fight ni eight-division world champion Senator Manny Pacquiao laban sa Amerikanong si Mike Alvarado.
Umaasa si Arum na magiging maganda ang pakikipag-usap nito sa adviser ni Pacquiao na si Michael Koncz.
Bukod dito tinabla ng promoter ang naging pahayag ni Pacman na gusto umano nitong makalaban ang Argentinian na si Lucas Matthysse.
Sinabi ni Arum na hindi niya umano papayagang mangyari ang naturang laban.
Samantala, kung ayaw pumayag ni Arum, matindi naman ang paghahangad ng Argentinean puncher Lucas Matthysse na matuloy ang pangarap nito na makalaban ang Pambansang Kamao ng Pilipinas.
Ang pahayag ni Matthysse na mula sa Golden Boy Promotions ay kasunod na rin ng “call-out” mismo ni Manny na nais niyang makaharap si Lucas.
Kahit sa kabila ng lantarang gusto ng Top Rank na makaharap si Alvarado kay Pacquiao sa April showdown.
Noong nakaraang buwan lamang ay nagtala ng 8-round TKO si Matthysse (39-4, 36 KOs) laban kay Tewa Kiram para makamit ang tinaguriang regular version na WBA welterweight title.
Matatandaang huling umakyat ng ring si Pacquiao noong Hulyo 2017 kung saan na-upset ito ng Australyanong si Jeff Horn.