• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Thursday - January 28, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Mindanao

Bantayan ang mga power plant

April 3, 2019 by Pinas News

Ni: Louie C. Motemar

DAHIL sa umiinit na ang panahon, malamang na madali ring mag-init ang ulo ng mga karaniwang konsyu­mer. Nitong nakaraang linggo, tila sunud-sunod ang pagsulpot ng problema gaya ng pagkawala o paghina ng serbisyo sa tubig at nagbabanta na namang mga yellow alert sa kuryente.

Kamakailan lamang, lumitaw na naman ang hindi kaaya-ayang sitwasyon ng power supply sa Luzon grid (sa Visayas at Mindanao, alalahanin nating mas malala pa nga ang kalagayan araw-araw sa maraming lugar). Na­ka­tatlong sunod-sunod na pagdeklara ng yellow alert ang National Grid Corporation of the Philippines ngayong taon. Ibig sabihin, bagamat walang brownout labis na mababa na ang reserba ng kuryente dulot ng hindi planong paghinto ng operasyon ng ilang planta at mataas na pagtatantiya sa pangangailangan o demand ng sistema.

Tandaan nating ang NGCP ay isang pribadong korporasyon na namamahala sa pagpapatakbo, pagpapanatili, at pagpapaunlad ng power grid na ari naman ng ating estado o pamahalaan. Pinangangasiwaan nito ang pambansang transmisyon ng kuryente.

Matapos ang huling de­klarasyon ng yellow alert mula sa NGCP, agad namang nagpahayag ang Kagawaran ng Enerhiya (DOE) sa publiko na ang Luzon grid ay may sapat na suplay ng kuryente. Ayon kay Undersecretary Felix William Fuentebella, sinisiyasat ng DOE ang posibilidad ng isang collusion — pagkukun­tsaba o sabwatan — sa sabay-sabay na pagsasara ng mga power plant na nagresulta sa mababang suplay ng kuryente at pagtaas ng presyo sa spot market ng kuryente. Nangyari na ito noon.

Sa kabila ng mga ilang usapang baka magsabay ang problema ng tubig at kuryente, tiniyak ng Meralco na hindi ito konektado at sapat ang suplay ng kuryente ngayong tag-init hanggang sa araw ng halalan. Tuloy-tuloy rin ang maintenance upgrade para maiwasan ang mga brown out.

Sana’y magdilang anghel ang DOE at Meralco at maging sapat nga ang ating kuryente. Huwag pa rin tayong maging kampante at huwag nating lubayan ang pagbantay sa mga power plant. Ituloy ang pagpahayag ng mga alerto sa suplay ng kuryente at mga power plant na nagsasara. Dapat ipaalam sa publiko ang dahilan ng pag-tigil operasyon ng mga ito, kung lehitimo nga o sinasadya para tumaas and presyo ng kuryente.

Sa pakikialam ng isang aktibong mamamayan at res­ponsableng pamamahala, malulusaw ang anumang sabwatan.

Opinyon Slider Ticker DOE Louie C. Motemar Luzon grid Meralco Mindanao National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) PINAS Undersecretary Felix William Fuentebella Visayas

Laban kontra terorismo, di aatrasan ng Duterte admin 

March 25, 2019 by Pinas News

ALERTO 24 oras na nagbabantay sa mga karagatan ng bansa ang mga miyembro ng Philippine Coast Guard laban sa banta ng terorismo.

 

Ni: Quincy Joel Cahilig 

Isa ang terorismo sa mga isyu na matagal nang kinakaharap ng gobyerno ng Pilipinas. Ang paghahasik ng kaguluhan ng iba’t-ibang mga bandido, communist, at extremist groups ay talaga namang nakakahadlang sa peace situation, bagay na mahalaga para sa mga investors na gustong mamuhunan sa bansa.

Batay sa Global Terrorism Index report na inilabas ng Institute for Economics & Peace (IEP), nasa pang-sampung pwesto ang Pilipinas sa listahan ng mga bansang apektado ng terorismo noong 2018; kabilang ang Nigeria, Afghanistan, Syria, Pakistan, Somalia, India,Yemen, Egypt, Congo, Turkey, Libya, South Sudan, Central African Republic, Cameroon, Thailand, Kenya, Sudan, U.S., Ukraine, Mali, at Niger.

Siniguro naman ng Malacañang na seryoso ang pamahalaan sa paglutas sa banta ng terorismo at patuloy pang pinapalakas ang kakayahan ng militar at pulisya upang labanan ang mga pwersang naghahasik ng karahasan sa lipunan.

TINIYAK ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na seryoso ang Duterte administration sa pagsupil sa pwersa ng terorismo sa bansa.

 

“As one would expect, we are not taking terrorism lightly. Our goal is to totally eradicate rebellion by crushing it as well as providing better services and opportunities for all to achieve a state where there would no longer need for any uprising or armed struggle,” pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa kabila ng pagtutol ng ilang grupo, kasalukuyan pa ring umiiral ang martial law sa Mindanao matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 216 bunsod ng paglusob ng Islamic State-inspired Maute group sa lungsod ng Marawi noong 2017. Ayon kay Panelo ang extension ng martial law sa rehiyon ay dahil sa patuloy na banta sa seguridad ng publiko, bagay na suportado naman ng maraming Pilipino.

Ilan pa sa anti-terrorism steps ng  Pangulong Duterte ay ang pag-isyu ng Memorandum Order No.32, na nagpapalakas sa guidelines ng miltar at pulisya sa pagsugpo sa karahasan, at ang pagpapatupad ng Executive Order No.70, na nagtatakda sa pagbuo ng isang national task force para lutasin ang problema sa local communists at insurgencies.

PINAPAYUHAN ng mga government authorities ang mga magulang na bantayang mabuti ang kanilang mga anak sa paggamit ng internet upang maiwasang ma-brainwash ang mga ito ng mga extremist groups.

 

PAGBIBIGAY PRIORITY SA PANGANGAILANGAN NG PNP AT AFP

Patuloy ang modernization programs ng Duterte administration sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) upang makasabay sa lumalakas din na kakayahan ng mga terrorist groups sa loob at labas ng bansa.

Kamakailan, inanunsyo ni PNP chief, General Oscar Albayalde ang pagbili ng pulisya sa mga motorized patrol boats at pag-recruit ng karagdagang tauhan para sa maritime operations ng PNP, nagbabantay sa mga borders mula sa pagpuslit ng mga bawal na gamot at pagpasok ng mga terorista.

“We are modernizing our maritime group. We have procurement last year and there will be a portion of our 2019 budget that will be allocated for the capability enhancement,” wika ni Albayalde.

Ayon naman kay Brigadier General Rodelion Jocson ng PNP Maritime Group, dumating na ang pito sa 28 gunboats na naaprubahan noong nakaraang taon at inaasahan ang pagdating ang nalalabi pang gunboats ngayong taon. Oorder din umano ang PNP Maritime Group ng karagdagan pang 18 gunboats at drones ngayong 2019.

Samantala, pinapalakas din ng Philippine Coast Guard (PCG) ang kakayahan nito gamit ang PHP1.320 bilyon na pondong inilaan para sa pagbili ng speed boats mula sa U.S.

Apat sa 38-meter response boats ang paparating na sa bansa ngayong taon, na may bilis na 40 knots, na kayang habulin ang mga terorista at pirata sa mga karagatan ng Mindanao.  Inaasahan na din umanong makukumpleto na ngayong taon ang 40 units ng 33-footer boats na kanilang inorder mula sa mga local shipbuilders.

Patuloy din ang natatanggap na suporta ng Pilipinas mula sa mga malalaking bansa na kaalyado nito tulad ng U.S. na nag-pledge ng PHP300 milyong ayuda para paigtingin ang intelligence operations laban sa extremist groups. Nagpahayag din ng suporta ang France, Russia, Japan, at China sa kampanya ng Pilipinas kontra terorismo.

“Terrorism knows no boundaries, politics, religion and creed. It is the new evil in the world that strikes at every country and every continent and all member-nations of the United Nations really should help and cooperate with each other to combat and crush terrorism,” wika ni Panelo.

MANATILING ALERTO SA ISIS

Habang isinusulat ang artikulong ito, kasalukuyang sinasagupa ng US-backed Syrian Democratic Forces (SDF) ang nalalabing caliphate ng Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa isang village sa Baghouz. Sa loob ng ilang araw ng paglusob ng SDF at coalition warplanes, matagumpay nilang napasuko ang mahigit 4,000 na ISIS fighters kasama ang kanilang mga pamilya.

Dahil dito, natatanaw ng ilan ang nalalapit na pagguho ng naturang kampo ng mga extremist, na minsa’y naging singlawak ng Britain.

Subali’t kung natitibag na ang pwersa ng IS sa middle east, kasalukuyan din namang umuusbong ang panibagong pwersa nito sa ibang panig ng mundo. At ayon sa mga ulat, ito’y sa Mindanao.

Taong 2016 nang magsimula ang malawakang recruitment ng ISIS sa Mindanao sa pamamagitan ng online videos at marami-rami umano silang nahikayat sa loob at labas ng bansa. Taong 2017, ang mga militanteng sumanib sa IS na Maute Group ang lumusob sa Marawi, kung saan nakita rin na mayroong mga foreigners sa kanilang hanay. Matapos ang mahigit limang buwang bakbakan na kumitil sa buhay ng 900 insurgents, nagtagumpay ang pwersa ng pamahalaan ng Pilipinas. Nguni’t naniniwala ang ilan na reresbak pa ang IS sa bansa.

Nitong Enero, ginimbal ng kambal na pambobomba ang Jolo, Sulu, na kilalang balwarte ng Abu Sayyaf terrorist group, na sinasabing sumapi na rin sa IS. Mahigit 20 katao ang nasawi at marami ang sugatan sa naturang pagsabog.

Naunang inako ng ISIS ang naturang twin blasts. Nguni’t tinukoy ng pamahalaan na ang bandidong Abu Sayyaf ang may kagagawan.

Ayon kay Rommel Banlaoi, chairman ng Philippine Institute for Peace, Violence, and Terrorism Research, maraming financial resources ang IS at patuloy ang pagrecruit nila ng fighters.

“ISIS is the most complicated, evolving problem for the Philippines today, and we should not pretend that it doesn’t exist because we don’t want it to exist,” babala ni Banlaoi.

WAR ON TERRORISM, NAGSISIMULA SA TAHANAN

Sinabi naman ni Sidney Jones, director ng Institute for Policy Analysis of Conflict na nakabase sa Indonesia, tinatarget ng ISIS ang mga kabataan na gawing recruits.

 “The government didn’t recognize its strength in attracting everyone from university-educated students to Abu Sayyaf kids in the jungle. Whatever happens to the pro-ISIS coalition in Mindanao, it has left behind the idea of an Islamic state as a desirable alternative to corrupt democracy,” aniya.

Kaya naman pinapayuhan ng isang socio-anthropology professor sa Philippine Military Academy (PMA) ang mga magulang na bantayang mabuti ang kan

ilang mga anak sa social media. Ayon kay Capt. Sherhanna Paiso, military science professor at chief ng education branch ng PMA, mahalagang malaman ng mga magulang kung sino-sino ang kausap ng kanilang mga anak sa social media gayon din ang mga tanda kung ang kanilang anak ay nahawahan ng radicalization, na ipinanghihikayat ng mga extremist groups sa mga menor de edad na may kakulangan pa sa critical thinking skills.

Aniya, kapag pinalitan ng isang bata ang kanyang profile picture na nakasuot ito ng maskara ng ISIS o ISIS flag, ibig sabihin ay naimpluwensyahan na ito ng radicalization.

“If you are in a group the promotes violence, there is a tendency for you also to become violent individual. Remember, prevention is always better than cure,” wika ni Paiso.

Payo din ng military prof na iwasan ang pag-stereotype sa mga Muslims bilang “terrorists” at “bombers” para maiwasang mahikayat ang mga Muslim youth na sumapi sa mga grupong nagpapasimuno ng karahasan.

Pambansa Slider Ticker Armed Forces of the Philippines (AFP) Britain Capt. Sherhanna Paiso China esidential Spokesman Salvador Panelo France Institute for Economics & Peace (IEP) ISIS Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) Japan Mindanao Pangulong Rodrigo Duterte Philippine Coast Guard (PCG) Philippine Military Academy (PMA) Philippine National Police (PNP) Quincy Joel Cahilig Russia Syrian Democratic Forces (SDF)

Pinoy seafarers: Unsung heroes ng mundo

March 13, 2019 by Pinas News

SI Vincent Nevado (dulong kanan) at ang kanyang mga kasamang Pinoy seafarer sa barkong SN Claudia.

 

Ni: Quincy Cahilig

TINAGURIANG mga bagong bayani ang mga overseas Filipino workers (OFW) dahil sa kanilang malaking ambag sa pagpapalago at pagpapatatag ng ekonomiya ng Pilipinas.

Subali’t tila di masyadong napagtutuunan ng pansin at nabibigyan ng pugay ang isang malaking bahagi ng mga Pinoy overseas workers na hindi lamang tumawid ng dagat sa kanilang pagtatrabaho, kundi sa mismong karagatan sila nagpapagal. Sila ang mga Pinoy seafarers, o mga seaman.

Nasa 90 porsyento ang iniaambag ng shipping industry sa ekonomiya ng buong mundo. Tinatayang nasa mahigit 51,000 ang mga barkong naglalayag sa karagatan, na naghahatid ng mga produktong kailangan ng tao sa pangaraw-araw tulad ng langis, pagkain, damit, gadgets, sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Bago pa ang panahon ng pananakop ng mga Kastila, nagpapadala na umano ng mga seafarers ang bansa. Pero noong dekada ‘70 nagsimulang makilala sa mundo ang mga seafarer ng bansa nang pumutok ang oil crisis noon. Ito ang nagtulak sa mga shipping companies na kumuha ng crew ng barko mula sa Pinas dahil hindi na nila kaya ibigay ang sweldo ng seafarers mula sa mga bansa sa kanluran.

Hanggang ngayon, ang Pilipinas pa rin ang nangungunang exporter ng mga seafarers. Sa 1.2 milyon na seafarers sa buong mundo, 400,000 ang mga Pinoy, na nagtatrabaho bilang mga officers, deckhands, fishermen, cargo handlers at cruise workers. Batay sa ulat, nakakapag-remit sila ng mahigit USD 6 bilyon kada taon. Kaya hindi basta-basta pwedeng mawala ang ating mga marino sa karagatan dahil malaki ang epekto nila sa world economy.

NASA 20,000 na graduates ang pino-produce ng mga maritime institutions sa Pilipinas.

 

Hindi birong career 

Kung mapapadpad ka nga sa gawing Kalaw St. na bahagi ng Luneta Park, makikita ang bulto ng mga kalalakihang nagnanais na makasampa sa barko dahil sa salary rate ng isang seaman, na kayang-kayang bumuhay ng pamilya.

Ayon kay Engineer Nelson Ramirez, presidente ng  United Filipino Seafarers (UFS), isang non-profit organization na nagsusulong sa karapatan at kapakanan ng mga marino, nananatiling in-demand ang mga Pinoy sa mga barko dahil marunong sila mag-Ingles, masipag, well-trained, at kayang makipagsabayan sa anumang trabaho sa barko.

Kada taon, nagpo-produce ang mga maritime institutions sa bansa ng nasa 20,000 na graduates. Karamihan sa kanila ay mula sa Visayas at Mindanao. Talagang puspusan ang kanilag training mula sa engines, astronomy, at laws upang maging lubusang handa sa trabaho sa barko.

Pero ang masasabing pinakamatinding bahagi ng kanilang trabaho ay ang pagkabagot at pangungulila sa mga mahal sa buhay a gitna ng malawak at maalong karagatan. Ito ang sakripisyong kanilang binabata sa araw-araw. Kaya di biro ang maging seaman — hindi lamang job skills ang kailangan kundi maging ang mental toughness.

Sa kabila ng mga ito, tuloy pa rin ang 32-anyos na si Vincent Nevado sa pagtatrabaho sa barko alang-alang sa kinabukasan ng kanyang pamilya.  At para malabanan din ang kalungkutan, sinusulit na lang niya kapag may pagkakataon na makapamasyal tuwing dumadaong ang kanilang barko.

“Simple lang naman ang dahilan ko, maganda ang sweldo. At gusto ko din ma-experience makapunta sa iba’t-ibang lugar ngunit bihira ako makapasyal,” wika ni Nevado.

Sa mga nakalipas na taon, marami ng mga success stories ang ating mga Pinoy seafarers. Marami ang naitawid ang edukasyon ng mga anak, nakapagpundar ng negosyo, at nakapagpatayo ng bahay.  Kaya naman marami pa rin ang nagnanais na maging seaman.

Pero pinagiingat ni Ramirez ang mga gustong magtrabaho sa barko sa mga illegal na agencies, gayon din sa mga ambulance chasers o mga abogado at ibang operator na hinihikayat ang mga seafarers na maghain ng hidwang injury claims sa kanilang ship operators para makakulimbat ng malaking halaga. Aniya, sinisira ng ganitong mga modus ang industriya ng maritime sa bansa.

HANGGANG ngayon, ang Pilipinas pa rin ang nangungunang exporter ng mga seaman.

 

 

PH maritime education, palalakasin 

Dahil sa tiwala sa kakayahan ng Pinoy seafarers, ipagpapatuloy ng Japan ang pagbibigay ng training para sa mga Pinoy maritime instructors upang maiangat ang kalidad ng maritime education at training sa bansa.

Kamakailan nilagdaan ng Maritime Industry Authority (MARINA),  Ministry of Land, Infrastructure, Transport and Tourism of Japan (MLIT) at Seamen’s Employment Center of Japan (SECOJ), ang memorandum of cooperation patungkol sa 2019 Maritime Instructor’s Training Scheme.

“Through this agreement, Japan will continue to host a number of qualified Filipino maritime instructors to improve their teaching skills and technical information related to their specialty through a two-month advanced training course program this year,” pahayag ng MARINA.

Sa ilalim ng programa, ang mga mapipiling delegado ay tuturuan sa pag-organize ng practical training programs at evaluation criteria on group training. Gaganapin ang training sa Japan.  Magpapadala ang MARINA ng imbitasyon sa mga recognized maritime institutions para sa nomination ng posibleng delegado, na sasailalim sa selection process.

Mula noong 2010, nasa 59 Filipino maritime instructors na ang nakapagtapos ng naturang program at naibahagi ang kanilang kaalaman sa libo-libong mga nagnanais maging seaman.

Mananatiling malaki ang impact ng maritime industry sa pambansang ekonomiya ng Pilipinas. Kaya hindi  tumitigil ang pamahalaan sa pagbuo ng mga batas upang mapalago ang maritime resources ng bansa. Kasama din dito ang pagbalangkas ng mga kasunduan sa mga karatig bansa upang mapanatili ang seguridad ng industriya at ng libo-libong mga Pinoy seaman — ang ating mga bayani sa karagatan.

Pambansa Slider Ticker Infrastructure Maritime Industry Authority (MARINA) Mindanao Ministry of Land PINAS Seamen’s Employment Center of Japan (SECOJ) Transport and Tourism of Japan (MLIT) United Filipino Seafarers (UFS) Visayas

2019 PBA All-Star Games inaabangan ng mga fans

March 13, 2019 by Pinas News

Pinas News

NAGBALIK sa lumang format ang PBA kung saan gaganapin ang All-Star Event sa isang venue lamang, mula Marso 29 hanggang 31.

Masasaksihan naman ang inaabangang All-Star Game sa Calasiao, Pangasinan sa Marso 31.

Kabilang sa North All-Stars First Five sina Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Paul Lee, L.A. Tenorio at Marcio Lassiter.

Habang sina Stanley Pringle, Jayson Castro, Alex Cabagnot, Gabe Norwood, Arwind Santos, Troy Rosario, Marc Pingris at Chris Banchero ang North All-Stars Reserves.

Kasama naman sa starters ng South All-Stars sina June Mar Fajardo, Greg Slaughter, James Yap, Mark Barroca at Scottie Thompson.

Habang sina Terrence Romeo, RR Pogoy, Chris Ross, Baser Amer, PJ Simon, Jio Jalalon, Poy Erram at Joe Devance ang magiging reserves ng South All-Stars.

Sa nakalipas na dalawang seasons ay dinala ng liga ang All-Star Weekend sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Slider Sports Ticker 2019 PBA All-Star Games Alex Cabagnot Arwind Santos Baser Amer Chris Banchero Chris Ross Gabe Norwood Greg Slaughter James Yap Jayson Castro Jio Jalalon Joe Devance June Mar Fajardo Luzon Marc Pingris Mark Barroca Mindanao North All-Stars Reserves PJ Simon Poy Erram RR Pogoy Scottie Thompson South All-Stars Stanley Pringle Terrence Romeo Troy Rosario Visayas

Ekstensiyon ng martial law sa Mindanao, ligal—Korte Suprema

March 6, 2019 by Pinas News

Pangulong Rodrigo Duterte humiling na i-extend ang martial law sa Mindanao sa pangatlong pagkakataon.

Ni: Jonnalyn Cortez

SA kabila ng mga batikos, pinagtibay ng Korte Suprema na ligal ang pangatlong ekstensiyon ng pagdedeklara ng martial law sa Mindanao.

Sa botong 9-4 ng mga ma­histrado, ibinasura ng Mataas na Hukuman ang apat na petisyong kumuwestiyon ng constitutiona­lity ng Proclamation No. 216 ni Pangulong Duterte na nagdideklara ng pagpapatuloy ng martial law ng isa pang taon hanggang Disyembre 2019.

Ang siyam na mahistrado na bumotong pabor sa pagsawalang bahala ng apat na petisyon ay sina Chief Justice Lucas Bersamin at Associate Justices Diosdado Peralta,­ Mariano del Castillo, Estela Perlas-Bernabe, Andres­ Reyes Jr., Alexander Gesmundo, Jose Reyes Jr., Ramon Paul Hernando at Rosmari Carandang.

Samantala, ang apat na hindi sumang-ayon ay sina Senior Associate Justice Antonio Carpio at Associate Justices Marvic Leonen, Francis Jardeleza at Alfredo Benjamin Caguioa.

Inihayag ng tagapagsalita ng Mataas na Hukuman na si Brian Keith Hosaka na si Carandang ang nagsulat ng ruling, ngunit hindi agad ito nailabas dahil kailangang hintayin ang isusumiteng opinyon ng iba pang mahistrado.

Ikinatuwa ni Maguindanao Gov. Esmael Ma­ngudadatu at Upi Mayor Ramon Piang ng Maguindanao ang ginawang pagpapalawig ng martial law.

“We have not been seeing politicians bringing with them so many security escorts when they go around since it was first declared in May 2017,” wika ni Mangudadatu.

“From the very start we in Maguindanao have been very supportive of that. We have militant groups in the province that the police and military are trying to address and martial law is one measure that can hasten their security efforts.”

Sinabi naman ni Piang na para sa kabutihan­ ng nakakarami ang gina­wang­ ekstensiyon, kaya’t kanilang sinusuportahan.

Pagtanggol sa ruling

Pinangunahan nina Albay 1st District Rep. Edcel Lagman ng Makabayan bloc sa Kongreso na pinamumunuan ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate, dating Commission on Elections chairman Christian Monsod, ang grupo ng mga gurong Lumad at estudyanteng kinakatawan ng Free Legal Assistance Group ang pag-kuwestiyon sa legalidad ng pagpapalawig ng martial law sa pangatlong pagkakataon.

Daing nila, walang tamang batayan na magbibigay-katwiran sa ginawang ekstensiyon na naa­ayon sa 1987 Constitution.

“(The Supreme Court)has once again stretched the boundaries of judicial interpretation,” pahayag ni Bayan Muna chairman Neri Colmenares ukol sa desisyon ng mataas na hukuman.

“It paves the way for imposing martial law nationwide even if there is no threat to public safety,” dagdag pa nito.

Ayon kay Colmenares, kailangan ng Konstitu­syon ng aktwal na pangyayari ng rebelyon at pag­sakop upang ideklara ang martial law at kung kinakailangan na ito para sa kaligtasan ng publiko.

Dagdag pa ng tuma­takbong senador sa dara­ting na eleksyon sa Mayo, kung may rebel­yon man at hindi naman nanganga­nib ang seguridad ng pu­bliko, maaaring gamitin ng pre­sidente ang kanyang ka­kayahang utusan ang militar upang labanan ang rebelyon at hindi magdeklara ng martial law.

Diumano, maaaring­ magresulta ng mas mara­ming karahasan sa isla ang desisyong ito ng Korte Suprema, pahayag ni Colmenares.

Sa kabilang dako, ipinagtanggol ng gobyerno ang constitutionality ng ekstensiyon. Isa sa mga binanggit nitong dahilan kung bakit kailangan ng martial law sa Minda­nao ay ang nangyaring pagpapasabog sa isang simbahan sa Jolo, Sulu, na kumitil sa buhay ng 23 at nakasakit sa halos 100 katao kamakailan.

Sinabi ni Solicitor General Jose Calida na maituturing na rebelyon ang mga pag-atakeng iyon na inuugnay ng pamahalaan sa New People’s Army sa Mindanao. Idinagdag pa niya na isa pang patunay na may banta sa seguridad ng publiko dulot ng local terrorist groups ang naganap ang pagpapasabog.

Inihayag din niya ang datos mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) na mayroong 424 na aktibong miyembro ng Abu Sayyaf terrorist group sa 138 barangay sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at Zamboanga; 264 na aktibong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters naman ang nasa 50 barangay; 59 na miyembro ng Saulah Islamiyah; anim na miyembro ng Maguid group at 85 na miyembro ng Turaifie group.

Binigyang-diin niya ang pagdagsa ng mga banyagang terorista sa bansa na siyang tumutulong nang puspusan sa pagsasanay sa local terrorist fighters. Sa katunayan, apat sa mga ito ang nakapasok sa Pilipinas noong nakaraang taon habang 60 naman ang nakasulat sa watchlist ng AFP.

Sinabi rin ni Calida na ang desisyon ng Kongreso na aprubahan ang hiling ng Pangulo ay “beyond judicial review.”

Laban sa rebelyon at terorismo

Malugod na tinanggap ng Malacañang ang desisyon ng Korte Suprema ukol sa pagpapalawig ng martial law. Inihayag ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ipinakita lamang nito na ang tatlong sangay ng gobyerno ay mayroong isang paninindigan na labanan ang puwersa ng rebelyon at terorismo sa bansa at tapusin ang gulo sa Mindanao.

“As we fast-track the rehabilitation of war-torn Marawi and promote security and peace and order in Mindanao, we ask the Filipino nation not to waver in their support of our republic’s defenders. Let us remain vigilant and prevail against these anti-democratic forces,” wika ni Panelo sa isang pahayag.

Pinasalamatan naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang Mataas na Hukuman sa pagsang-ayon sa hiling ng gobyerno. “(Martial law) has and will continue to greatly help our counter terrorism (operations) and fight against rebellious forces in Mindanao,” wika nito.

Ikinatuwa rin ni House Speaker Gloria Macapagal-­Arroyo ang desisyon ng Korte Suprema na pinatunayan ang constitutionality ng ekstensiyon.

“It’s good. We’re very happy, because we voted to extend it,” wika ng da­ting pangulo ng Pilipinas.

Matatandaang sina­ng-­ayunan ng Kongreso ang pagpapalawig ng mar­tial law sa Mindanao hanggang Disyembre 31 ng taong ito sa botong 235-28-1. Meron namang 223-23-0 na boto sa Kongreso at 12-5-1 sa Senado.

Unang nagdeklara ng martial law si Duterte nang magkaroon ng gulo sa Marawi City sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at Islamic State-inspired Maute terrorists.

Pinagtibay rin ng Korte Suprema ang constitutionality ng una at pangalawang deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Pambansa Slider Ticker 1st District Rep. Edcel Lagman Alfredo Benjamin Caguioa Armed Forces of the Philippines (AFP) Associate Justices Marvic Leonen Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate Christian Monsod Francis Jardeleza Korte Suprema Maguindanao Gov. Esmael Ma­ngudadatu Makabayan Bloc Malacañang Marawi City. Mindanao New People’s Army (NPA) Senior Associate Justice Antonio Carpio Solicitor General Jose Calida Upi Mayor Ramon Piang

Pagsugpo ng terorismo kaagapay ang ibang bansa

February 13, 2019 by Pinas News

ANG katedral na binomba sa Jolo ng mga hinihinalang terorista.

 

Ni: Eugene Flores

NAYANIG ang Jolo, Sulu sa Mindanao matapos sumabog ang dalawang bomba sa loob ng katedral —ang una ay sumabog habang nagmimisa at pagkaraan ng ilang minuto, sumabog ang isa pa habang papalabas ng katedral ang mga nagsimba isang Linggo ng umaga. May 22 na namatay at humigit kumulang naman sa 100 ang nasaktan.

Dahil sa pangyayari na sinasabing isang suicide bombing, naglabas ng pahayag ang Malacañang at mariing kinondena ang aksyon ng mga terorista sa lugar at nangakong pananagutin ang may kagagawan ng pambobomba.

Ang maraming dekada nang problema sa Mindanao ay nagpapatuloy sa ngayon na hinahanapan pa rin ng solusyon ng kasalukuyang administrasyon.

Marami na ang mga naitalang bakbakan kontra sa mga rebeldeng grupo sa Jolo maging sa mga karatig na lugar dito. Sa kasalukuyan, nasa ilalim pa rin ng Martial Law ang Mindanao isang taon matapos ang pinakamatagal na sagupan kontra sa mga IS-Maute sa Marawi.

Dahil sa insidente, lalong pina-igting ng military ang seguridad sa lugar at nagpaabot na rin ng simpatya at tulong ang ibang bansa.

NAGBIGAY ng pahayag si Datu Basher ukol sa insidente sa Jolo sa ginanap na prayer rally at alay-lakad.

 

RUSSIA KATUWANG SA PAGSUGPO SA TERORISMO

Matapos ang pagbomba sa Jolo, nagpaabot ng tulong sa Pilipinas ang Russia.

Sa isang courtesy call kay Presidente Rodrigo Duterte, sinabi ni Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev ang mensahe ng Moscow para sa bansa.

“The Russian ambassador reiterated their condolences for the deaths caused by the twin explosions in Jolo and condemned the incident while reaffirming their country’s commitment to help our nation combat terrorism,” sabi sa isang pahayag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Nais din umano ng Russia na mapatibay lalo ang koneksyon ng dalawang bansa para sa isang pangmatagalang relasyon.

“Russian Ambassador Khovaev likewise renewed Russia’s commitment to strengthen their cooperation to help our national defense and significantly improve its capabilities,” ani Panelo.

Nagbigay naman ng mensahe ang pangulo sa Russia upang pasalamatan ito.

ANG kabaong ng isa sa dalawang sundalong namatay sa pagsabog sa katedral sa Jolo.

 

KOOPERASYON NG INDONESIA SA IMBESTIGASYON

Ayon sa mga nakalap na impormasyon, inilabas ni Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año na nakakabit ang insidente sa Islamic State-linked Indonesian suicide bombers na nakatanggap umano ng tulong mula sa grupo ng Abu Sayyaf bago maganap ang pagbomba sa lugar.

Napagbigyang alam na ang Indonesia ukol sa insidente at nangako na tutulong sa imbestigasyon.

Mahigpit umano ang magiging imbestigasyon katuwang ang Indonesia matapos mamataan malapit sa simbahan ang isang Indonesian na lalaki at babae na hinihinalang suicide bombers.

Ayon kay Secretary Año, napili umano ang simbahan upang magkahidwaan ang mga Kristiyano at Muslim.

“Parang gustong magpakita ng example at gusto nilang itaas sa religious war, kaya ang pinipili nila ay iyong mga simbahan, katedral para pag-awayin iyong Kristiyano at Muslim.”

ITIGIL ANG HIDWAAN AT GALIT

Dahil sa insidente at ayon na rin sa mga otoridad, nagtutulong-tulong sa kasalukuyan ang militar, pulisya at ibang pang grupo upang huwag sumiklab ang galit sa pagitan ng mga Kristiyano at Muslim.

Ang estratehiyang ito ay matagal nang ginagamit ng mga rebelde upang makakuha ng mga miyembro at magtnim ng galit sa ibang relihiyon.

Bagama’t nasa dulong parte ng Mindanao nangyari ang pagsabog, pina-igting ng pulis Maynila ang seguridad nito sa Golden Mosque sa Quiapo at nakipag-ugnayan na rin ang mga aktibo sa peace process upang hindi na magresulta sa hindi kanais nais na pangyayari.

“We don’t want the situation there in Mindanao to reach Metro Manila,” wika ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar.

“We have good working relationships with various sectors and that includes the Muslim community here in Metro Manila.”

Hindi na bago para sa nakararami ang ganitong kaganapan sapagkat dekada na ang pagtugis sa mga rebelde sa Mindanao na di naglaon ay naisisi lagi sa mga Muslim.

“Whenever there is violence in Mindanao, and dating is unjust, it is always our Muslem brothers who are being blamed. This is really unfair,” wika ni Eleazar.

Ayon sa mga opisyal, ang nangyari namang pagsabog sa isang mosque sa Zamboanga City ilang araw matapos ang pagbomba sa Jolo ay maaring kagagawan ng gustong makisakay sa nangyari sa Jolo.

Upang maiwasan ang mas malalang pangyayari, doble ang seguridad ng pulisya ngayon at patuloy ang pakikipagpanayam sa mga lider na Muslim.

Ayon kay Eleazar, buo ang tiwala niya sa mga kapatid na Muslim dito sa Metro Manila.

“They also want peace. They left Mindanao because they want peace, they just want a decent job to earn money for their family,” aniya.

KRISTIYANO AT MUSLIM KAPIT-BISIG

Bilang patunay na hindi kayang sirain ng terorismo ang relihiyon, nagsagawa ang mga Muslim at Kristiyano ng isang simbolikong pagbibigay ng Koran sa Kristiyano at Bibliya sa Muslim sa ginanap na prayer rally sa Quezon Memorial Circle.

Nagtipon ang mga kapatid na Kristiyano at Muslim upang mag-alay ng panalangin at lakad na kumokundena sa nagaganap na kaharasan sa Mindanao. Tinawag itong Lakad Tungo sa Kapayapaan, Iwaksi ang Karahasan.

“We are showing the world that we Filipino Muslims and Christians are one,” wika ni Aleem Said Basher, and Chairman ng Imam Council of the Philippines.

Itinanggi ng mga ito na ang nagaganap ay digmaan sa relihiyon na nais gawin ng mga terorista kung kaya’t hinihikayat nila ang lahat na kontrahin ito sa pamamagitan ng pagkakaisa.

Pambansa Slider Ticker Abu Sayyaf Department of Interior and Local Government Secretary Eduardo Año Eugene Flores Golden Mosque Jolo Martial Law Metro Manila Mindanao National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Guillermo Eleazar PINAS Presidente Rodrigo Duterte Quezon Memorial Circle Quiapo Russian Ambassador to the Philippines Igor Khovaev Zamboanga City

  • Page 1
  • Page 2
  • Page 3
  • …
  • Page 6
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.