Iba’t-ibang maling Paniniwala tungkol sa pagpapaganda.
Ni: Jonnalyn Cortez
sinusunod ng maraming Pilipino ang mga kasabihan at kaugalian pagdating sa usapang pampaganda. Ngunit, alam mo bang hindi lahat ng ito ay tama? Kaya, ito ang limang maling paniniwala ukol sa pagpapaganda.
Mineral Makeup
Pinipili ng mas nakararami ang gumamit ng mineral makeup dahil na rin sa pagiging “all-natural” at “non-comedogenic” nito. Ngunit, kontra sa mga anunsiyo ng mga gumagawa nito, malaking kasalanan sa balat ang matulog ng meron nito.
Sa katunayan, masama sa balat ang matulog ng may kahit anong uri ng makeup dahil na rin sa nakakasira ito ng balat. Lalo na nga ang mga taong may sensitibo, allergy, at madaling magkatighiyawat. Bunsod nito, importanteng maghilamos muna ng mukha upang matanggal ang iyong makeup bago matulog.
Tinted Moisturizer
Ang tinted moisturizer ay hindi isang uri ng moisturizer sa kabila ng tawag dito. Sa katunayan, ito ay isang uri ng manipis na foundation. Kahit pa sabihing nagbibigay ito ng moisture sa balat, hindi pa rin nito kayang pantayan ang nagagawa ng tunay na moisturizer sa mukha – lalo na kung ikaw ay nasa malamig na lugar.
Kaya naman, ugaliing maglagay ng kahit manipis lang na moisturizer bago mag makeup upang makuha nito ang kinakailangang moisture.
Facial Scrubs
Mainam sa balat ang mga facial scrubs o exfoliants, ngunit hindi ito dapat sosobra. Ang madalas na paggamit ng scrub sa mukha ay nagdudulot ng pamumula at pagkairita ng balat. Nararapat lamang itong gamitin ng isa or dalawang beses isang linggo.
Kontra rin sa paniniwala ng ilan, hindi nabubura ng facial scrubs ang makeup sa mukha. Iba pa rin ang paggamit ng tunay na pantanggal ng makeup na susundan ng paghihilamos.
Coconut oil
Maraming naniniwala na kasing epektibo ng mga moisturizers ang coconut oil. Ngunit, hindi ito sapat upang bigyan ng tamang moisture ang iyong balat. Comedogenic din ito na maaaring magdulot ng pagtubo ng mga taghiyawat.
Concealer
Maraming gumagamit ng concealer bilang eyelid primer, ngunit isa itong maling paniniwala. Sa katunayan, alam ng nakakarami na ang paggamit ng concealer ay nagududulot ng paglalangis ng mukha.
Kaya naman pag ginamit ito sa talukap ng mata, madali lamang matutunaw dito ang eyeshadow at eyeliner na maaari pang maging sanhi ng pagkalat ng mga ito.n