Ni: YNA MORTEL
ISINUGOD sa pagamutan sa Jakarta ang transport minister ng Indonesia makaraang dapuan ng COVID-19.
Ayon kay State Secretary Pratikno, tinukoy ng health ministry bilang case 76 si Minister Budi Karya Sumadi sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Kasalukuyan nang ginagamot si Budi sa Gatot Subroto Army Hospital at tiniyak naman ng mga doktor na bumubuti ang kondisyon ng 63-anyos na si Budi.
Habang nagsasagawa naman ng contact tracing ang health ministry sa mga nakasalamuha ni Budi.
Kamakailan nang napaulat na dumalo pa sa pulong ng gabinete ang opisyal.
Itinalaga naman ni President Joko Widodo si Coordinating Maritime Affairs and Investment Minister Luhut Pandjaitan bilang pansamantalang hahalili kay Budi.