TUMANGGING magkomento si Senate Minority Leader Franklin Drilon sa isyu ng pork barrel ng mga kongresista sa 2020 national budget.
Ayon kay Drilon mahirap magkomento hanggat hindi pa dumarating sa kanila ang budget mula sa lower house.
Pero pagtitiyak ni Drilon kung may anumang insertions sa budget ay malalaman naman nila ito.
Ikukumpara nila aniya ang bersyon ng house sa budget at sa budget ng Pangulo kung tumutugma ang mga ito.
Una namang sinabi ng Pangulo na hindi kasama ang mga personal project ng mga mambabatas sa 4.1 trilyong budget ng bansa para sa taong 2020.
HANNAH JANE SANCHO