TJ BUMANLAG
NILINAW ni Bb. Pilipinas International 2019 Bea Patricia Magtanong na hindi ito sasabak sa Miss Universe Philippines pageant ngayong taon.
Ito ay matapos ang mainit na usapan at suporta online sa muling pagsubok ni Patch na masungkit ang Miss Universe Philippines Title.
Paliwanag ng beauty queen, marami pa siyang tungkulin na dapat isakatuparan bilang Bb. Pilipinas International title holder.
Pag-amin pa nito, hindi pa niya alam kung kailan siya posibleng sumali sa Miss Universe Pageant.
Pinasalamatan naman ni Bea ang lahat ng fans at mga kaibigan nito na patuloy ang papapakita ng tiwala at suporta sa kaniya na sumali sa Miss Universe Philippines.
Magugunitang isa si Patch sa fan favorite noong Binibining Pilipinas 2019 para sa Miss Universe Crown ngunit kinoronahan ito bilang Miss International kung saan nagtapos naman siya sa Top 8.