EYESHA ENDAR
SINIMULAN na ng bagong Miss Universe Philippines (MUP) organization ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga nais maging kandidata.
Sa kanilang social media page, makikita ang link ng application form para sa mga kababaihan na gustong lumahok sa Miss Universe Philippines.
Sa ngayon ay mayroong apat na pinay beauties na kinoronahan bilang miss universe gaya nina Gloria Diaz, Margie Moran, Pia Wurtzbach at Catriona Gray.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gaganapin ang Miss Universe Philippines Pageant sa 2020 matapos i-take over ng MUP ang franchise ng Miss Universe mula sa Araneta Group at Binibining Pilipinas Charities Inc.
Ang deadline ng submission ng applications ay sa January 18, 2020.