LABIS ang galak ni Catriona Gray ng Pilipinas nang koronahan siya bilang Miss Universe 2018 ni Miss Universe 2017 Demi-Leigh Nel-Peters sa final round ng 67th Miss Universe pageant sa Bangkok, Thailand.
Ni: Quincy Joel Cahilig
BUKOD sa maligaya, napakaganda ng Pasko 2018 ng mga Pinoy dahil sa pagbubunyi sa pagkamit ni Catriona Gray ng korona sa Miss Universe 2018, ang pinaka-presihiyosong beauty pageant sa buong mundo.
Itinodo ng 24-anyos na Filipino-Australian beauty queen ang pagbida sa ganda ng kultura ng Pilipinas at maging sa pagpapabatid ng mahahalagang isyu na dapat bigyang pansin. Kaya naman itinuturing siyang isang tunay na “Pinoy Pride”.
“Working in some of the poorest areas of my country, I found that it was a lack of child support, not poverty, that killed their dreams. A child once told me, “Cat, that’s just not my life, and those dreams aren’t made for me.” But I stand here today because someone believed in me and we owe it to our children to believe in them,” wika niya sa kanyang opening statement.
Mula sa umpisa ng contest hanggang sa huli, pinahanga ng performance ni Gray ang mga hurado at ang milyun-milyong audience sa buong mundo na tumutok sa naturang patimpalak, na ginanap sa Bangkok, Thailand. Kaya hindi na rin masyadong katakataka kung bakit nagawa niyang daigin ang 93 beauty queens mula sa iba’t-ibang bansa.
Sa kanyang pagrampa na tinaguriang “Lava Walk,” suot ang red Mayon Volcano inspired gown, ang slow-mo na pag-ikot niya sa swimwear competition, napa-wow talaga ang lahat, maging ang mga celebrities at icons kabilang ang supermodel na si Tyra Banks.
Nguni’t ang higit na napabilib ng 5’10 Pinay beauty queen ang lahat sa kanyang mga sagot sa question and answer portions. Sa isang pagkakataon ay natanong siya tungkol sa isang napapanahon na isyu kung dapat nga bang gawing ligal ang marijuana.
“I’m for it being used in a medical use but not so for recreational use, because I think if people were to argue, what about alcohol and cigarettes? Well everything is good but in moderation,” sagot ni Gray.
Kamakailan ay ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na pabor siya na gawing ligal ang medical marijuana sa bansa. Nakahain na din ang panukalang batas sa Kongreso patungkol dito.
At nang tanungin naman si Gray, “What is the most important lesson you’ve learned in your life, and how would you apply it to your time as Miss Universe?” Isang makabagbag-damdaming sagot ang kaniyang binitawan, na hango sa realidad ng buhay sa bansa.
“I work a lot in the slums of Tondo, Manila, and the life there is very poor and very sad. I’ve always taught myself to look for the beauty in it, to look for the beauty in the faces of the children, and to be grateful. I would bring this aspect as a Miss Universe to see situations with a silver lining, and to assess where I could give something, where I could provide something as a spokesperson. If I could teach also people to be grateful, we could have an amazing world where negativity could not grow and foster, and children would have a smile on their face,” wika ni Gray.
MAINIT na sinalubong ng mga Pinoy si Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang pagbalik sa Pilipinas matapos ang beauty pageant sa Thailand.
KAMPEON NG TURISMO
Pinuri ng Department of Tourism (DOT) si Gray sa maigting na pagpo-promote nito ng Philippine Tourism sa pamamagitan ng pag-post ng mga video clips ng iba’t-ibang tourist destinations sa Pinas habang nire-represent ang bansa sa Miss Universe 2018.
Sa national costume show presentation, isinuot ni Gray ang isang beaded tribal suit na nagpapakita ng indigenous tribes ng Pilipinas, na may kapares ng isang malaking parol.
“She has single-handedly led more people all over the world to discover that, indeed, it is more fun in the Philippines,” wika ng DOT sa isang statement.
“Amidst Ms. Gray’s preparations prior to heading for Thailand, she took precious time to do a series of video clips promoting unique and fascinating destinations and diverse cultures: Luzon’s Rizal Park and world-renowned El Nido, Palawan, the resilience of the Visayan people particularly in Tacloban City, and Mindanao’s multi-faceted South Cotabato,” dagdag ng ahensya.
Binigyang pugay din ng DOT ang mensaheng itinawid ni Gray na dapat ikarangal ang pagiging isang Pilipino.
“Miss Gray evoked the Filipino people’s essential attributes of friendliness, cheerfulness, hospitality and kindness when she was around the representatives of different nations,” pahayag ng DOT.
DREAM COME TRUE
Ibinahagi ni Gray na ang pagkapanalo niya bilang Miss Universe ay isang dream come true para sa kanya at para sa kanyang ina.
“When I was 13, my mum told me ‘Honey, I dreamt of you winning [Miss Universe] in a red dress.’ At that time, I thought nothing of it, and today my mother’s dream came true,” aniya.
Nasaksihan ng personal ng kanyang ina na si Normita at amang si Ian ang pagsuot niya ng korona sa Miss Universe pageant na ginanap sa Bangkok, Thailand. At makikita sa isang viral video ng mag-asawa ang kanilang labis na kasiyahan sa pagtamo ng kanilang anak sa matagal na nitong inaasam-asam na titulo.
Maituturing na experienced si Gray pagdating sa beauty contests. Noong 2016, siya ang candidate ng bansa sa Miss World pageant, kung saan nanalo siya ng 3rd place. At, lingid sa kaalaman ng marami bago ang kaniyang pagkapanalo sa Miss Universe, sumali din si Catriona noong bata pa siya sa Little Miss Philippines ng noontime show na Eat Bulaga noong 1999.
Ngayon, nakaukit na sa kasaysayan ng bansa ang kanyang pangalan bilang isa sa mga Pinay na kinoronahan bilang Miss Universe — Gloria Diaz (1969), Margarita Moran (1973), at Pia Wurtzbach (2015).
Sa gitna ng kanyang mga tagumpay, pinasalamatan ni Gray ang lahat ng sumuporta sa kanyang laban, at iniaalay ang kanyang bagong korona sa Dios at bayan.
“Lord God, I lift everything up to you —to glorify and honor. Philippines, what an amazing honor it has been to carry your name across my chest and to embody you in all aspects. I may now carry the sash of Miss Universe, but I’ll forever be your Miss Philippines,” pahayag niya sa kanyang social media post.
“Mga kababayan ko, I’m happy to give you the best Christmas gift ever.”