Ni: Ana Paula A. Canua
HINDI lang sa tapang at galing bilang atleta hahangaan ang Pinay Brazilian Jiu-Jitsu Champion na si Meggie Ochoa kundi pati na rin sa kanyang pinapamalas na malasakit sa pagbabahagi ng kaalaman upang maturuan ng martial arts ang mga batang inabandona at inabuso.
Nagtapos sa Ateneo noong 2012 si Meggie sa kursong Management, matapos makuha ang diploma, pinasok naman ni Meggie ang mundo ng pampalakasan. Nagsanay bilang MMA fighter si Meggie ngunit bigo siyang makahanap ng makakalaban dahil mahirap humanap ng kapares sa kanyang built at weight class.
“I had trouble finding opponents in my weight class, I just wanted to be able to compete but opponents would just back out left and right. It was frustrating. MMA left me heartbroken.”
Sa bigat na 105 lbs. muling nagtraining si Meggie para pasukin naman ang jiu jitsu, isang sport na halos kaparehas ng MMA, ngunit kumpara sa MMA pinagbabawal ang Spinal locks at cervical locks sa jiu-jitsu.
Sumali sa Atos Philippines si Meggie isang Brazilian Jiu-Jitsu organization na nagsasanay ng mga manlalaro. Dito natagpuan ni Meggie ang mga atletang nais humamon sa kanyang kakayahan.
Simula pa man alam na ni Meggie na ang tanging nais niya ay sumabak at mapagyaman ang kanyang kakayahan sa combat fighting, kahit pa babae hindi papapigil si Meggie na magpatumba at lumaban para sa medalya at para marating ang hangganan ng kanyang galing at lakas.
Hindi inakala ni Meggie na ang pagkabigo pala sa MMA ang maghahatid sa kanya sa mas karapat-dapat na landas, kung saan magsisimula ang bagong pangarap at bagong kahulugan ng kanyang pagiging atleta.
“A month into training, I already got to compete. Ever since then, I just kept compe-ting. It grew into an addiction I couldn’t stop.”
Walang laban na aayawan
Tila hindi nauubusan ng makakalaban si Meggie, hindi naman siya nabigo sa hirap ng kanyang pagsasanay dahil sunud-sunod rin ang kanyang panalo, at ang sinumang atletang nasasanay na lumaban ay mas tumatapang at mas nagiging pokus na talunin at higitan ang kanyang sarili.
Unti-unti nabuo rin ang kanyang pagnanais na lumaban sa World Championships, “It has always been a dream to join, because it’s the World Championships. It is the most prestigious championship”
Kumpara sa ibang major athletic championships gaya ng Olympics at World Cup, bukas ang Jiu-Jitsu World Championship sa lahat ng nais sumali, dito hindi batayan ang karanasan o bilang ng napanalunan, kung ang atleta ay may lakas ng loob at galing maaring pumasok sa pinakamataas na lebel ng kompetisyon, gayunpaman nangangailangan ng sapat na pondo para maging bahagi ng kompetisyon.
Mga pangangailangan ng isang atleta
Hindi lang basta galing at lakas ang kailangan ng sinumang atleta, mas nagiging madali ang tagumpay kung natututugunan ang kanilang mga pangangailangan gaya ng mga equipments at gastusin sa paghahanda at paglaban.
Lumapit si Meggie sa ka-nyang team captain sa Lady Judokas’ team na si Dany Ty, dito nagsimula ang ideya ng crowd fund raising
Hindi lamang pinansyal na suporta ang ibinigay kay Meggie kundi nadagdagan din ang kanyang lakas ng loob at tiwala sa sarili matapos maantig sa tulong na natanggap.
“Feeling the support of everyone just made me feel confident, I had no reason to doubt when I was there.”
Sa kanyang pagsabak naiuwi ni Meggie ang gintong medalya sa Female White belt Rooster category sa International Brazilian Jiu-Jitsu at inangkin ang laban sa World Championship sa score na 7-0 at 10-0.
Mula 2014 hanggang 2016 sumabak siya sa kompetisyon at simula noon hindi na pinakawalan ang World Championship title.
At noong 2017 inuwi naman niya ang gintong medalya sa Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG), at ngayong 2018 inuwi naman niya ang gintong medalya sa 49KG division Grand Slam Jiu-Jitsu World Tournament sa London.
Pagbahagi ng kakayahan sa iba
Ngayon na hindi maitatanggi ang galing ni Meggie sa pampalakasan, nais naman niyang bigyan ng pagkakataon ang ibang kabataan lalung-lalo na ang kababaihan na matutunan kung paano proteksyunan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng jiu-jitsu. Sa isang shelter sa California tinuturuan ni Meggie ang mga kabataang inabandona at inabuso ng jiu-jitsu, martial arts, at self-defense.
Nais ni Meggie na hindi lamang basta medalya ang maging batayan para maging isang magaling na atleta kundi ang magbahagi ng tapang at lakas ng loob para matulungan ang iba sa pamamagitan ng sports kungsaan malaki ang pagbabago na kanilang mararanasan. Malaking tulong din ito para sa recovery ng mga batang dumanas ng mapait na karanasan, ito ang nagsisilbing outlet sa kanila para ilabas ang lungkot at takot habang nanatiling disiplinado at pursigido.
Sa ngayon patuloy na aktibo si Meggie upang magbahagi ng kaalaman para wakasan ang child exploitation and abuse.
Hindi lang basta manalo sa kompetisyon ang maha-laga kay Meggie kundi ang mapanalunan din ang laban sa pang-aabuso at pananamantala sa kabataan, bagay na nagbibigay ng bagong kahulugan sa isang tunay na kampeon, ang magbigay ng malasakit at magbigay pag-asa sa iba.