EYESHA ENDAR
GOOD NEWS sa mga K-pop fans dahil kumpirmado na ang relasyon nina K-pop superstars Kim Heechul ng Super Junior at Momo Hirai ng TWICE.
Mismong ang management agency ng dalawa ang nagkumpirma ang matagal nang usap-usapan ng mga fans na pagiging magkasintahan ng dalawang K-idols.
Say ng JYP Entertainment, nagsimulang umusbong ang relasyon ng dalawa matapos na maging malapit sa pagiging Sunbae-Hoobae o pagkakaroon ng Senior-Junior friendship sa industriya.
Unang napaulat ang pag-da-date ng dalawa noong Agosto ng nakaraang taon.