Sinaksihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang turnover ng binoculars na ibinigay sa Armed Forces of the Philippines (AFP).
Tinanggap ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang mga binoculars kung saan si Senate President Koko Pimentel ang siyang nangasiwa sa ceremonial turn-over ceremony.
Dalawang klase ng binoculars ang tinanggap ng pamahalaan ito ay ang ultraview at profield na mula sa isang Japanese company.
Hindi naman nagpakilala ang nagdonate ng binoculars.
Samantala, sinaksihan din ng pangulong Duterte ang paglalagda ng Deed of Donation mula sa Golden Rooster Foundation sa pangunguna ni Monica Louise Prieto-Teodoro sa Armed Forces of the Philippines.
Iniabot ng maybahay ni dating Defense Secretary Gilbert Teodoro ang isang tseke sa AFP sa ginanap na seremonya sa Malakanyang.
Ang Golden Rooster Foundation ay isang non-government organization na nangangalap ng pondo para sa mga batang salat sa buhay.