• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Tuesday - January 26, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • PINAS USA
  • PINAS CANADA

Mother’s Day

Buwan ng Mayo, buwan ng mga pista

May 22, 2018 by Pinas News

Ni: Melrose Manuel

MAYO pinakamasayang buwan sa Pilipinas dahil maraming mga pista, pagdiriwang, sayawan at palaro ang ginaganap tuwing sasapit ito.

Maraming bayan din ang nagsipagdiwang ng kanilang pista. Dagsaan naman ang mga bakasyunista sa mga naggagandahang mga pa-syalan sa bansa. Buwan din ng mga bulaklak ang Mayo dahil ngayong panahon sila namumukadkad at humahalimuyak tulad ng dama de noche na naamoy lamang tuwing gabi.

Ang Mayo ay buwan ng walang katapusang kasiyahan, isang paraan para makalimutan saglit at maibsan ang pressure sa trabaho at pro-blema sa buhay.

Patuloy naman ang pagdiriwang ng mga kapistahan na minana sa ating mga ninuno. Higit pa dito ay naipapakita rin ang pagiging magiliwin sa mga panauhin sa kani-kanilang tahanan.

Nagtitipun-tipon ang pamilya at kaibigan at kamag-anak para magpasalamat sa mga biyayang natanggap. Kung mawawala ang mga kapis-tahan, mawawala ang isa sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

 

MGA KAPISTAHAN SA MAYO

Flores de Mayo

Ito ang pinakakilalang pista na ipinagdiriwang sa buwan ng Mayo. Nangga-ling ito sa salitang Espanyol na ˝ores” o bulaklak na kilala rin bilang “Flores de Mayo” (Bulaklak ng Mayo) o “Flores de Maria” (Bulaklak ni Maria).  Ang Flores de Mayo ay nagaganap sa buong buwan ng Mayo saan mang sulok ng Pilipinas kung saan tampok ang mga naggagandahang dilag sa kani-kanilang lugar.  Kilala rin ito sa katawagang “Reyna ng Pistang Pilipino” o “Queen of Filipino Festivals.”

Pahiyas

Makulay na pista na ipinagdiriwang tuwing ika-15 ng Mayo sa Lucban, Quezon.  Ipinagdiriwang ang pistang ito bilang pasasalamat ng mga magsasaka dahil sa kanilang masaganang ani sa buong taon.  Makikita sa panahong ito ang mga bahay sa buong kabayanan na napapalamutian ng kani-kanilang sariling ani kagaya ng mga prutas, gulay, palay at bulaklak.

Obando Fertility Rites o Sayaw sa Obando

Nagaganap ito tuwing ika 17-19 ng Mayo.  Ang pagdiriwang ay ginagawa sa pamamagitan ng pagsuot ng kanilang tradisyonal na kasuotan habang sila ay sumasayaw ay sinusundan naman nila ang kanilang pinipintakasing santo.  Ang mga sumasayaw para sa paghihintay na magkaroon ng asawa ay kay San Pascual Baylon; para sa mga humihiling ng anak habang umaawit ng Santa Clara pinung-pino; para sa magandang panahon o klima ay nag-aalay sila ng itlog kay Nuestra Señora de Salambao o Birhen ng Salambao.

Gulay Festival

Ipinagdiriwang sa Lucban, Quezon. Ginawa ang naturang pista sa pamamagitan ng pagparada ng mga gulay na may iba’t ibang disenyo.

Mother’s Day

Ipinagdiriwang din ang Araw sa mga Ina sa buwan ng Mayo. Hindi ito isang pista ngunit ito ang espesyal na araw para sa mga ina sa buwan kung saan inaalala at binibigyang pugay ang mga ilaw ng tahanan sa kanilang kadakilaan bilang isang mapagmahal,maarugain at responsableng ina. Ito ay idinaraos tuwing ikalawang Linggo sa buwan ng Mayo.

Espesyal para sa mga ina ang ikalawang Linggo ng Mayo dahil ito ang panahon ng pagbibigay pugay sa kanilang pagmamahal at sakripisyo.

Pista ng Magayon

Ginaganap taon-taon bilang isang paggunita sa alamat ng Bulkang Mayon. Maganda ang ibig sabihin ng salitang Magayon na buhat sa salitang Bicol. Ginaganap ito sa bayan ng Daraga sa Albay.

Pista ng Binatbat

Idinadaos naman sa siyudad ng Vigan ang pistang ito kungsaan ang lahat ay nakikiisa maging ang mga turista sa lahat ng aktibidad.

Pista ng Kalabaw

Ginagawa ito tuwing ika-15 at 16 ng Mayo. Binibigyan dito ng parangal ang halaga ng kalabaw na pambansang hayop ng Pilipinas at ang mga nagagawa nito sa sakahan.

Tagbilaran City Fiesta

Ginugugol ang buong buwan ng Mayo para idaos ang pistang ito. Pinakamahabang pista ito sa Kabisayaan partikular sa Bohol Province.

Bolibongkingking Festival

Masasaksihan ang tugtugan at sayawan sa pistang ito na sobra ang sayang hatid na dinadaraos tuwing ika-23 hanggang 24 ng Mayo.

Tanda Festival

Ang Tanda Festival ay masasaksihan tuwing ika-6-15 ng Mayo sa bayan ng Tubigon sa Bohol. May tatlong pangunahing programa ang Tanda Festival, una ay ang Bulong-Imang streetdancing at showdown, pangalawa ang Anyagsa Tubigon beauty pageant at pangatlo ang Agro-Technological fair.

Sinugboan Festival

Isinasagawa naman ito tuwing ika-27 ng Mayo sa Bayan ng Garcia Hernandez, Bohol. Tulad sa ibang pista binibigyang pansin ang mga agro-industrial fair, recognition program at street dan-cing competition.

Nagdaraos din ng pista ang mga lungsod sa iba’t ibang bahagi ng Kamaynilaan. Sa Antipolo at Rizal ay nagdaraos ng pista kada Linggo. Kainan naman ang papista sa Las Piñas na halos ang nakahaing pagkain sa kanila ay mga lamang dagat.

Makikita rin sa buwan ng Mayo ang kapistahan sa bayan sa Laguna at sikat dito ang Kesong Puti Festival at ang parada ng mga tsinelas sa Liliw dahil kilala ang Liliw na paggawaan ng mga sandalyas at tsinelas.

Sikat din ngayong buwan ang pagparada sa mga antigong mga imahen kung saan nakaugaliang gawin ng mga Kristyano.

Summer fun sa buwan ng Mayo

Nararanasan din ang tag-init sa buwang ito kung saan tugmang tugma para idaos ang pista sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Nakaugalian nating mga Pilipino na pasyalan ang mga pista kahit malayo pa ito sa ating mga tahanan. Ito ang panahon kungsaan nagtatagpo ang mga kaanak para magkumustahan.

Nakaugalian naman ng mga kababayan na mag-outing upang maibsan ang mainit na panahon kaya na-eenjoy parin ang summer season sa bansa.n

 

National Slider Ticker Bolibongkingking Festival Flores de Mayo Gulay Festival Melrose Manuel Mother’s Day Obando Fertility Rites o Sayaw sa Obando PINAS PISTA Pista ng Binatbat Pista ng Kalabaw Pista ng Magayon Sinugboan Festival Tagbilaran City Fiesta Tanda Festival

Andre, Kobe at Jackie, reunited

May 10, 2018 by Pinas News

Ni: Melrose Manuel

Laking pasasalamat ni Jackie Forster at nagkaroon na ng katuparan ang kaniyang panalangin na muling makapiling ang mga anak na sina Andre at Kobe Paras.

Instrumento ang pagkakaroon ng regular na kumunikasyon sa viber at facebook ng mag-iina dahil naging tulay ito sa pangarap ni Jackie na makasama at makita ang kanyang mga anak.

Nangyari ang pagtatagpo ng mag-iina nitong kamakailan lang sa isang hotel sa Mandaluyong.

Malaking tulong ang pagtatawagan nila ni Kobe noong nakaraang Enero habang siya ay nasa London at ang ka-nyang anak naman ay nasa California.

Isang dekadang paghihiwalay

Magulo at masakit ang nangyaring paghihiwalay ng mag-iina, labindalawang taon na ang nakalilipas kung saan bata palang ang magkapatid noon.

“It was almost twelve years” sabi ni Jackie.

Si Andre ay 22 taong gulang na at 20 anyos naman si Kobe ngayon.

Masakit para kay Jackie ang nangyari at sinabi nito na “and even if the court said I was allowed to see them on weekends, hindi pa rin ipinapakita sa akin”.

Ayon sa post ni Jackie, naging miserable ito sa piling ni Benjie at isinalaysay nito ang kanyang naging buhay sa pi-ling ng dati niyang asawa.

“I’m starting off with these stories because it’s important to show where the deepest hurts and disrespect came from” ang paliwanag nito.

Positibo naman ito sa pagpapalabas ng kanyang saloobin na aniya matagal na raw nitong kinimkim dahil ayaw niyang lalong maguluhan at masaktan ang mga anak dahil musmos palang ang mga ito at hindi nila ka-yang intindihin ang mga pangyayari noon.

“After sharing these stories and they still don’t find it in their hearts to love me, then it will never happen. Anyhow, God bless your hearts and hoping those who have pain from their situations also find release” dagdag pa ng maganda pa ring si Jackie.

Sa paglaki ni Andre at Kobe

Malayo man sa kanilang biological mother naging maayos ang takbo ng buhay ng magkapatid.

Lumaking magalang, mabait, achiever at magandang halimbawa ang mga ito sa broken family dahil hindi sila naging rebelde sa mga magulang nila.

Parehong naglalaro ng basketball ang magkapatid ngunit mas pinagtuunan ni Kobe ang kanyang paglalaro at sa katunayan ay isa na siyang professional athlete. Dream come true ang naging achievements nito sa larangan ng basketball.

Kilala naman si Andre na isang Basketball player, mo-del, dancer at isang best actor.

The reconciliation

Naghilom ang sugat sa tamang panahon!

Napaaga ang Mother’s Day ng dating aktres matapos magkabatian sa kanyang dalawang anak.

Masaya at move on na ang lahat, hindi na mahalaga kung anong nakaraan at kapagsubukan sa kanilang pamilya dulot ng pagkahiwalay nilang mag-iina. Ang mahalaga magkakasama na sila ngayon.

Matagal naman umanong alam ni Benjie Paras ang pagkikita ng mag-inang si Kobe at Jackie dahil nagpaalam ito sa kanya.

Ayon kay Benjie, inaasa-han na niya ang araw na kaya nang makapag desisyun ng dalawa para sa sarili nila na hindi na kailangang pilitin pa ito.

“Alam ko naman yun, at least okay na, tapos na” dagdag ng aktor.

Sinabi naman ni Jackie sa kanyang post “No bashing please” at hiningi rin nito ang pagrespeto sa privacy ng ka-nyang mga anak.

Marami naman ang nag paabot ng pagbati kay Jac-kie mula sa mga kasabayan nito sa showbiz sa naganap na reconciliation nito sa ka-nyang mga anak.

Showbiz Slider Ticker Benjie Paras California Kobe Paras London Melrose Manuel Mother’s Day PINAS

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.