YNA MORTEL
HINDI naiwasan ni Mr. Pure Energy Gary Valenciano ang maging emosyonal sa ginagawang preparasyon sa kaniyang huling major solo concert.
Sa Instagram, ibinahagi ni Paolo Valenciano ang larawan ng emosyonal na si Gary V. habang yakap ng misis na si Angeli Pangilinan.
Ito ay sa ginta ng kaniyang paghahanda sa kaniyang last major solo concert na nakatakdang ganapin sa April 2020.
Agad namang bumuhos ang suporta at pagkabigla ng mga kasamahan sa indusriya at fans sa naturang announcement at
nangakong magiging present sa naturang pagtatanghal.
Dahil dito nilinaw ni Paolo, na hindi ito ang huling concert ni Gary bagkus ay huling major solo production.
Anito, bagaman nais pa ng kaniyang ama na patuloy na magsagawa ng solo concerts ay kinakailangan na nitong iprayoridad ang kaniyang kalusugan.
Gayunman tiniyak ni Paolo na mayroon pang mga nakaplanong collaboration concerts si Mr. Pure Energy.
Noong nakaraang taon nang sumailalim sa heart surgery si Gary kasunod ng pakikipaglaban sa kidney cancer.