Pinas News
Pinapayuhan ng Embahada ng Pilipinas sa Jakarta ang mga Pilipino na manlalakbay o mga naninirahan sa Bali, Indonesia na maging maingat at alerto.
Ito’y sa harap ng pag-aalburuto ng bulkang Mt. Agungsa Indonesia na nasa antas ngayon ng alert level 4, ibig sabihin anumang oras ay maaaring pumutok ang naturang bulkan.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA) maging ang Indonesian National Disaster Mitigation Agency (INDMA) ay nagbabala na rin sa mga residente at mga turista na iwasan ang lugar sa loob ng 12 kilometer radius mula sa bunganga ng bulkan.
Maaari rin na maapektuhan ang mga biyahe kapag bumuga na ang naturang bulkan.
Sa kabila nito nailatag naman ng Ministry of Transporation ang contingeny plan sa posibleng pagkakaroon ng pag-divert ng airline operation sa Ngurah Rai International Airport sa Bali patungo sa mga paliparan ng Yogyakarta, Surakarta, Surabaya at Lombok dulot ng volcanic eruption.