EYESHA ENDAR
NAKATAKDANG itayo sa probinsya ng Negros Occidental ang isang public market na napondohan ng nagkakahalaga ng P50 milyon.
Planong i-puwesto ang naturang palengke sa katimugang bahagi ng bayan ng Candoni.
Ang bayan ng Candoni ay isang 4th class municipality at mayroong pinakakaunting populasyon sa probinsya.
Sa naging pahayag naman ni Governor Eugenio Jose Lacson, sa groundbreaking rite kamakailan, na ni-request ng kaniyang opisina ang pondong gagamitin dito sa Municipal Development Fund Office of the Department of Finance.
Naniniwala kasi si Lacson na napakahalagang may palengke sa bawat bayan dahil ito ang nagiging sentro ng lahat ng pagkakakitaan at mga aktibidad.
Ipinangako naman ng Gobernador na ang itatayong public market ay isa lang sa maraming plano niya para sa bayan ng Cardoni.