EUGENE FLORES
TULUYANG umikot ang mundo ng Golden State Warriors ngayong 2019-2020 NBA season matapos tuluyang malaglag sa playoff race.
Nasa ilalim ng standing sa Western Conference ang Warriors na siyang runner-up ng 2019 NBA finals kontra sa kampyeon na Toronto Raptors.
Kinain ng injuries ang koponang minamandohan ni Steve Kerr, una matapos humiwalay si NBA superstar Kevin Durant sa offseason at pumirma sa Brookly Nets; pangalawa, injured pa rin katulad ni Durant si sharp shooter Klay Thompson, at ikatlo na-injure din agad si two-time MVP Stephen Curry.
Bagama’t nakuhang bumalik ni Curry sa line-up matapos ma-sideline ng 58 games, hindi ito naging sapat para ibandera ang Warriors sa mga kalaban.
Malaki ring kawalan ang mga role players na sina Shaun Livingston na nagretiro na, Andre Iguodala, Quinn Cook, at iba pa. Sa madaling sabi, napalitan ang mga beterano ng mga manlalarong bagito na nagmula pa karamihan sa G-league.
Bagama’t kalimot-limot ang season na ito ng Warriors at nakatuon na ang kanilang isip para sa susunod na season kung saan makikita na muling maglaro ang kanilang superstars at ang bagong recruit na former number one overall pick sa NBA draft na si Andrew Wiggins.