EYESHA ENDAR
BIBISITA sa bansa sa susunod na taon ang Korean actor na si Yeo Jin Goo.
Nakatakdang magtungo sa Pilipinas ang Korean star bilang bahagi ng kaniyang fan meet tour na “Memory Line.”
Gaganapin ang kauna-unahang Manila fan meet event ng “Hotel del Luna” star sa new frontier theater sa February 1.
Magiging available naman ang mga tickets para sa mga nais lumahok sa fan meet sa susunod na Linggo, Disyembre a-22.
Nakilala din si Yeo Jin Goo sa pagganap nito sa K-drama hits gaya ng “Shoot Me In The Heart” at “My Absolute Boyfriend”.