Ni: Beth Gelena
SO, walang katotohanan ang break-up isyu between Pia Wurtzbach at sa car racer boyfriend niyang si Marlon Stockinger.
Magkasama ang dalawa sa private screening ng movie nina Pia at Gerald Anderson, ang ‘My Perfect You’.
Kumalat sa social media ang break-up nina Marlon at Pia nang i-unfollow ni Bea Alonzo sa kanyang Instagram sina Pia at Gerald. Si Gerald ay ang rumored boyfriend ni Bea. Dinelete rin daw ng aktres maging ang poster ng movie.
Wala pa namang pag-amin kina Bea at Gerald na may relasyon sila. Pero, sa mga interbyu, pareho nilang sinasabi ang kanilang nararamdaman sa isa’t isa.