• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Sunday - March 07, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

National Basketball Association (NBA)

Ang larong basketball at ang pagkamakabansa

December 18, 2018 by Pinas News

basketball

Ni: Dennis Blanco

Ayon kay Rafe Bartholomew sa kanyang libro na pinamagatang “Pacific Rim: Beermen Ballin’ in Flip-Flops in the Philippines’ Unlikely Love Affair with Basketball,” ang Pilipinas ay isang “basketball crazy republic” kung saan ang football, volleyball at baseball ay pangalawa lamang kumpara sa basketball na itinuturing na pangunahing laro. Sadyang napakahilig ng mga Pinoy na maglaro at manood ng basketball.

Nandiyan ang Philippine Basketball Association (PBA) sa ating bansa at ang National Basketball Association (NBA) sa Estados Unidos bilang mga professional leagues na kung saan hinahangaan ang mga sikat na basketbolista tulad ni June Mar Fajardo, Jayson Castro at Paul Lee sa PBA at LeBron James, Stephen Curry and Kevin Durant sa NBA. Hindi rin pahuhuli ang mga amateur leagues na kinabibilangan ng mga collegiate leagues tulad ng Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) at National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA).

Itong mga nakaraang araw ay nasaksihan ng madlang Pilipino ang FIBA Asian Men’s Qualifier kung saan ang Smart-Gilas Philippine Men’s Basketball team ang siyang nagsilbing host sa kalabang Kazakhstan at Iran. Nadurog ang puso ng Pinoy fans nang magkasunod na nabigo ang kanilang pambansang koponan sa Kazakhstan at Iran bagamat mayroon itong homecourt advantage at naglalaro sa harapan ng kanilang mga kababayan.

Kung ang kampanya ng Smart-Gilas ay istorya ng kabiguan, ang katatapos na UAAP Men’s Basketball Championship ay kwento ng pananalig at tagumpay. Pagkatapos ng tatlumpu’t-dalawang taon ay muling nakabalik ang University of the Philippines Fighting Maroons sa finals laban sa defending champion na Ateneo de Manila University Blue Eagles. Bagamat natalo ang UP sa ADMU ay nagsilbi itong kuwento ng inspirasyon ng paghango mula sa ibaba patungo sa rurok ng tagumpay. Matatandaan na mayroon ding nakaraang season kung saan ay wala silang naipanalo o nakapanalo man lang ng isang game. Subalit sa suporta ng kanilang mga alumni, fans at ng buong UP community, kasama na ang pito pang constituent universities nito sa buong bansa, muling nakabalik ito sa UAAP finals matapos nitong talunin ang twice-to-beat na Adamson University Soaring Falcons sa dalawang makapigil hiningang laro na itinuturing na isa sa mga pinakamagandang game sa kasaysayan ng UAAP.

Subalit ang sadyang nagpaigting sa matagumpay na kampanya ng Fighting Maroons ay ang mga salitang “Atin ito. Papasok ito” na namutawi sa labi ng kanilang team captain at inspirational leader na si Paul Desiderio noong laro ng Maroons laban sa UST Growling Tigers, ang unang laro nila nung nakaraang taon, na kung saan may maliit na segundo na lang ang natitira at kailangan ang three point shot para manalo na nagawa ngang ibuslo ni Desiderio. Mula noon, ang salitang “Atin Ito” ang nagpataas ng kumpiyansa at pananalig ng koponan na lahat ay posible kung aakuin nito ang kakayahan at responsibilidad na manalo bilang isang nagkakaisa at nagdadamayang koponan.

Sa huli, ay aking napaglagom na ang mga katagang “Atin Ito” ay sumasagisag na gawin at kamtin ng may paninidigan ang mga adhikaing nararapat ay para atin nang makita ko ang isang placard na hawak-hawak ng mga fans ng UP Fighting Maroons habang nanood ng laro na may mensaheng, “Atin Ito, West Philippine Sea”, “Atin Ito, Human rights”. Samaktuwid, ang katagang “Atin Ito” ay puwedeng sumalamin sa isang pambansang damdamin na nagnanais ng hustisya at katarungan  na sadyang nararapat akuin nino man na sa palagay nila ay  sadyang nararapat na ibigay para sa kanila bilang mamamayan sa ngalan ng  pambansang soberaniya at  pambansang kapakanan. Atin Ito. Pilipino tayo.

Opinyon Slider Ticker Ateneo de Manila University Blue Eagle Iran Jayson Castro June Mar Fajardo Kazakhstan Kevin Durant Lebron James National Basketball Association (NBA) National Collegiate Athletic Association of the Philippines (NCAA) Paul Lee Philippine Basketball Association (PBA) Rafe Bartholomew Smart-Gilas Philippine Men’s Basketball team Stephen Curry Universities Athletic Association of the Philippines (UAAP) UST Growling Tigers

Underdog noon, Hall of Famer na ngayon

September 25, 2018 by Pinas News

Tinanghal na NBA MVP si Nash sa dalawang magkasunod na taon.

 

Ni: Eugene B. Flores

SA isang bansang kilala sa larangan ng hockey, isang malaking inspirasyon si Stephen John Nash sa Canada at sa buong mundo sa pagpapatunay na may angking talento at kakayahan ang mga katulad niya upang makapaglaro sa National Basketball Association (NBA).

Hinirang bilang NBA Hall of Famer si Steve Nash matapos ang nakamamanghang karera sa mundo ng basketball.

Isa si Nash sa 13 miyembro ng Basketball Hall of Fame 2018.

“I was never even supposed to be here,” wika ni Nash sa entablado kaharap ang mga kaibigan, coach at pamilya.

LAKBAY PATUNGO SA ITAAS

“Play the long game. You don’t have to be the chosen one. If you’re patient, the plateaus will become springboards.” wika niya sa kanyang talumpati.

Ipinanganak noong Pebrero 7, 1974 sa Johannesburg, South Africa si Nash. Nag-migrate ang kaniyang  pamilya sa British Columbia ngunit permanente nang nanirahan sa Canada.

Lumaki ang bagong hirang na hall of famer sa larong ice hockey at soccer kung saan isang professional soccer player ang kanyang ama.

Nag-umpisa naman siyang maglaro ng basketball sa edad na 13.  Sumali sa iba’t-ibang invitational si Nash kung saan umasa ito na makakuha ng scholarship sa isa sa mga paaralan sa America. Ngunit walang nagpakita ng interes sa kanya bukod sa Santa Clara, na inamin niyang hindi niya kilalang paaralan.

Bagama’t nadala nito ang koponan sa ilang West Coast Conference Men’s Tournament titles, bigong makapaglaro sa ilang major college tournament si Nash na naging hadlang sa kanyang pangarap na makatungtong sa NBA.

Ngunit hindi siya natinag at nawalan ng pag-asa, hindi rin siya nagmadali. Nakapagtapos si Steve Nash sa kursong sociology at dito ay nagdesisyon siyang lumahok sa NBA draft kung saan kinuha siya bilang 15th overall player ng Phoenix Suns noong 1996.

Hindi naging mainit ang pagtanggap ng fans sa hindi sikat na si Nash at limitado rin ang oras nito sa court na nagresulta ng hindi impresibong mga numero.

Ngunit, di nagtagal, nagsimula ang pag-usbong ng karera nito nang makumbinsi ni Don Nelson, ang bagong head coach ng Dallas Mavericks noon, na lumipat siya ng koponan noong 1998.

Naging epektibo ang tambalan nila ng kapwa rising star noon na si Dirk Nowitzki at nadala ang koponan sa playoffs.

Taong 2004, bumalik si Steve Nash sa Phoenix Suns katambalan sina Shawn Marion, Joe Johnson at Amar’e Stoudemire. Makailang ulit silang nakapasok sa Western Conference finals ngunit kinapos upang makalagpas dito.

Bagama’t bigong makatikim ng kampyeonato si Nash, umani naman ito ng iba’t ibang parangal na nagbigay ningning sa kanyang karera.

Kasama ni Steve Nash (mula kaliwa) sina Ray Allen, Jason Kidd at Grant Hill sa 2018 Hall of Fame.

 

BUNGA NG PANGARAP AT PAGTITIYAGA

Kilala ang basketball bilang laro para sa mga higit na malalaki at malalakas. Wala si Nash ng mga katangiang ito ngunit pinatunayan niya na hindi ito hadlang upang maging isa sa mga tinitingalang manlalaro sa NBA.

Sumikat ang 6’3’’ na guard —na hindi katangkaran sa NBA kung saan may mga manlalaro na halos 7 feet — dahil sa kanyang basketball IQ at passing ability. Nagtala ito ng 8.5 assists per game sa kanyang 19 na taon sa liga. May kabuuan itong 10,335 assists, pangatlo sa pinakarami sa kasaysayan ng NBA.

Malaki ang naging epekto ni Steve Nash sa mga manlalaro sapagkat pinakita niya na hindi kailangang umiskor ng marami upang maging isang matagumpay na manlalaro.

Nagkamit din niya back-to-back ang Most Valuable Player award at walong beses na naging parte ng All-Star game.

Apat na beses din itong naging parte ng 50-40-90 club at limang beses na assist leader ng NBA.

“I was an underdog,” wika nito. “I scrapped and clawed my way into college and did the same again in the NBA. And I just never stopped and I kept working my way up. Eventually, I had the type of career that allowed me to be here. But when I came into the league I didn’t think there was anyone — myself included — that would have thought this would be the effect of my playing skills and ability.”

INSPIRASYON SA KABATAAN

Hindi maikakaila na isa sa pinakamagaling na guard si Steve Nash at isa sa pinaka-mapagkumbabang manlalaro sa kabila ng mga tagumpay na kaniyang natamo.

Naging mukha rin ng Canadian Basketball Team si Nash sa loob ng halos dalawang dekada. “His level of competitiveness drove Team Canada to win some great games and yet his biggest contribution may be how he has inspired the following generations to pick up a basketball. Wika ni Michele O’Keefe, presidente ng Canada Basketball.

Isa si Nash sa 13 miyembro ng 2018 Hall of Fame na kinabibilangan din ng dating teammate na si Grant Hill at Jason Kidd.

Tinapos ni Steve Nash ang talumpati sa pagbibigay ng inspirasyon sa lahat ng kabataan.

“For all the kids out there find something you love to do, do it everyday. Be obsessed. Balance can come later. Use your imagination, declare your intentions. Set small goals. Knock them off, set more goals. Gain momentum, built confidence. Go with deep belief, outwork people. Finally, never stop striving, reaching for your goals until you get there. But the truth is, even when you get there, it is the striving, fighting, pushing yourself to the limit everyday that you’ll miss and you’ll long for. You’ll never be more alive than when you give something, everything you have.”

Slider Sports Ticker Amar’e Stoudemire Canada Basketball Dallas Mavericks Dirk Nowitzki Don Nelson Grant Hill Jason Kidd Joe Johnson Johannesburg Michele O’Keefe National Basketball Association (NBA) Phoenix Suns PINAS Santa Clara Shawn Marion South Africa Steve Nash West Coast Conference Men’s Tournament titles

Jordan Clarkson nagpakitang Gilas sa Pilipinas

September 13, 2018 by Pinas News

Ni: Eugene Flores

ITINURING ni Filipino-American NBA player Jordan Clarkson na isang blessing ang makapaglaro sa koponan ng Pilipinas para sa mga internasyonal na kompetisyon katulad ng Asian Games 2018 na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Naging posible ito matapos maglabas ang National Basketball Association (NBA) ng one-time exception para sa Asian Games kung saan papayagan sina Clarkson at dalawa pang NBA players sa koponan naman ng China upang makapaglaro sa Asian Games.

Matatandaan na inilista ang 6 foot 5 na si Clarkson sa 2015 FIBA 17-man pool ng Pilipinas ngunit hindi ito pinayagan ng NBA kaya’t nagpahayag ito ng pagkadismaya. “This is kind of just coming forward, full forward now. It is an opportunity, the NBA, everything. It’s kind of been back and forth for me but it’s a blessing,” wika nito matapos payagang makapaglaro.

Matapos mabigyan ng green light si Clarkson ng NBA agad itong bumiyahe patungo sa Pilipinas at sumunod sa Jakarta para sa Asian games.

 

MAKASAYSAYANG SIMULA

Bukod sa pagkakataong makalaro si Jordan para sa Pilipinas, isa sa di malilimutan ng nakakarami ay ang pagdala nito ng watawat ng Pilipinas sa magarbong pormal na pagsisimula ng 2018 Asian Games.

Matapos malaman ang balita, agad inatasan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang 26 anyos na atleta upang maging flag bearer ng bansa sa opening ceremonies sa Gelora Bung Karno Main Stadium.

Pinangunahan ni Clarkson ang pagmamartsa suot ang pinagmamalaking barong tagalog, kasama ang  130 atletang kumakatawan sa Pilipinas.

“I’m carrying the flag so it’s all an honor and blessing,” wika ni Clarkson.

Ayon kay Philippine chief of mission na si Richard Gomez nakatulong si Clarkson upang itaas ang morale ng mga atleta tungo sa kompetisyon.

“So far, mataas ang morale ng mga athletes. It’s nice to see them here. Ang importante ‘yung pumapasok sila sa village, masaya sila, mataas ang morale. It helps them in their performance,” aniya.

UNANG PAGBAGSAK

Hindi nakapaglaro sa unang laban ng Pilipinas si Clarkson kontra Kazakhstan sapagkat hindi pa siya nakakapag-training kasama ang koponan na binubuo ng Rain or Shine Elastopainters players at ni Coach Yeng Guiao sapagkat epektibo pa rin ang sanctions para sa mga Gilas Pilipinas player na nasangkot sa away kontra Australia sa FIBA tournament.

Bilang isang NBA player, marami ang nag-abang n makita siya maglaro at ang maitutulong nito sa koponan.

Dahil sa pagdagdag nito sa line-up nagkaroon ng mas malaking pagkakataon ang koponan upang maisahan ang susunod na kalaban, ang powerhouse na China.

Ngunit hindi umayon sa plano ng koponan ang naging takbo ng torneyo kung saan naging mailap para kay Clarkson na makatikim ng unang panalo suot ang Pilipinas jersey.

Isang heart breaker ang kauna-unahang laro nito matapos matalo sa China ng dalawang puntos. Umiskor ito ng 28 points, eight rebounds at four assists ngunit kinapos ito sa dulo matapos makaranas ng cramps dahil sa bagong environment na nilalaruan.

Muling winasak ang puso ng mga Pinoy matapos sunod na matalo kontra sa pulidong opensa ng South Korea. Bagama’t nagbuhos ng ilang tres si Clarkson, hindi naging sapat ito sa mga shooter ng Korea at ang dominanteng naturalized player nito na si Ricardo Ratliffe na dating naglaro sa PBA bilang import.

Bagama’t hindi naging matagumpay ang kampanya ng Gilas Pilipinas tungo sa gintong medalya, hindi naman binigo ng Cleveland Cavaliers guard ang kanyang mga Pinoy na tagahanga sa ipinakita nitong puso at galing sa Asian games.

Nakuha nito ang unang panalo matapos dominahin ang Japan kung saan naging lason sa kalaban ang pick and roll offense ni Clarkson at Christian Standhardinger.

May average na 25 points per game ang NBA guard sa torneyo at hindi masusukat na puso at determinasyon ang inalay nito.

MULING PAGLALARO PARA SA BANSA

Matapos ang kampanya sa Asian games para sa Philippine Basketball Team, isang katanungan ang bumabalot para kay Clarkson, ito’y kung muling makikita ng mga Pinoy na maglaro ito para sa bansa.

Ayon kay Clarkson malabo pa sa ngayon na makapaglaro ulit ito sa bansa dahil sa kanyang komitment sa NBA. “Not right now in terms of schedule and stuff but we’ll see.” sabi nito. Ngunit sinabi rin ito na tiyak pag-uusapan nila ng kanyang koponan ang tungkol dito.

Si Clarkson ang kauna-unahang Pinoy na nakapaglaro sa NBA kung saan naging kakampi niya sa una nitong koponan, ang Los Angeles Lakers, si NBA superstar Kobe Bryant na ngayo’y nagretiro na. Nalipat siya noong nakaraang NBA season sa koponan ng Cleveland Cavaliers kung saan naging kakampi naman niya ang NBA superstar LeBron James at umabot ang mga ito sa NBA finals.

Slider Sports Ticker China Christian Standhardinger Cleveland Cavaliers Coach Yeng Guiao FIBA tournament Gilas Pilipinas Indonesia Jakarta Jordan Clarkson Los Angeles Lakers National Basketball Association (NBA) NBA superstar Kobe Bryant NBA superstar LeBron James Philippine Basketball Team Philippine Olympic Committee (POC) PINAS Ricardo Ratliffe

LeBron: Future Hall of Famer

June 6, 2018 by Pinas News

Ni: Angelyn G. Muli

ISA sa mga pinakaaabangan sa National Basketball Association (NBA) games ngayong taon ay ang paglalaro ni LeBron James ng Cleveland Cavaliers na maituturing na isa sa pinakamahusay na basketball player sa kasaysayan na umani ng 4 na MVP awards at 3 titulo sa championship.

Hindi kinakaila ang husay at kasikatan ni LeBron Raymone James sa lara­ngan ng basketball. Noong sophomore pa lamang siya ay marami nang mga basketball scouts ang nakapansin sa kaniyang­ kakayahan at nais siyang bigyan ng oportunidad upang maglaro sa NBA. Bago pa makapaglaro si James ng ka­niyang kauna-unahang regulation game para sa NBA ay naging endorser na siya ng mga sikat na produkto ng iba’t ibang mga korporasyon. Nakilala ang kaniyang pa­ngalan sa mundo ng basketball at madalas siyang ikinukumpara kay Michael Jordan, maging mga manunulat ng sports ay tinatawag siyang James “The Chosen One,” at inaasahang siya ay mapapabilang sa “most elite players in history” ng Basketball Hall of Fame.

Nang magtapos ng highschool si James, agad siyang sumabak sa NBA drafting. Pinili ng kanyang home team na Cleveland Cavaliers bilang ang kanilang “no. 1 pick” noong 2003 NBA draft. Hindi sila nakapasok agad sa championship ngunit dumoble ang bilang ng panalo ng Cavaliers sa tulong ni James, at sa pagtatapos ng 2003-04 season, siya ay pinarangalan ng “Rookie of the Year” award sa edad na 20 anyos.

“I don’t want to be a cocky rookie coming in trying to lead right off the bat…. If there’s one message I want to get to my teammates it’s that I’ll be there for them, do whatever they think I need to do.”

Sa kabila ng kaniyang kasikatan, nanatiling mapagkumbaba si James at isang team player. Sa isang artikulo sa Knight Tribune, sinabi ni Dru Joyce II, isa sa mga na­ging coach ni James noon, ang pagbago ng kaniyang istilo sa paglalaro ng basketball.” I started telling LeBron about passing the ball, how great players make their teammates better. I talked about getting his shots in the flow of the game,” wika ni Joyce. “That was the last time I ever had to talk about LeBron shooting too much.”

Patuloy si James sa paglikha ng kasaysayan sa mundo ng basketball. Noong 2005, siya ang naging pinakabatang manlalaro na magkaroon ng 50 puntos sa isang laro lamang. Noong 2006, nanalo ang Cleveland Cavaliers laban sa Washington Wizards sa unang round ng playoff action. Si James ay mayroong average na 26.6 points kada laro sa postseason matchup, ngunit hindi ito sapat upang manalo ang kaniyang team. Hindi nakasama ang Cavaliers sa top rankings ngunit patuloy padin ang kasikatan ni LeBron sa basketball.

Noong 2006, nanalo ang Cavaliers laban sa Detroit, at sa 2007-08 season, patuloy ang pagtulong ni James sa kaniyang team upang masigurado ang kanilang standing sa Eastern Conference. Nakapasok ang Cavaliers sa semifinals subalit natalo ito ng Boston Celtics. Ngunit base sa indibidwal na performance ng bawat miyembro, si James ang nagtala ng pinakamataas na average na 30 puntos kada laro. Ito na ang highest average sa NBA regular season.

Pagsapit ng 2008-09 season, bagama’t wala siyang sinasabi ay ipinaparamdam na ni James ang kanyang nais na maging free agent sa susunod na taon.

Paglipat sa Miami Heat

Pagkatapos maging free agent, opisyal na sumali si James sa team ng Miami Heat. Muling lumikha ng kasaysayan si James nang siya ang naging pinakabatang manlalaro na magkaroon ng 20,000 puntos sa edad na 28, nilagpasan niya ang record ni Kobe Bryant ng Lakers na nagawa ring magkaroon ng 20,000 points sa edad na 29. Si James ang naging ika-38 na manlalaro sa NBA na nakagawa nito. Nanalo din ang ang Miami laban sa Warriors.

Noong 2012-13 season ay muling nanalo ang Miami sa NBA championship.

Pagbalik sa Cleveland Cavaliers

Pagkatapos ng kaniyang kontrata sa Miami Heat, na­pagpasyahan niyang bumalik sa Cleveland Cavaliers noong 2014. Bagamat nagkaroon siya ng karamdaman sa kaniyang likod at tuhod ay nagawa parin ni James na dalhin ang kaniyang team sa NBA finals, subalit natalo padin ito ng Golden State Warriors.

Noong 2015-16, nakamit ng Cavs ang kanilang kauna-unahang championship win, kung saan pinarangalan din si James na Most Valuable Player o MVP ng NBA. Na­nalo ang Cavaliers laban sa Warriors na may final score na 93-89 sa game 7.

Sa lahat ng titulo at ta­gum­pay na nakamit ni LeBron James, siguradong siya ay mapapabilang na sa Basketball Hall of Fame tulad ng mga tanyag na basketball superstars na si Michael Jordan at Shaquille O’Neal.

Slider Sports Ticker Angelyn G. Muli Cavaliers Dru Joyce II Kobe Bryant Lakers Lebron James LeBron Raymone James Miami Michael Jordan National Basketball Association (NBA) PINAS Shaquille O’Neal Warriors

Andre Ingram: Heart over age

May 31, 2018 by Pinas News

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

ISA sa mga highlights sa National Basketball Association (NBA) ngayong taon ay ang unang laro ni Andre Ingram kung saan ipinamalas niya ang kaniyang matinding determinasyon na patunayan sa buong mundo na pagdating sa pag-abot sa ating mga pangarap, “Age is just a number”.

Si Ingram ay hindi naging first-round draft pick sa NBA. Hindi siya inalok ng paycheck na milyon-milyong dolyar. Sa katunayan, nabigong makapasok sa NBA ang American University graduate noong 2007 dahil walang team na kumuha sa kaniya sa draft. Nguni’t hindi isinuko ni Ingram ang laban para sa pangarap na makapaglaro sa pinakaprimyadong liga ng basketball sa buong mundo. Tinahak niya ang ibang landas upang marating ang kaniyang inaasam na tagumpay— na kaniyang nilakbay sa loob ng 10 taon.

Naglaro si Ingram sa NBA Development League (NBA D-League) kung saan napabilang siya sa mga kuponan ng Utah Flash (2007 – 2011) at Los Angeles D-Fenders (2012-2016) at South Bay Lakers (2016-2018).  Sa kaniyang paglalaro sa naturang liga, ipinakita niya ang kanyang “passion” sa hardcourt kaya naman iginawad sa kaniya ang Jason Collier Sportsmanship Award noong 2010. Siya din ang all-time leader in three pointers ng D-League.

Ngunit hindi ganoon kalaki ang suweldo ng mga players sa D-League kumpara sa NBA, kaya kinailangan ni Ingram, na isang physics major, na magpart-time math tutor para maitaguyod ang kaniyang pamilya, habang patuloy na nanghahawak sa kanyang pangarap na maging isang NBA player balang araw.

Pakitang gilas kaagad

Matapos ang mahabang panahon ng pagtitiyaga at paghihintay, kumatok sa kaniyang pintuan ang oportunidad na makapaglaro sa NBA. Ika-9 ng Abril 2018, Pumirma si Ingram sa Los Angeles Lakers para maglaro sa huling dalawang last two games ng NBA 2017-18 Season. Sa edad na 32, siya ang pinakamatandang rookie sa kasaysayan ng liga mula 1964.

Kinabukasan, hinarap ng LA Lakers ang Houston Rockets, ang top team sa NBA. Pero hindi nagpasindak si Ingram. Hindi rin siya nagpatumpik-tumpik na magpakitang gilas. Sa kanyang unang anim na minuto sa court ay umiskor siya ng 11 puntos, na nakapagpabilib sa fans sa Staples Center at sa buong mundo.

Sa kada hawak niya ng bola ay kaalinsabay na malakas na “MVP! MVP! MVP!” cheer bilang suporta mula sa mga fans at mga taong saksi sa kaniyang pinagdaanan—kabilang dito ang kaniyang asawa’t dalawang anak na babae na nandoon upang panoorin ang larong pinakahihintay at pinaghandaan ni Ingram sa kanyang professional basketball career.

It was excellent,” masayang ibinahagi ni Ingram, na kakikitaan na ng mga uban sa kanyang buhok. “Once we went out as a team for warmups, I just felt some electricity out there. It was amazing. The crowd, the lights, it was just once in a lifetime. It was awesome.”

“I tried not to think about the first one going down. “But to a man, everyone was like, ‘When you get it, just let it go!’ All the players, all the coaches. It was crazy. To see that first one go in, I felt great,” dagdag ng Laker guard suot ang no. 20 jersey.

Ang three-pointer niya sa huling 51 segundo ng laro ay nakapagpalapit sa iskor ng Lakers sa Rockets, 102-99, subalit kinapos sila. Final score: 105-99.

Ingram umani ng respeto sa buong mundo

Bagama’t Rockets ang nanalo, si Ingram ang istorya ng laro, kung saan nakapagtala siya ng 19 points, 4 for 5 three-pointers, tatlong rebounds, tatlong blocks, at isang steal. Pinahanga niya ang marami, kakampi man o kalaban, at pinatunayang karapatdapat siyang maglaro sa NBA.

“I told him I heard about his story, and that grind is unbelievable,” wika ni Chris Paul, ang superstar point guard ng Rockets. “I told him, ‘Much respect.’ I mean, 10 years grinding in the G League, to finally get an opportunity and to play like that, it’s pretty special.”

“To play the way he played, that’s the stuff that dreams are made of. Just an inspirational story. He belonged out there,” sabi ng kakampi ni Ingram na si Lakers center Brook Lopez.

“That’s a testament to hard work, never giving up, and just sticking with it,” wika naman ni Julius Randle, power forward ng Lakers.

Sa huling laro ng Lakers laban sa Los Angeles Clippers, umiskor si Ingram ng lima, at nakapagtala ng anim na assists at tatlong rebounds sa 35 minuto. Nanalo ang Lakers kontra Clippers 115-110.

Ayon sa mga report, kumita si Ingram ng USD 13,824 sa kanyang tatlong araw sa Lakers, matapos na kumita ng USD 19,000 sa kabuuan ng kanyang D-League season.

Naniniwala naman si South Bay Lakers General Manager Nick Mazzella na marami pang maiaambag si Ingram sa laro at kaya pa rin makipagsabayan ni Ingram sa mga atletang mas bata sa kanya sa NBA.

“He showed at 32 years old, he fits. “Everyone’s career path is different. He’s the first guy in the weight room. He’s always taking care of himself. I don’t look at him as a guy past his prime getting a chance at the end. I think Andre still has something to prove,” sabi ni Mazzella.

Marami ang nagsasabi na “Basketball is a young man’s sport”. Nguni’t pinatunayan ni Andre Ingram na kahit may edad na, pwede pa rin maglaro basta mayroong puso para manalo.

Slider Sports Ticker LA Lakers National Basketball Association (NBA) NBA Development League (NBA D-League) Quincy Joel V. Cahilig Utah Flash

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.