• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Wednesday - March 03, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

National Capital Region (NCR)

PH War vs. COVID-19: Luzon under quarantine

March 24, 2020 by Pinas News

Ni: QUINCY JOEL CAHILIG

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang buong Luzon sa isang buwang “enhanced community quarantine” upang pababain ang dumadaming bilang ng mga biktima ng nakamamatay na coronavirus disease 2019 (COVID-19), na itinuturing ng World Health Organization na pandemic.

Sa pagsusulat ng artikulong ito, pumalo na sa 262 ang bilang ng confirmed cases at 19 deaths ng COVID-19 sa bansa.

Sa ilalim ng enhanced community quarantine, lilimitahan ang pagkilos at pakikipaghalubilo ng mamamayan upang maiwasan ang pagkalat pa ng naturang viral infection. Ipapatupad ito mula ika-17 ng Marso hanggang ika-12 ng Abril 2020.

“Movement shall be limited to accessing basic necessities, provision for food and essential health services shall be regulated, and there will be heightened presence of uniformed personnel to enforce quarantine procedures,” nakasaad sa memorandum na inanunsyo ni Pangulong Duterte gabi ng Marso a-16.

Restricted ang land, air, and sea travel. Papayagan makapasok sa bansa ang mga inbound Filipino citizens at yung mga may permanent resident visa. Subali’t kakailanganin nilang sumailalim sa quarantine procedure kung nanggaling sa mga bansa na may COVID-19 outbreak.

Suspendido rin ang mass public transportation gaya ng MRT, LRT, bus, at jeep. Papayagan lamang ang paggamit ng pribadong sasakyan kung bibili ng basic necessities gaya ng gamot at pagkain.

Dahil dito, ipapatupad ang work-from-home na scheme para sa mga empleyado na nasa ilalim ng executive branch ng gobyerno maliban sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, health and emergency frontline services, border control at iba pang critical services kung saan ipapatupad naman ang “skeletal workforce.” Ganitong work scheme din ang nais ng gobyerno na gawin ng mga pribadong kumpanya sa kanilang mga empleyado.

Sa kabila nito, tiniyak ni Secretary Eduardo Año na maglalaan ng sasakyan para sa mga health workers ang mga local government units para maihatid sila sa trabaho.

Ipinagbabawal din sa memorandum ng Malacañang ang malakihang pagtitipon. Mahigpit naman ipatutupad ang home quarantine sa lahat ng tahanan at isasara ang lahat ng nonessential establishments: “Only those private establishments providing basic necessities and such activities related to food and medicine production i.e. public markets, supermarkets, groceries, convenience stores, hospitals, medical clinics, pharmacies and drug stores, food preparation and delivery services, water-refilling stations, manufacturing and processing plants of basic food products and medicines, power energy, water and telecommunications supplies and facilities shall be open,” nakasaad dito.

Kaakibat nito ang pag-apela ng Pangulong Duterte sa mga negosyante na bigyan ng konsiderasyon ang mga manggagawang maapektohan ang kabuhayan.

“These measures may include, but shall not be limited to, moratorium on lease rentals, advancing a pro-rated thirteenth-month pay, reprieve in utility bills, and assistance to micro-, small- and medium-scale enterprises,” ayon sa memorandum.

Siniguro naman ng Pangulo na hindi pababayaan ng gobyerno na may magugutom na Pinoy habang umiiral ang enhanced community quarantine. Inatasan niya si Social Welfare Secretary Rolando Joselito Bautista na maglibot at mamigay ng supply ng pagkain.

“Just go around…maybe asking if there is somebody starving or in need of food. It behooves upon the barangay captain…this is a mandatory duty. It does not have to have a law because the proclamation itself suggests that there is really a need for you to work with government,” wika ni Duterte sa kanyang televised speech.

Samantala, pinawi ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang mga pangamba na mauuwi sa martial law ang ipinatutupad na enhanced community quarantine dahil umano sa pagiging front-liner ng mga sundalo at pulis sa mahigpit na pagbabantay sa mga pamayanan.

“Please be assured that we are not headed towards martial law. Although public safety requires it, there is no state of rebellion, there is no state of invasion. Our enemy here is not a human being, our enemy is a virus,” paliwanag ni Guevarra.

Para sa karagdagang impormasyon at emergency situation, maaring tawagan ang Department of Health sa telephone numbers (632) 8651-7800 local 1149-1150 or (632) 165-364. Maari rin tawagan ang Research Institute for Tropical Medicine sa telephone numbers (02) 8807-2631/ 8807-2632/ 8807-2637

Pambansa Slider Ticker Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) enhanced community quarantine Luzon Metro Manila National Capital Region (NCR) Pangulong Rodrigo R. Duterte

Mahigit 30 mga artista, sangkot sa illegal drugs -PNP

June 17, 2019 by PINAS

GAGAWIN lahat ng PDEA katuwang ang PNP at law enforcement agencies para maging matagumpay ang war on drugs hanggang sa pagtatapos ng termino ng Administrasyong Duterte sa 2022.

 

SMNI NEWS

HINDI magdadalawang-isip ang mga otoridad na batikusin ang entertainment industry kapag may makikita itong nagpo-promote ng illegal drugs.

Sinabi ni Brigadier General Albert Ignatius Ferro, director ng Drug Enforcement Group ng Philippine National Police (PNP) na nagkataon kasi na napanood mismo niya  sa isang noontime show ang isang kanta na tila nagpo-promote ng iligal na droga.

Una na ring inihayag ni Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director General Aaron Aquino na nais nilang ipatigil ang pag-ere ng kanta na “Amatz” ng Pinoy rapper na si Shanti Dope dahil umano sa pag-engganyo nito ng paggamit ng marijuana bagay na mariin namang itinanggi ng mang-aawit.

Samantala, sinabi rin ni Ferro na sa kanilang tala ay mayroong mahigit tatlumpung bilang ng mga artista ang nasasangkot sa iligal na droga, 2 rito ay pushers habang ang iba ay users.

Ang mga artistang hindi pa pinangalanan ay nasa watchlist na ng PNP at PDEA.

Sa kabilang banda aminado naman ang PDEA na pahirapan ang pagdeklara ng drug free sa mga barangay sa National Capital Region (NCR).

Sinabi ni Director General Aquino na base sa kanilang datos, ang NCR ang may pinakamataas na kaso ng gumagamit ng pinagbabawal na gamot kung ikumpara sa ibang rehiyon na marami nang na-clear na mga barangay.

Pambansa Slider Ticker Director General Aquino National Capital Region (NCR) PDEA Philippine National Police (PNP)

DOTr, DILG, PNP-HCG nagsanib-pwersa laban sa trapiko

March 26, 2019 by Pinas News

DOTr, DILG at PNP-HPG magsasanib-pwersa upang labanan ang trapiko sa bansa.

 

Ni: Jonnalyn Cortez 

UPANG ibsan ang lumalalang kaso ng traffic sa bansa, nilagdaan ng Department of Transportation (DOTr) at Department of Interior and Local Government (DILG) and isang Memorandum Agreement na magtatalaga sa Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) bilang enforcement arm ng DOTr.

Pinirmahan ni DOTr Secretary Arthur Tugade at DILG Secretary Eduardo Año ang kasunduan na binibigyan ng karapatan ang PNP-HPG na magpatupad ng mga batas trapiko at regulasyon sa buong Metro Manila at kalapit na rehiyon na susuportahan din ng Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT).

Sa ilalim ng memorandum, magtatalaga ng 300 unipormadong tauhan ang PNP-HPG — 25 Police Commissioned Officers at 275 Police Non-Commissioned Officers — sa National Capital Region (NCR) at Regional Units na siyang magbibigay ng logistical mobility support upang palakasin ang enforcement operations ng i-ACT.

Makikipag-ugnayan din ang PNP-HPG sa DOTr at mga ahensiyang Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang siguraduhin ang epektibong pagpapatupad ng kasunduan.

Gagamitin ng PNP-HPG ang kanilang logistical resources na binubuo ng 24 sasakyan at 82 motorsiklo upang ipatupad ang batas trapiko. Itatalaga naman ng DOT ang lahat ng tauhan ng LTO, LTFRB, at i-ACT Secretariat, kabilang din ang kanilang mga sasakyan at motorsiklo bilang tulong.

“Sabi ng ating Pangulo, ‘give the Filipino a comfortable life.’ Nandito tayo ngayon sapagkat sa ating panunumpa sa lengguwahe ng ating Pangulo, tayo ay magsisilbi sa Pilipino upang ang ating kapwa Pilipino ay magkaroon ng maayos na buhay. And we will inculcate that comfortable life through enforcement and discipline on the road, and through proper compliance with the law,” wika ni Tugade.

Inilahad din ni Tugade na nagmula sa dating HPG chief at kasalukuyang LTFRB Board Member Antonio Gardiola ang ideya ng paggawa ng memorandum sa pagitan ng DILG at DOTr.

“Nung bago pa si General Gardiola, wala pang dalawang araw, sabi ko sa kanya, ‘General Gardiola, gusto ko ituloy mo ang partnership between PNP and the Department of Transportation. Gusto ko, paigtingin mo at bigyan ng lakas ‘yung tinatawag na enforcement.’ In barely two weeks, tinawagan ko si Secretary Año, sabi ko, ‘kailangan ko kayo’,” paglalahad ni Tugade.

Kinilala naman ni PNP Chief /Director General Oscar Albayalde ang kasunduan.

“I am pleased to announce the signing of Memorandum of Agreement by and between the Philippine National Police, Department of Transportation, MMDA, Metro Manila Council, LTO, LTFRB and Coast Guard to further strengthen the enforcement capabilities of the Inter-Agency Council for traffic or I-ACT, through the support of the Department of Interior and Local Government,” pahayag ni Albayalde.

Pamumunuan ng DOTr ang pagtatalaga ng hepe ng i-ACT Task Force, na siya namang magiging responsable sa pag-deploy ng mga PNP-HPG personnel at logistical support sa kanila-kanilang post.

Sa loob ng 30 araw matapos maging epektibo ang kasunduan, kailangang makapagtatag ng isang Inter-Agency Technical Working Group upang bumuo ng implementing guidelines.

Nagpaabot din ng tulong ang Philippine Coast Guard (PCG) para sa operasyon ng i-ACT nang magpadala si PCG Commandant Admiral Elson Hermogino ng 25 tauhan, na pawang mga bagong graduate na sumailalim sa training sa LTO bilang paghahanda sa kanilang field assignment.

Isasatupad ng i-ACT ang paghuli sa illegal public utility vehicles (PUVS) o mas kilala sa tawag na colorum upang siguraduhin ang kaligtasan sa kalsada ng publiko.

Agad na epektibo ang bagong tungkulin ng PNP-HPG matapos pirmahan ang memorandum.

NLEX-SLEX Connector Road i-improve ang paluluwagin ang koneksyon ng NLEX at SLEX.

 

Two Roads Pproject  

Ilang hakbang na ang ginawa ng gobyerno upang solusyunan ang trapiko sa bansa, kabilang na rito ang pagtatayo ng dalawang bagong road projects — ang NLEX Harbor Link Segment 10 at NLEX-SLEX Connector Road.

“We are glad that this traffic decongestion project is now open to our motorists. The NLEX Harbor Link Segment 10 validates the Duterte administration’s promise to bring real change by providing travel convenience and strongly enhancing our service to the Filipino people,” wika ni Public Works Secretary Mark Villar.

Inaasahang mas mapapadali ang biyahe dahil sa bagong koneksyon sa pagitan ng mga pangunahing lugar sa Metro Manila at probinsya sa Northern Luzon dahil sa NLEX Harbor Link Segment 10. Ang expressway ay may habang 5.65 kilometro na binabaybay ang mga lungsod ng Valenzuela, Malabon at Caloocan. Paiikliin nito ang oras ng biyahe sa pagitan ng C3 at NLEX ng limang minuto.

Nakikitang susulosyunan ng NLEX Harbor Link Segment 10 ang matinding traffic sa Metro Manila pag lumipat ng daanan ang halos 30,000 sasakyan araw-araw. Makakatulong din ito sa mabilis na paghahatid ng pagkain at magkakaroon ng ibang access ang mga cargo trucks mula sa port area papuntang sa Northern Luzon.

Ang susunod na bahagi ng proyekto ay ang paggawa ng 2.6 km section mula sa C3 Road, Caloocan City, papuntang R10, Navotas City.

Sinabi ni Manuel V. Pangilinan, chairman ng Metro Pacific Tollways Corp. (MPTC), na siyang nasa likod ng proyekto, na ikinatutuwa ng MVP Group ang tulong na ginagawa ng gobyerno upang mapabilis ang paggawa ng mga importanteng proyektong imprastraktura.

“Apart from our team’s commitment to support the administration’s Build Build Build program, the government’s help in ramping up the acquisition of right-of-way made us deliver this vital infrastructure which aims to bolster development and ease traffic congestion in the country,” wika ni Pangilinan.

Kasabay ng pagbubukas ng NLEX Harbor Link Segment 10, nagsimula na ang dalawang taong konstruksyon ng P23.3 bilyon na NLEX-SLEX Connector Road Project.

May haba itong walong kilometro, at tulad ng NLEX Harbor Link Segment 10, isa rin itong elevated highway na malapit sa PNR na pinaabot ang NLEX southward mula sa dulo ng Segment 10 sa C3/5th Avenue, Caloocan City, hanggang sa PUP Sta. Mesa, Manila.

Inaasahang luluwag ang mga pangunahing daan at i-improve ang koneksyon sa pagitan ng north at south.

NLEX Harbor Link Segment 10 susulosyunan ang matinding traffic sa Metro Manila sa pagkokonekta ng mga pangunahing lugar sa Metro Manila sa ibang probinsya.

 

“NLEX Harbor Link Segment 10 and NLEX Connector are just some of Metro Pacific’s expansion projects geared towards providing further convenience to motorists and bringing more opportunities in nearby cities and provinces,” pahayag ni MPTC president at CEO Rodrigo Franco.

“The inauguration of the NLEX Harbor Link Segment 10 and the groundbreaking of the NLEX Connector show the political will of the government and the solid partnership between public and private sectors,” dagdag ni NLEX Corp. president at general manager Luigi Bautista.

Decongestion, sagot sa problema 

Sa isang palabas sa Facebook at YouTube na pinamagatang “Misconsensus: The Politics of Things,” tinanong si Senador Juan Ponce Enrile kung anong mainam na pampublikong transportasyon ang makakaresolba sa lumalalang traffic sa Maynila.

Pinili niya ang paggamit ng BRT o Bus Rapid Transit bilang pinaka-mainam na pantugon sa problema ng trapiko. Ngunit, hindi umano mahalaga kung ano ang maaaring pagpiliang masasakyan dahil ang problema ay structural.

“You can build all the infrastructure in Metro Manila you want, but if you do not decongest it, it will remain a dying city,” pahayag ni Enrile.

“We’ve piled up economic activities and people here (in Metro Manila). It’s very dangerous,” dagdag pa nito.

Pambansa Slider Ticker Caloocan Department of Interior and Local Government (DILG) Department of Transportation (DOTr) DILG Secretary Eduardo Año DOTr Secretary Arthur Tugade Inter-Agency Council for Traffic (i-ACT) Jonnalyn Cortez Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Land Transportation Office (LTO) LTFRB Board Member Antonio Gardiola Malabon Manuel V. Pangilinan MPTC president at CEO Rodrigo Franco National Capital Region (NCR) Navotas City NLEX PCG Commandant Admiral Elson Hermogino Philippine Coast Guard (PCG) Philippine National Police–Highway Patrol Group (PNP-HPG) PINAS PNP Chief /Director General Oscar Albayalde public utility vehicles (PUVS) SLEX Valenzuela

Fixed rate sa bus drivers wala nang atrasan

October 15, 2018 by Pinas News

Fixed rate

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

KAAGAPAY ng libu-libong mga Pinoy komyuter sa Metro Manila at sa mga probinsiya ang bus. Bukod sa jeep at tren, ito pa rin ang pangunahing mass transportation system na nagdadala ng mga tao tungo sa iba’t-ibang destinasyon, lalo na sa mahabaang pagbiyahe.

Sa kabila nito, tinukoy ng awtoridad na kabilang ang mga bus sa mga sanhi ng maraming aksidente sa daan. Base sa datos ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nasa 434 ang namatay at 19,374 ang nasaktan sa National Capital Region (NCR) sanhi ng mga aksidente sa kalsada noong nakaraang taon.

Iniinspeksyon ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang Dimple Star bus na nahulog sa bangin sa Sablayan, Occidental Mindoro nitong Marso na kumitil sa buhay ng 19 na pasahero.

Bagama’t mas mababa ang naturang bilang kumpara noong 2016, kung saan 446 ang namatay at 20,876 ang nasaktan, masasabing marami pa rin ang mga nadisgrasya noong 2017.

Isa sa mga nakikitang dahilan ng pagkakasangkot ng mga pampublikong bus sa mga sakuna ay ang commission basis na sistema ng pasweldo sa mga bus driver at kundoktor, na nagtutulak sa mga ito na mag-agawan sa mga pasahero at paspasan ang pagmamaneho upang maka boundary, na di alintana kung nalalabag na ba nila ang mga batas sa kalsada, para lamang may maiuwing sweldo pantugon sa mga pangangailangan nila at ng kanilang pamilya.

Land Transportation Franchising and Regulatory Board member Atty. Aileen Lizada

 

Ang sistemang ito rin ang sinisisi ni Atty. Aileen Lizada, board member ng Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB), sa pabalagbag na estilo ng pagmamaneho ng maraming bus driver para  masigurong may sapat na kikitain araw-araw. Bukod dito, nalalagay din aniya sa alanganin ang kalusugan ng mga driver at konduktor dahil sa mahabang oras ng pagtatrabaho. Isipin mo na lang kung gaano kahirap sa katawan at pag-iisip ang mabababad sa mala-pagong na trapiko sa Metro Manila.

“Their commission is based on the number of riders they pick up. Kaya ang mga driver gustong mas marami silang riders at mas maraming trips. Because of this, buses are no longer safe and convenient for the riding public. In the long run talo rito ang mga bus drivers lalo na ang mga pasahero,” saad ni Lizada.

Noong Enero 2012, ibinaba ng LTFRB ang Memorandum Circular No. 2012-001 na nag-oobliga sa mga operators ng public utility buses na kumuha ng Labor Standards Compliance Certificates. Ang hindi makakatugon dito ay maaring bawian o hindi mapagkakalooban ng panibagong certificate of public convenience para ituloy ang pagbibiyahe ng kanilang mga bus.

Kasunod nito, nag-isyu naman ang DOLE ng Department Order No.118-12 patungkol sa memorandum circular ng LTFRB na nagbibigay ng computation para sa fixed at performance-based na pagpapasweldo sa driver at kundoktor.

Noong Pebrero 2012, nag-isyu ang National Wages and Productivity Commission (NWPC) ng operational guidelines na susundin para ipatupad ang naturang panibagong wage system, alinsunod sa department order ng DOLE.

Subalit hindi agad naipatupad ang mga naturang memo dahil naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang mga samahan ng PUB operators, ang Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP), ang Southern Luzon Bus Operators Association, Inc. (SO-LUBOA), ang Inter City Bus Operators Association (Interboa), at ang City of San Jose del Monte Bus Operators Association (CSJDMBOA). Giit nila, labag sa karapatang ibinibigay ng Saligang Batas sa mga operators ang mga ibinabang order ng LTFRB at DOLE.

HATOL NG KORTE: ITIGIL NA ANG BOUNDARY

Pagkatapos ng mga hearing sa loob ng anim na taon, ibinasura ng Korte Suprema ang petisyon ng mga operators. Base sa ruling ng pinakamataas na hukuman, na inakda ni Associate Justice Marvic Leonen, nabigong patunayan ng mga petitioners o bus operators sa korte na kontra sa Saligang Batas ang department order ng DOLE at ang memorandum circular ng LTFRB.

Binigyang diin din ng Korte Suprema sa en banc desisyon nito na may “quasi-legislative powers” o kapangyarihang magbalangkas ng rules and regulations ang mga nasabing ahensya, kabilang dito ang pagpapatupad ng fixed rate salary para sa mga bus driver at kundoktor.

Ipinaliwanag din ng Korte Suprema na hindi labag sa due process ang mga hakbang na DOLE at LTFRB dahil layunin nitong iangat ang kabuhayan ng mga driver at kundoktor, at para rin ito sa kaligtasan ng mga commuters.

“The boundary system puts drivers in a ‘scarcity mindset’ that creates a tunnel vision where bus drivers are nothing but focused on meeting the boundary required and will do so by any means possible and regardless of risks… This scarcity mindset is eliminated by providing drivers with a fixed income plus variable income based on performance,” nakasaad sa desisyon.

“The fixed income equalizes the playing field, so to speak, so that competition and racing among bus drivers are prevented. The variable pay provided in Department Order No. 118-12 is based on safety parameters, incentivizing prudent driving,” dagdag pa nito.

KITA NG MGA TSUPER, TIYAK SA BAGONG WAGE SCHEME

Base sa ipapatupad na part-fixed-part-performance-based scheme, ang fixed wage ay pagkakasunduan ng bus operator at ng driver at kundoktor, at hindi ito dapat bababa sa mimimum wage na itinakda sa bawa’t rehiyon. Sa kasalukuyan, ang minimum wage sa Metro Manila ay ₱512.

Bukod dito, makakatanggap na din ang mga driver at kundoktor ng overtime pay, night shift differential, service incentive leave, premium pay, 13th-month pay, holiday at service incentive leave.

Magkakaroon na rin ng performance-based wage component, na magbabase sa iba’t-ibang performance tulad ng laki ng kita, sa pagiging ligtas ng pagbiyahe, at kung gaano kaunti ang traffic violations.

DOLE, MAHIGPIT NA MAGBABANTAY

Isa sa mga pangunahing mass transport system sa bansa ang bus, na tinatangkilik ng libu-libong mga komyuter araw-araw.

 

Ayon kay Director Teresita Cucueco, tututukan ng DOLE ang pagpapatupad ng bagong sistema ng pagpapasweldo ng bus operators para tiyakin na gaganda nga ang kundisyon ng pagtatrabaho para sa mga driver at kundoktor.

“The department order ensures income security for the bus drivers and conductors, as well as improves the working conditions in the bus transport sector. We will continue our monitoring on the implementation and compliance, as mandated,” sabi ni Cucueco.

Aniya, bibigyan din sila ng mga social benefits, kaya maiiwasan na ang mga disgrasya sa kalsada na dulot ng habulan at agawan sa pasahero.

Dagdag ni Cucueco, nakatakda silang makipagpulong sa mga regional directors ng ahensya upang pag-usapan ang pagpapatupad ng Department Order 118-12.

”We plan to meet with the regional directors and we will raise the Supreme Court decision implementing the fixed and performance-based pay,” aniya.

Samantala, sa kabila ng patuloy na pagtaas ng gasoline at maintenance costs, sinabi ni Alex Yague, executive director ng PBOAP na susunod sila sa desisyon ng Korte Suprema.

Ngunit, sinabi rin ni Yague sa isang panayam, “Wala po tayong magagawa kundi sumunod, pero ang magiging epekto po niyan, maraming magsasara na bus company.”

Pambansa Slider Ticker Alex Yague executive director PBOAP Associate Justice Marvic Leonen Atty. Aileen Lizada City of San Jose del Monte Bus Operators Association (CSJDMBOA) Department Order 118-12 DOLE Inc. (SO-LUBOA) Land Transportation and Regulatory Board (LTFRB) LTFRB Metro Manila Metro Manila Development Authority (MMDA) National Capital Region (NCR) National Wages and Productivity Commission (NWPC) PINAS PUB operators ang Bus Operators Association of the Philippines (PBOAP) Quincy Joel V. Cahilig Southern Luzon Bus Operators Association

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.