Pinas News
TOTOO ang sinasabi ni Pastor Apollo C. Quiboloy na ang kailangan lang ng mundong ito ay pag-ibig.
kung may pag-ibig, lahat ng problema sa mundo ay magkakaroon ng solusyon, walang kaguluhan sa mundo, walang mangyayaring digmaan, walang gutom, walang kurapsyon, walang siraan, ang pangangailangan ng lahat ay matutugunan, magkakaroon ng katahimikan at kapayapaan.
Mangyayari ang sinasabi ng biblia na ang “lobo ay tatahan kasama ang kordero, ang leopard ang batang kambing… ”
Sasabihin ng mga siniko, imposible na mangyari ‘yan! ‘yan ay mga kasabihan lang. eh, kailan pa ba babalik si kristo?
Dito sila nagkakamali, kasi kung titingnan ng maigi ang ginagawa ng mga taong katulad ni Pastor Apollo, matagal nang nangyayari ito sa loob ng kanyang organisasyon.
Sa ilalim ng pamamahala ni pastor, sa napakalaki niyang kongregasyon sa labas at loob ng pilipinas, na nasa 200 na mga bansa, sa libu-libo niyang mga miyembro, makikita ang katapatan ng bawat isa sa paggawa ng mabuti na walang reklamo, makikita ang pagtutulungan, natutugunan ang pangangailangan ng bawat isa.
Masaya at may kapayapaan sa lahat ng mga antas, walang pagkaka-inggit, walang pag-aalsa, at naibabahagi pa ang kabutihan sa iba.
Kung panonoorin lang ang mga video ng kanyang mga kawang-gawa, sa mga disabled, mga matatanda, mga sinalanta at nasunugan, sa mga kabataan, at lalong lalo na sa mga batang musmos, masasabi pa ngang sino ang nakagawa katulad niyan sa buong Pilipinas? sinasabi ko sa inyo, wala.
Hindi biro ang magpakain ng libu-libong mga bata. namasdan na ng inyong lingkod ang National Children’s Day ni Pastor Apollo sa Davao City tuwing abril.
Hihigit siguro sa 15,000 na mga kabataan at kanilang mga magulang, ang pinapapasok ni Pastor sa kaniyang compound sa Davao City, upang tumanggap ng napakaraming “unli” – unli na pagkain, unli na mga regalo, unli na mga rides, may mga float at parade pa na mala-disney kumbaga, mula umaga hanggang gabi – mga kasiyahang hindi kayang ibigay ng isang mahirap na magulang sa anak sa ganang kaniyang sarili.
At hindi ito nangyayari lang sa Davao City, kundi buong taon sa buong Pilipinas at maraming lugar ng mundo – sa asya, Africa, Latin Ame-rika, Europe, at iba pa.
Naka-tutuwang isipin na kay Pastor Apollo lang nagyayari na ang kawang-gawa ay nagmumula sa isang pribadong Pilipino at dinadala sa isang mayamang bansa katulad ng Amerika. sino ang nakagawa niyan dito sa ating bansa? sabihin ko sa inyo, wala.
Marami ang nahahawa na sa pag-ibig na kinakalat ni Pastor. marami ang tumutugon sa tawag na tumulong at maki-isa sa pagtulong sa iba.
Marami ang nagbibigay at hindi ito mapipigilan, dahil walang makapipigil sa tunay na pag-ibig, hindi po ba? kung minahal mo ang asawa mo, may makapagpipigil ba sa pag-ibig mo? kung mahal mo mga anak mo, may makapagpipigil ba sa pag-ibig mo sa kanila? dahil sa ganang iyong sarili, ikaw ay gagawa ng kabutihan para sa kanila, ganyan si Pastor Apollo Quiboloy.
ang masasabi ko lang, ay tularan natin si Pastor Apollo. iwanan na natin ang paninibugho, galit, poot, at kasakiman. iwanan ang pagiging adik sa mga isyu at tsismis na walang katotoha-nan. matuto tayong umibig ng tunay sa iba, tumingin sa liwanag at hindi sa dilim, dahil totoo nga na “love is all we need.”