• Skip to primary navigation
  • Skip to content
  • Skip to primary sidebar
Friday - March 05, 2021

PINAS

Ang Lihim ng Panginoon (Ikalawang Bahagi)

Sonspeak

72hp male enhancement.

super size pills.

jelqing results after 3 months.

serexin ingredients.

super hard male enhancement.

jelqing exercises.

x1 male enhancement.

viapro herbal.

Male Enhancement Supplements Reviews Asox9.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Top Male Sex Enhancement Pills.

Male Sex Enhancer.

Size Erect Pills.

weekend prince pill review.

pills to enlarge your penis.

Recent News:

  • PSG, isinailalim sa lockdown
  • PANALANGIN AT PAG-AAYUNO Mga Sandata ng Matutuwid na mga Anak na Lalaki at Anak na Babae (Ikatatlong Bahagi)
  • Idris Elba, nagpositibo sa COVID-19
  • Sen. Zubiri, positibo sa COVID-19
  • Bayanihan at volunteerism, nangingibabaw sa gitna ng COVID-19 crisis
  • Home
  • Pambansa
  • Metro
  • Probinsyal
  • Internasyonal
  • Negosyo
  • Sports
  • Showbiz
  • OFW
  • Opinyon
  • Feature
  • Lifestyle
  • Business
  • Sonspeak
  • Words of The Son
  • Kalusugan
  • PINAS USA

National Economic and Development Authority (NEDA)

Gobyerno laban sa El Niño

April 16, 2019 by Pinas News

Ni: Jonnalyhn Cortez

MALAKING dagok sa mga Pilipino ang nagdaang kakulangan ng tubig sa ilang parte ng Metro Manila at Rizal. Idagdag mo pa ang dalang matinding init ng El Niño at ang epekto nito sa magsasaka at mga palayan, lalo nang nagkaroon ng mas malaking problema ang bansa.

Bunsod nito, gumawa ang gobyerno ng roadmap upang mabawasan, kung hindi man masolusyunan, ang epekto ng El Niño at siguruhing may tamang supply ng tubig ang bawat lugar sa bansa.

Sa isang pahayag, sinabi ni presidential spokesman Salvador Panelo na kabilang sa roadmap, na iprinisinta sa nakaraang 36th cabinet meeting ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang layuning magtayo ng Department of Water and Department of Disaster Resilience.

“A roadmap was presented, which included immediate, medium, and long-term interventions, such as making an intensive campaign for the conservation of water and energy, creating a Department of Water and a Department of Disaster Resilience,” wika ni Panelo.

Kabilang din sa plano ang paglilinis ng waterways, pagpapalit ng tunnels at aqueducts, paglagay ng water tank systems sa lahat ng ospital sa ilalim ng Department of Health (DoH) at pagbibigay ng pondo sa pagtatatag ng water treatment plants.

KAKULANGAN sa tubig, isa sa mga problemang nais solusyunan ng gobyerno.

 

Department of Water 

Maraming lugar ang biglaang nawalan ng tubig dahil umano sa magulong pamamalakad ng mga opisyal na namamahala sa patubig.

Una nang iminungkahi ni Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia ang pagtayo ng Department of Water noong Marso, ngunit sinabi ni Panelo na hindi na ito kailangan dahil nasolusyunan na ang problema sa tubig.

Mayroon ding panukalang-batas na nakabinbin sa Senado na naglalayon ng pagtatatag ng nasabing Department of Water, Irrigation, Sewage and Sanitation Resource Management, na ang mandato ay pamahalaan at protektahan ang water resources ng bansa.

Sa kabilang dako, si National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Adoracion Navarro ay iprinisinta ang mungkahing executive order (EO) upang baguhin at palakasin ang National Water Resources Board (NWRB).

“The EO will merge the NWRB and the River Basin Control Office into the National Water Management Council (NWMC),” pahayag ni Panelo. “This will streamline and consolidate planning and regulation of all water and river basins in the country. It will also draft a National Water Management Framework Plan.”

SOCIOECONOMIC Planning Secretary Ernesto Pernia iminungkahi ang pagtatatag ng Department of Water upang solusyunan ang problema sa tubig.

 

Water Summit 

Isinagawa ng pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang 3rd Water Summit kamakailan upang talakayin ang mga maaaring hakbang na tutulong mabawasan ang matinding epekto ng El Niño, na dinaluhan ng iba’t-ibang sektor mula sa magsasaka hanggang sa mga stakeholders at mga opisyal at representante ng Department of Agriculture (DA), National Irrigation Authority (NIA), at Philippine Rice Research Institute (PhilRice).

Inihayag ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) chief meteorological officer ng Laoag City na si Cynthia Iglesias na ang epekto ng El Niño sa lalawigan ay “minimal lamang,” ngunit mayroon ng mga hakbang ang probinsya upang hindi na lumala ito.

“We have at least five measures that are readily implementable to cushion the impact of El Niño: rain harvesting, switching to short-gestation crops that do not require abundant water to grow, such as monggo, watermelon, and pechay, the use of enhanced fertilizers having better water-retention properties, installation of pond liners to serve as reservoirs, and the use of gray water to avoid wastage and maximize water use,” sabi ni Sustainable Development Center (SDC) head Edwin Cariño.

Parehong payo naman ang ibinigay ni Ilocos Norte Water District (INWD) manager John Teodoro at Department of Environment and Natural Resources (DENR) member Vic Dabalos na magtipid ang publiko sa paggamit ng tubig.

PAGLALAGAY ng solar powered irrigation system, isa sa mga nakikitang pansamantalang paraan upang hindi lumala ang epekto ng El Niño sa mga palayan.

 

Solar-powered irrigation system 

Buong pagmamalaking inihayag ni Agriculture Secretary Emmahnuel Piñol ang paglalagay ng DA ng 6,200 solar-powered irrigation systems sa buong bansa bilang pansamantalang solusyon sa epekto ng El Niño sa mga sakahan.

“This is our short-term solution for El Niño, to build a solar-powered irrigation system. The project has a fund of P4 billion. The solar panels will produce the energy needed for the irrigation to be functional. This will be very effective during dry season,” wika ni Piñol.

Una nang sinabi ng dating journalist na ang paggawa ng panukalang-batas na mag-uutos sa lahat ng komunidad na ipatupad ang water conservation at preservation programs tulad ng pagkakaroon ng maliit na water impounding at water catchment basin ay magiging malaking tulong upang solusyunan ang problema sa tubig.

“We will do our best for this bill to be included in the President’s legislative agenda,” pahayag ni Piñol.

Karaniwang 22 na bagyo ang dumaraan sa bansa taon-taon na maaaring mapagkuhanan ng maiimbak na tubig na gagamitin kung kinakailangan.

“The bill, once it is signed into a law will urge the public to conserve and utilize water resources and can be put in good use during dry season,” dagdag ni Piñol.

Ang mga hakbang na ito umano ang dapat gawin ng mga Pilipino upang mapatupad ang sustainable agriculture.

“There will be a time that our resources will not be able to feed the population in the manner we produce food right now and we do not want that to happen,” sabi ni Piñol.

Ekonomiya mananatiling malakas 

Mananatiling malakas ang ekonomiya ng Pilipinas sa kabila ng epekto ng El Niño.

Sinabi ni Pernia na kabilang na sa pinababang 6 to 7 percent growth na target para sa taong 2019 ang resulta ng epekto ng El Niño sa ekonomiya.

“The 6 to 7 percent is the more realistic target given the reenactment of the budget and the effects of El Niño,” wika ni Pernia.

Inihayag naman ni NEDA Assistant Secretary Carlos Bernardo O. Abad Santos ang epekto ng El Niño sa gross domestic product growth (GDP) para sa buong taon ay papatak ng 0.2 percentage points lamang.

“When the DBCC revised the target for the 2019, that already presumed the weak El Niño and was included in the calculation. It was already incorporated in the revised target,” paliwanag ni Santos. “However, depending on the response that we have, that might even be less. We are very bullish [on growth]. We are still at 6 to 7 percent.”

Naniniwala ang NEDA na mananatili sa 2 to 4 percent ang inflation rate sa kabila ng banta ng El Niño.

“I think we can be confident that we will stay within the target range of 2 to 4 percent. If there’s some impact, then inflation will still be within the target,” pahayag ni Pernia.

Umabot sa bilyun-bilyong halaga ang pinsala ng El Niño sa agrikultura. Inaasahang hihina ang epekto ng tagtuyot sa mga susunod na buwan, ayon sa PAGASA.

Pambansa Slider Ticker Agriculture Secretary Emmahnuel Piñol Department of Agriculture (DA) Department of Environment and Natural Resources (DENR) Department of Health (DOH) Edwin Cariño El Niño Executive Order (EO) gross domestic product growth (GDP) Ilocos Norte Water District (INWD) John Teodoro Jonnalyhn Cortez National Economic and Development Authority (NEDA) National Irrigation Authority (NIA) National Water Resources Board (NWRB) NEDA Assistant Secretary Carlos Bernardo O. Abad Santos Pangulong Rodrigo Duterte Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Philippine Rice Research Institute (PhilRice) PINAS Socioeconomic Planning Secretary Ernesto Pernia Sustainable Development Center (SDC) Undersecretary Adoracion Navarro

Matibay na relasyon ng PH-China, malaking pakinabang sa Pilipino?

April 15, 2019 by Pinas News

MGA proyektong imprastraktura na pinondohan ng China at iba pang pautang, hindi ginamitan ng collateral.

 

Ni: Jonnlyn Cortez

SA kabila ng mga batikos, malinaw na nakikita ang matibay na relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas. Patuloy ang pagpopondo at pagpapautang ng karatig bansa sa mga proyekto ng gobyernong Duterte, na sinasabing malaking pakinabangan sa maraming Pilipino.

Sa likod ng mga kontrobersya, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na ang pagkakasundo ng dalawang bansa ay makakatulong upang harapin ang mga pandaigdigang problema. Sa katunayan, isa ang China at Pilipinas sa nangunguna pagdating sa paglago ng ekonomiya sa buong Asya.

“With our increased cooperation, we can better defy the adverse developments at the global level and continue our rapid expansion to benefit our people,” wika ni Dominguez.

Dagdag pa niya, naghahanda na ang China upang tugunan ang mga prediksyon ng mas mabagal na “global growth” sa pamamagitan ng isang pinagsamang polisiya, kabilang ang pagpapalakas ng consumer demand at expansionary monetary policy.

“The rest of the region depends much on China’s impressive growth. We are confident this great nation will continue its remarkable economic transformation,” pagpapatuloy ni Dominguez.

Katulad ng China, nasa posisyon din ang Pilipinas upang panatilihin ang pagpapalawak ng ekonomiya.

“Despite the adverse trends in the global economy, we are confident our internal growth engines will continue driving the economy to support a GDP (gross domestic product) expansion of 7 percent — this is our fighting target,” pahayag ni Dominguez.

Sabay ang mga programang imprastraktura ng gobyernong Duterte na “Build, Build, Build” sa mas malaki at malawak na proyektong Belt and Road ng China.

Hindi na nga makakaila ang paglago ng kalakalan at turismo sa pagitan ng dalawang bansa. Tumaas ng 13 porsyento ang kabuuang kalakalan ng Pilipinas at China noong isang taon, habang 27 porsyento naman ang nilaki ng bilang ng turista na dumating sa bansa noong 2017.

“Improved interconnections between the economies in this part of the world will raise all ships. We look forward to a seamless network for the flow of goods, the exchange of best practices and boundless cooperation in the coming years,” he said.

PANGULONG Rodrigo Duterte pinagmamalaki ang matatag na relasyon sa pagitan ng China at Pilipinas, at ang pakinabang nito sa tao.

 

Pakinabang ng Pilipino 

Sa harap ng Filipino-Chinese businessmen sa 32nd biennial convention of the Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry Inc. kamakailan, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte ang malaking pakinabang sa matatag na relasyon ng China at Pilipinas.

“The meaningful ties of friendship forged between Chinese and Filipinos have enabled us to empower our people, especially those who are vulnerable and marginalized,” wika ng pangulo. “By devoting your resources to the improvement of our society, the Federation has consistently played a vital role in ushering a period of greater cooperation [and] understanding not only in the promotion of business and trade, but also in facing various challenges that we face as a nation.”

Bunsod nito, nagpasalamat ang presidente para sa kanilang suporta sa kampanya ng administrasyon laban sa korapsyon, kriminalidad at iligal na droga.

“Through your deeds, you have become our important partner in building the foundations of a more inclusive and sustainable society,” wika ni Duterte.

Hinimok naman ng presidente ang Filipino-Chinese businessmen na gumawa ng mas maraming inisyatibo upang mapabuti ang paglago ng industriya at malinang ang business environment sa bansa. Humiling din si Duterte ng patuloy na kooperasyon mula sa grupo sa pagbuo ng mas progresibong Pilipinas.

“It is my hope that your remarkable traits and values will continue to fuel your pursuit of a dynamic and vibrant Chinese-Filipino business community that contributes to our nation’s overall advancement,” pagtatapos ng pangulo.

Dalawang bagong tulay popondohan ng China 

Handang pondohan ng China ang pagpapagawa ng dalawang bagong tulay sa Visayas at Mindanao.

“The Davao-Samal Bridge Project in Mindanao and the Panay-Guimaras-Negros Interisland Bridge Project in Western Visayas are also two other projects in the pipeline for possible Chinese financing,” wika ni Dominguez sa isang pahayag.

Idudugtong ng Davao-Samal Bridge ang Davao City sa Samal Island, habang ang Panay-Guimaras-Negros Interisland Bridge naman ay bababaybayin ang mga lalawigan ng Iloilo hanggang Negros Occidental.

Kabilang sa pangalawang batch ng mga proyektong posibleng pondohan ng China ay ang Safe Philippines Project Phase 1, Subic-Clark Railway Project, limang tulay sa kabuuan ng Pasig-Marikina River at Manggahan Floodway at ang proyektong Ambal-Simuay River at Rio Grande de Mindanao River Flood Control.

Pinangunahan umano ni Undersecretary Mark Dennis Joven ang delegasyon ng bansa upang makipag-usap sa mga opisyal ng Export-Import Bank of China (China-EXIM) at China International Development Cooperation Agency (CIDCA).

“Both sides discussed the updates of ongoing projects, as well as those in the pipeline,” wika ni Joven. “The Chinese side also conveyed its continuing commitment to support the infrastructure projects of the Philippines, including its openness to provide available sources of financing for other projects.”

Nakipagpulong din si Joven kasama ang mga representante ng National Economic and Development Authority (NEDA), Department of Budget and Management (DBM), Bases Conversion and Development Authority (BCDA), and the Department of Public Works and Highway (DPWH) kay CIDCA Chairman Wang Xiaotao upang pag-usapan ang general arrangements ng pagbibigay ng pondo at paraan kung paano mapapabilis ang proseso ng popondohang proyekto ng China.

Mga kritiko walang tiwala — Dominguez 

“You of no faith in your country,” yan ang sagot ni Dominquez sa mga kritiko ng administrasyon.

Natatakot umano ang mga mamumuna na hindi kayang bayaran ng gobyerno ang utang sa China para sa mga proyektong imprastraktura ni Duterte.

“The Philippines has never, never defaulted on its loans,” wika ni Dominguez. “The Philippines has not done it even in the worst of times, and the worst time was right after Marcos.”

Hindi umano pumalyang magbayad ang Pilipinas sa anumang utang kahit pa wala na itong pera.

“The Philippines has no history of defaulting on its loans. So why are people saying now that we will default? They have no faith in the Philippines? I don’t know why people are saying, ‘there might be a default.’ That means to say those people have no faith in their own country,” dagdag pa ni Dominguez.

Binigyang-diin pa ni Dominguez na walang collateral na ginamit ang gobyerno sa mga nakuhang pautang sa anumang bansa. Hinimok pa niya ang mga kritiko na suriin ang mga kasunduan na pinasok ng administrasyon na pawang naka-post lahat sa website ng Department of Finance (DoF).

Dati nang sinabi ni Dominguez na hinding-hindi mahuhulog ang Pilipinas sa tinatawag na debt-trap ng China. “In conformity with the Constitution and our laws, none of the pipeline projects funded with official development assistance (ODA) from countries like Japan and China allow for the appropriation or takeover of domestic assets in the event of failure to pay, which is unlikely,” paliwanag niya.

“The government’s borrowing program remains very conservative in the sense that we only borrow to invest in projects that will generate economic gains which are greater than the borrowing cost. No infrastructure project is funded through ODA without going through a rigorous system of reviews and approvals by the Cabinet and the President, and unless there is certainty that the project is economically viable and highly beneficial for the Filipino people,” dagdag pa ni Dominguez.

Negosyo Slider Ticker Bases Conversion and Development Authority (BCDA) China International Development Cooperation Agency (CIDCA) Davao City Department of Budget and Management (DBM) Department of Finance (DOF) Department of Public Works and Highway (DPWH) Export-Import Bank of China (China-EXIM) Jonnlyn Cortez National Economic and Development Authority (NEDA) official development assistance (ODA) PINAS

Malawakang family planning sa bansa, pinagtibay

March 19, 2019 by Pinas News

family planning

Ni: Jonnalyn Cortez

INAPRUBAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapatupad ng National Program on Family Planning upang mabigyan ng solusyon ang patuloy na paglobo ng populasyon.

Lalo pang pinagtibay ang pagsasabuhay sa dating programa upang matulungan ang mas maraming kababaihan na nasa edad na ng panganganak at kanilang partner na mag-plano ng pamilya.

“The approval of the plan is expected to reduce poverty incidence in the country, which currently has the highest fertility rate and fastest growing population in the ASEAN region, from the current 20 percent to 14 percent in 2022,” wika ni Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Dagdag pa niya, ang programa ay magbibigay sa 11.3 milyong kababaihan na magkaroon ng mas malawak na access sa mas epektibo at modernong contraceptives at maiwasan ang biglaang pagbubuntis.

“The key strategy is the use of effective modern contraceptives where 11.3 million women would be given access to over the next four years. The aim is to increase the usage thereof from 40% to 65%,” paliwanag ni Panelo.

Tinatayang magkakaroon ng apat na milyong kaso ng hindi sinasadyang pagbubuntis at dalawang milyong kaso ng pagpapalaglag sa susunod na apat na taon.

Maliban sa pagsugpo sa kahirapan, layunin din ng programa na palawagin ang mabuting kalusugan para sa nakararami at socio-economic development.

“We understand that a great majority of Filipinos favor family planning but not all of them have access to contraceptives due to various reasons,” sabi ni Panelo.

Handa naman ang gobyerno na tulungan ang mga nagnanais na sumailalim sa mas malawak na family planning program.

Pinirmahan ni Duterte ang Executive Order No. 12 na nagpapatibay sa access sa modern family planning noong 2017 sa gitna ng temporary restraining order (TRO) ng Supreme Court sa ilang probisyon ng Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (RPRH Law).

Sinimulan nina National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Ernesto Pernia at Commission on Population (PopCom) and Development Executive Director Juan Antonio Perez III, ang mas malawak na family planning program.

PAGPIGIL SA PAGLOBO NG POPULASYON

Naglabas ang NEDA, Department of Health (DoH), at PopCom ng isang joint memorandum circular para sa pagsasabuhay ng family planning program sa gitna ng paglobo ng populasyon sa bansa. Kabilang sa programa ang paglalapit ng family planning services sa bawat pamilya at pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa mga tao.

Nilalayong makamit ng EO No. 12 ang “zero unmet need for modern family planning” sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng RPRH Law.

Sa ilalim nito, ang DoH, PopCom, Department of Interior and Local Government (DILG) at iba pang ahensya ng gobyerno ay inatasan na magsagawa ng intervention mapping para sa mga nagsasama at maag-asawa na may hindi natugunang pangangailangan para sa pagpaplano ng pamilya at bigyan ng kakayahan ang local na pamahalaan na magbigay ng modernong paraan ng family planning at iba pang kaukulang serbisyo.

Kailangan ding ang mga ahensya ay mag “conduct ng intensive community-based demand generation” at “referral activities” na dapat ay boluntaryo at may pinagbabasehang desisyon oinformed choice. Kabilang din dito ang pakikipag-ugnayan sa civil society groups upang makamit ang zero unmet need for family planning sa kani-kanilang lugar.

“We will also ask for support from President Duterte to continue strengthening the family planning program by putting more resources into public planning both in the budget of DOH and PopCom,” wika ni Perez.

Para sa taong ito, magmumula ang suportang para sa family planning program sa P440 milyong pondo mula sa DoH at P150 milyon mula sa PopCom. Inaasahan ding maghahanap din ang sentral na pamahalaan ng iba pang mapagkukunan ng pondo upang maabot ang target na P1 bilyon.

“If that happens, that means the fertility rate of women will go down from the current 2.7 percent to only two percent by 2022, which means that each woman will only have two children as desired. If we’re not able to reduce the fertility rate right now, we will have to wait for another 10 years to achieve that,” dagdag ni Perez.

Ang Japan at Korea na may fertility rate na 2.1 ay nakitaan ng economic development matapos ang 20 hanggang 30 taon mula nang simulan nila ang malawak na programa sa pagplano ng populasyon.

“The reality is, population will continue to grow and that means we need to generate more jobs, deliver more and better social services, and provide the necessary infrastructure,” pahayag ni Perez.

Mayroong ng 107 milyong populasyon ang Pilipinas sa pagtatapos ng 2018 at inaasahang lolobo ito sa 109 milyon ngayong taon. Tinatayang 2 milyong sanggol ang pinapanganak taon-taon.

PAGKUMBINSI SA PAGPLANO NG PAMILYA

Target ng PopCom na kumbinsihin ang apat hangganglimang milyong mag-asawa at pati na mga nagsasama na gumamit ng family planning methods sa susunod na apat na taon.

Kinakailangan ng family planning program ng hindi bababa sa P1 bilyong pondo upang mapaabot sa 1 milyong mangangailangan nito. Bunsod nito, umaasa si Perez na susuportahan ng Pangulo ang kanilang mungkahi upang lalo pang palakasin ang programa.

“Adding one million new acceptors of family planning in the country every year is something that has never been achieved in the past. The strategy is to talk to as many men and women as possible,” paliwanag ni Perez.

Sa ilalim ng bagong programa, may mga grupong kakausap sa halos tatlong milyong mag-asawa at pati na mga nagsasama sa bansa upang ipaliwanag na tatlo sa bawat sampung babaeng na nasa edad na maaaring mabuntis ay nangangailangan ng family planning.

“Last year, we talked to 1.2 million women and we were able to identify 250,000 of them who are in need of family planning. If we will talk to three million, we will achieve the new one million acceptors every year or about 65 percent of couples who need to adopt the methods,” dagdag ni Perez.

Target din ng programa na ipagbigay-alam ang family planning sa mag-asawang nakakaranas ng kahirapan, sa gustong matuto ng ideal birth spacing, mag-asawang may kakulangan sa kaalaman at sa ayaw ng magka-anak.

Nilagdaan ni Duterte ang EO No.71 noong isang taon na nagpapalit sa pangalan ng PopCom; ito na ngayon ang Commission on Population and Development at sinailalim na ito sa pamamahala ng NEDA.

Bunsod nito, ang hepe ng PopCom ay may parehong posisyon sa NEDA undersecretary para sa population and development.

Ang direktiba ay sinabing magpapalakas sa pag-ugnay ng populasyon sa pag-unlad upang higit na pataasin ang economic growth ng bansa na siya ring nakapaloob sa Philippine Development Plan (PDP) 2017-2022.

Pambansa Slider Ticker Commission on Population (PopCom) Commission on Population and Development Department of Health (DOH) Department of Interior and Local Government (DILG) Director Juan Antonio Perez III Jonnalyn Cortez National Economic and Development Authority (NEDA) National Program on Family Planning Pangulong Rodrigo Duterte PINAS Presidential Spokesman Salvador Panelo Responsible Parenthood and Reproductive Health Act (RPRH Law) temporary restraining order (TRO)

Rehabilitasyon ng MRT3 magsisimula na

January 16, 2019 by Pinas News

MRT3 sasailalim na sa rehabilitasyon.

 

Ni: Jonnalyn Cortez

NAKATAKDANG umpisahan ang rehabilitasyon ng buong fleet ng Metro Rail Transit (MRT) 3 mula sa huling linggo ng Enero hanggang unang linggo ng Pebrero. Pangangasiwaan ito ng Japanese consortium na Sumitomo-Mitsubishi Corporation gamit ang P18 bilyong loan mula sa gobyerno ng Japan.

Pumirma ng kontrata ang Deparment of Transportation (DOTr) at Sumitomo para sa rehabilitasyon at maintenance ng MRT3 system. Sakop nito ang 16.9 kilometrong kabuuan ng linya, lahat ng 13 istasyon, 72 light rail vehicles (LRVs) sa MRT3 depot sa North Avenue sa Quezon City.

“All sub-systems will be restored, renewed or upgraded, including MRT-3’s track works, signaling system, power supply system, overhead catenary system, communications system, and maintenance and station equipment,” pahayag ng DOTr.

Kabilang din sa mga aayusin ang closed-circuit television camera (CCTV), public address systems, elevators at escalators sa mga istasyon nito.

Hindi pa naman inilalabas ng ahensya ang kumpletong detalye ukol sa rehabilitation work na gagawin ng Japanese consortium.

Sinabi naman ni DOTr communications director Goddess Libiran, na Sumitomo na ang bahala kung ano ang gagawin sa 42 mula sa 48 na hindi pa nagagamit na Dalian LRVs.

Una nang sinabi ni Transportation Secretary Arthur Tugade na tutulong din ang kumpanyang tukuyin kung kailan maaaring gamitin at ikabit ang mga naturang bagon sa MRT3 system.

Matatandaang isinailalim na ng ahensya ang pangalawang set ng tren mula sa Dalian sa “reliability, availability, maintainability at safety validation test.”

“[Dalian trains could still be used if the adjustments identified in the audit are addressed] without sacrificing the safety, the security, and life of the passengers and the system,” paliwanag ng DOTr pagkatapos ng isinagawang independent audit ng German firm na TUV Rheinland.

PHILIPPINE Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda.

 

Muling pagkuha sa Sumitomo Corp.

Opisyal na nagbalik ang Sumitomo bilang maintenance provider ng MRT3 pagkatapos nitong pumirma ng kontrata kasama ang DOTr.

Ang Japanese consortium ang orihinal na maintenance provider ng MRT3 nang buksan ito noong 1999.

Makakatulong ng Sumitomo ang Mitsubishi Heavy Industries sa rehabilitasyon ng MRT3 upang ibalik ito sa orihinal na performance standards.

Bumibisita naman ang mga inhinyero ng Sumitomo-MHI sa MRT3 Depot araw-araw para sa mga advance transition works simula pa noong Oktubre 15.

“The return of our Japanese maintenance provider started October 15,” pahayag ni Transportation Undersecretary for Rails TJ Batan.

“They agreed even in advance of our loan agreement [signing] and Exchange of Notes and contract. This is the commitment of the government of Japan to accelerate the process.”

TRANSPORTATION Secretary Arthur Tugade

 

Loan para sa rehabilitasyon

Nagsagawa ng exchange of notes si Philippine Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. at Japanese Ambassador to the Philippines Koji Haneda para sa MRT3 rehabilitation loan deal na nagkakahalaga ng P18 bilyon. Ginanap ito sa Department of Foreign Affairs (DFA) noong Nobyembre ng nakaraang taon ay sinaksihan ito ni Batan.

“We all know that a safe and eco-friendly transport system is crucial to the Greater Manila Area and to the Philippines as a whole to realize sustainable economic growth and a comfortable life for Filipinos. This precisely where Japanese technology and expertise from years of railway experience come in,” pahayag ni Haneda.

Pinangako naman ni Locsin ang isang “better and safer commuting experience” para sa publiko. “We shall see improvements, service efficiency, security, and convenience.” 

Una nang inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board at Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CabCom) ang P22.06 bilyon para sa rehabilitation project noong Agosto 2018.

Malaking halaga ng pondo para sa proyekto ay kukunin sa loan mula sa Japan, habang ang nalalabing halaga ay sasaluhin na ng pamahalaan.

TRANSPORTATION Undersecretary for Rails TJ Batan

 

Target na tapos ng rehabilitasyon

Sinabi ng DOTr na maaring magtagal ang rehabilitasyon ng MRT3 ng 43 buwan. Inaasahang makukumpleto na ito sa 1st quarter ng 2021.

Upang maiwasan naman ang malaking abala sa mga pasahero, siniguro ni Libiran na pananatilihin ng ahensya ang pagpapatakbo ng 15 bagon at unti-unti itong dadagdagan sa loob ng 26 na buwang pagsasagawa ng rehabilitasyon.

Sinabi naman ni Batan na umaasa ang ahensya na maaabot nito ang maximum na pagpapatakbo ng 20 tren sa loob ng 60 kilometro kada oras sa ika-26 na buwan ng overhaul ng MRT3.

Tatakbo ang mga set ng tren tuwing off-peak hours bago ito ilagay sa mainline ng railway system.

Kailangan naman matapos ang 1,000 kilometro na test run ng mga bagon ng Dalian sa loob ng 150 oras bago ito gamitin sa mga peak hours ng operasyon ng MRT3.

Nagsimula ang operasyon ng MRT3 noong 2000 at ang unang round ng general overhaul nito ay pinangasiwaan ng Sumitomo noong 2008.

Nakatakda naman sanang makumpleto ang pangalawang round ng overhaul nito noong 2016, ngunit tatlo lamang sa 43 tren nito ang naayos dahil sa pagkaalis ng maintenance provider nitong Busan Universal Rail Inc. noong Nobyembre 2017.

Negosyo Slider Ticker closed-circuit television camera (CCTV) Deparment of Transportation (DOTr) Department of Foreign Affairs (DFA) director Goddess Libiran Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CabCom) Jonnalyn Cortez light rail vehicles (LRVs) Metro Rail Transit (MRT) National Economic and Development Authority (NEDA) Philippine Foreign Secretary Teodoro Locsin Jr. PINAS Transportation Secretary Arthur Tugade TRANSPORTATION Undersecretary for Rails TJ Batan

Ang pakinabang ng mamamayan sa Bulacan International Airport project

January 7, 2019 by Pinas News

ANG proposed Bulacan International Airport project.

 

Ni: Jonnalyn Cortez

INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) Board ang project negotiation report ng concession agreement sa pagitan ng Department of Transportation (DOTr) at San Miguel Holdings Corporation sa nalalapit na pagtatayo ng bagong paliparan o aerotropolis sa Bulacan na tatawaging New Manila International Airport (BMIA).

Pagkatapos aprubahan ng NEDA ang project negotiation report, ipapasuri naman ng DOTr ang kasunduan saka ihahatid ang report ng NEDA Board approval sa SMC.

Pag-apruba ng NEDA

Sinabi ni Finance Secretary Carlos G. Dominguez III na noong nakaraang pulong ng NEDA Board, inaprubahan ng “Cabinet-level, interagency body” ang mga concession agreements para sa panukalang Bulacan International Airport project. Kabilang din dito ang “operation and maintenance (O&M)” ng Clark International Airport expansion project sa kondisyong wala itong garantiya mula sa pamahalaan.

Dagdag naman ni Socioeconomic Planning Secretary at NEDA chief Ernesto M. Pernia na dahil walang garantiya ng gobyerno sa concession agreement, na siya namang sinang-ayunan ng San Miguel Corporation (SMC), mas mataas pa ang inaasahang standard na gagawin nito kumpara sa Mactan-Cebu International Airport.

“In the case of the Mactan-Cebu airport, it earned P1.1 billion in 2017, which was 48-percent higher than the P752-million projected net income during the appraisal stage done to secure the NEDA Board approval for the project,” paliwanag ni Dominguez sa isang senate hearing noong Setyembre 2018.

“And yet, the government still made the commitment that there will be no other competing airports in Mactan and Cebu. Now, should the government later on want to build a new airport in the area to serve our OFWs (Overseas Filipino Workers) and other tourists, we would be required to reimburse not just market value of the infrastructure assets, but also the future profit of the commercial business until the end of the concession.”

Sinabi naman ni Pernia na isa itong patunay na may advantage ang gobyerno sa proyekto.

“These are substantial features, proving the project is adequately advantageous to the government.”

Dadaan pa rin ang proposal sa matinding pagsisiyasat sa Office of the Solicitor General at Department of Finance (DoF) bago ito sumailalim sa Swiss challenge, kung saan maaaring mag-bid ang ibang mga kumpanya. Pagkatapos nito, maaaring tapatan o taasan pa ito ng orihinal na nagbigay ng proposal bago igawad sa mananalo.

Ani Dominguez, inaasahang maigagawad ang paggawa ng proyekto sa unang quarter ng 2019.

ERNESTO M. Pernia sinabing tinaas ng panukalang Bulacan International Airport project ang standard sa paggawa nito.

 

Bulacan International Airport project

Isa umanong “unsolicited public-private partnership proposal” ang Bulacan International Airport project. Sakop nito ang pagtatayo, pagpapaktakbo at maintenance ng paliparan na itatayo sa 2,500-ektaryang lupain sa Bulakan, Bulacan.

Nagkakahalaga ng P735.6 bilyon ang budget para sa naturang proyekto.

Siniguro ng presidente ng SMC na si Ramon S. Ang na kaya ng kumpanya na ibigay ang budget na ito.

“SMC has the financial resources and the technical capabilities to deliver on our promise to construct a new international airport to support our booming Philippine tourism and the fast economic growth,” paliwanag nito.

“In five to six years, we’ll be able to complete the first two runways with passenger capacity of 50 million passengers a year. When completed, it will have a capacity for 100 million passengers.”

Tulad ng sinabi ni Ang, magkakaroon ng kapasidad ang bagong paliparan na serbisyuhan ang 100 milyong pasahero o mas higit pa, tatlong beses na mas malaki ito kumpara sa Ninoy Aquino International Airport.

Plano ring magtayo ng SMC ng isang 8.4-kilometer toll road na magkokonekta ng paliparan sa North Luzon Expressway. Inaasahang mabubuo ang proyekto sa loob ng anim na taon.

 

RAMON S. Ang, sinigurong kaya ng SMC ibigay ang budget para sa Bulacan International Airport project.

 

Trabaho at tulong sa mga Pilipino

Lilikha ng halos isang milyong direct at indirect na trabaho sa loob ng anim na taon ang pagtatayo ng Bulacan International Airport project.

“Once the airport project is given the green light to proceed with construction, we will tap our best workers from here and overseas,” pahayag ni Ang.

“It’s a massive undertaking. We will need Filipino talents in engineering, construction, hospitality, and airport-related services. Hopefully, this will give many of our OFWs a reason to come home, be with their families, and at the same time help in building a better future for our nation.”

Dagdag din ni Ang, magiging malaki ang pakinabang sa mga OFW ng bagong paliparan.

“Our modern-day heroes have been dreaming of a world-class airport for such a long time. We want to make that dream a reality for our migrant workers at no cost to the Philippine government,” paliwanag nito.

“We will make sure that our OFWs will be very comfortable in the new airport. Given their enormous contributions to the country, they deserve nothing less.”

Pambansa Slider Ticker Bulacan International Airport project Department of Finance (DOF) Department of Transportation (DOTr) Ernesto M. Pernia Jonnalyn Cortez Mactan-Cebu airport National Economic and Development Authority (NEDA) New Manila International Airport (BMIA) OFWs (Overseas Filipino Workers) Pag-apruba ng NEDA PINAS RAMON S. Ang San Miguel Corporation (SMC) Trabaho at tulong sa mga Pilipino

Ekonomiya ng Pinas, di patitinag

September 24, 2018 by Pinas News

Isang executive order ang inihahanda ng Duterte Administration para sa pagpapababa ng presyo ng pagkain, na isang pangunahing dahilan ng mataas na inflation rate sa bansa ngayon.  (Larawan mula sa PCOO)

Ni: Quincy Joel V. Cahilig

Sa pagpalo sa 6.4 porsyento ng inflation rate, talaga namang marami nang umaaray sa patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin ngayon sa merkado. Sumisipa ang mga presyo pero hindi ang suweldo, na pilit na pinagkakasya ni Juan Dela Cruz upang mairaos ang pang araw-araw niyang pangangailangan at ng kanyang pamilya.

‘Ika nga ng kasabihan, Kapag maikli ang kumot, matututong mamaluktot. Ngunit marami na ang hindi lang namamaluktot, nanginginig pa dahil sa napipilitang matulog na kumakalam ang sikmura.

Nguni’t kung tatanungin ang Malacañang, ang pagtaas ng inflation ay hindi nangangahulugan na nangangamote na ang ekonomiya ng Pilipinas.

Giit ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo R. Duterte, patuloy pa rin ang magandang performance ng ekonomiya ng bansa, bagay na isinasalamin umano ng pinakabagong Labor Force Survey, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque.

“Ang ekonomiya naman, bagama’t meron tayong problema sa inflation, ay talaga naman pong patuloy ang pag-unlad natin,” wika ni Roque, na sinundan nya ng pagpapakita ng mga numero ng naturang survey na isinagawa ng Philippine Statistics Authority (PSA), kung saan nakasaad na pumalo ang employment rate sa bansa ng 94.6 porsyento nitong Hulyo.

Ayon sa National Economic and Development Authority (NEDA), ito ang pinakamataas na naitala sa buwan ng Hulyo sa nakalipas na 10 taon.

“Kung ang problema ay may inflation at tumaas ang unemployment, meron talagang problema ang ekonomiya. Pero kung ang problema ay inflation, pero bumaba ang unemployment, mas madami ang nagtatrabaho, ibig sabihin niyon, talagang malakas iyong demand na nagiging dahilan para tumaas ang presyo ng mga bilihin. So ibig sabihin, masigla pa rin ang ekonomiya,” sabi ni Roque.

HUWAG MAG-PANIC

Sang-ayon sa pananaw ni Roque ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), na nagsabing di naman dapat pang mag-panic ang publiko sa kasalukuyang inflation rate ng Pilipinas.

Wika ni PCCI Honorary Chairman Sergio Ortiz-Luis, “not very alarming” pa ang sitwasyon at masyado lamang napagtutuunan ng pansin ng publiko ang inflation dahil pinupulitika ang naturang isyu.

“We have been very much focused on the numbers in the inflation of 6.4 percent. We are forgetting that this is just weighted average of certain products. While we are concerned that there is undue increases in certain items, 6.4 percent inflation is not something that should be alarming as a number,” sabi ni Ortiz-Luis.

Pero ipinunto niya na kailangang tutukan ng administrasyong Duterte ang pagpapababa ng presyo ng pagkain.

“Let’s focus on bringing down the cost, availability of rice, of the fish, of the vegetables, of sugar, and the fuel,” sabi ni Ortiz-Luis.

Base sa pag-aaral, ang pagtaas ng presyo ng pagkain ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation rate ng Pilipinas.

Kaya, upang labanan ang epekto ng inflation, isang executive order (EO) ang kasalukuyang binabalangkas ng Duterte administration na magtatanggal ng mga non-tarrif barriers at administrative constraints sa pag-angkat ng isda, bigas, karne, asukal, at gulay.

Ayon kay Roque, gagawing mas simple ng naturang EO ang pag-angkat ng pagkain, na inaasahang magdudulot ng pagbaba ng mga presyo nito sa merkado.

Siniguro rin ni Roque na sapat ang suplay ng bigas sa bansa at ikakalat na sa mga pamilihan ang 4.6 milyong sako ng murang bigas ng National Food Authority, kaya makakaasa ang publiko na bababa na ang presyo ng bigas sa mga susunod na araw.

SUGAR IMPORTATION: LABAN O BAWI?

Iminungkahi naman ni PCCI Agriculture Committee Chair Roberto Amores na kailangang pag-aralan ng gobyerno ang mga polisiya na hindi na nakatutulong sa development agenda nito.  Dagdag niya, kinausap ng PCCI ang Department of Agriculture at ang Sugar Regulatory Administration na payagan na ang pag-angkat ng asukal para sa mga domestic processors upang maibsan ang pagtaas ng presyo nito at matulungan ang mga maliliit na namumuhunan sa bansa.

“There are approximately 4,000 to 5,000 domestic food processors using sugar as ingredient, who are part of the more than 50 percent, micro, small, and medium enterprises, and benefitting 50 million to 60 million consumers and stakeholders that would take the brunt of high cost of sugar made products compared to the 50,000 to 60,000 farmers, which can be given alternative source by shifting to high-value crop production,” paliwanag ni Amores.

Pero kontra sa mungkahi na ito ang Negros Occidental Federation of Farmers Association dahil hindi magiging maganda ang epekto ng pag-angkat ng asukal sa mga magsasaka, na ngayon pa lang nakaka-bangon sa pagkalugi ng industriya sa nakalipas na dalawang taon.

“This plan to allow open importation of sugar will depress sugar prices again and we may not be able to survive another crisis,” ayon kay Enrique Tayo, chairman ng grupo.

Kaya nananawagan si Tayo sa mga economic managers ng bansa na konsultahin muna ang mga magsasaka.

PISO, RERESBAK!

Tila tabak na may dalawang talim naman ang pagbaba ng halaga ng piso kontra dolyar. Mas mataas na halaga ng remittances ang dulot nito para sa mga overseas Filipino workers at may positibong dulot din sa export industry. Subalit pagtaas din naman ng presyo ng mga produktong inaangkat mula sa ibang bansa ang epekto nito, kasama na dyan ang langis, na kapag gumalaw, lahat ay apektado.

Kamakailan nga ay tumaas ang presyo ng tinapay at sinisi ito sa paghina ng piso kontra dolyar, na nagdulot ng pagmahal ng mga sangkap na imported.

Itinuturong dahilan ng Department of Finance (DOF) ay ang epekto ng trade war sa pagitan ng mga pinakamalalaking ekonomiya sa mundo at ang crisis sa pagitan ng Turkey at Argentina, na naapektohan din ang ibang mga currencies ng mundo.

Ayon sa economic bulletin ng DOF, nasa 7.39 porsyento ang ibinagsak ng piso kontra US dollar. Pumangatlo rin ang Philippine Peso sa listahan ng mga fastest growing economies sa Asya na bumaba ang currencies. Una ang Indian rupee (11.7 porsyento), na sinundan ng Indonesia rupia (9 porsyento).

Pero para di dapat umano masyadong pangambahan ang paghina ng piso, na kasalukuyang naglalaro ang halaga ng piso sa P53-54 kada isang US dollar.

Sa kabila nito, tiwala ang mga financial manager ng bansa na di magtatagal at malalampasan din ng piso ang hamon na ito.

“Maintaining good macroeconomic policies, thru manageable fiscal and BOP (balance of payment) balances, and adopting economic reforms thru tax reforms (is) still the best way to sustain growth and investment and, at the same time, steel the economy from external economic shocks,” ayon sa DOF bulletin.

Pambansa Slider Ticker Enrique Tayo Juan dela Cruz National Economic and Development Authority (NEDA) Pangulong Rodrigo R. Duterte PCCI Agriculture Committee Chair Roberto Amores PCCI Honorary Chairman Sergio Ortiz-Luis Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) Philippine Statistics Authority (PSA) Presidential Spokesman Harry Roque Quincy Joel V. Cahilig

  • Page 1
  • Page 2
  • Next Page »

Primary Sidebar

PINAS THE FILIPINO'S GLOBAL NEWSPAPER
Address: 2nd Flr. ACQ Tower, Sta. Rita St., Guadalupe Nuevo, Makati City
Pinas Philippines and Asia
HEAD OFFICE: ACQ TOWER Sta.Rita St. Guadalupe Nuevo Makati City
Contact Person: Jay Mendoza and Rhoda Comoda

Pinas Canada

Circulation
Ottawa    Toronto   Saskatoon   Edmonton    Abbotsford
Montreal   Winnipeg   Vancouver    Calgary    Lethbridge

Contact Person:Nina (604) 300 8867 (647) 348 6600
Office Address: 1475 Eglinton ave. West Toronto M6E 2G6
Pinas USA


Sonshine Media Network International.
Copyright © 2021 · SWARA SUG Media Corporation · All rights reserved.