Pinas News
ALL smiles si 2018 Miss Universe Catriona Gray nang dumalo sa National Football League (NFL) honors sa Georgia, sa Amerika.
Ang NFL ay isinasagawa bago ang Superbowl playoffs.
Dinumog ng mga tagahanga ang Pinay beauty queen na tubong Albay habang rumarampa sa NFL honors red carpet.
Naroon din sa event si Miss USA 2018 Sarah Rose Summers.
Samantala pinaghahandaan na ng Binibining Pilipinas Charity Organizations ang magarbong pagbabalik ni Gray sa bansa sa Pebrero a-bente.
Ayon sa 24-anyos na pinay beauty queen, tinatapos lang niya ang ilang aktibidad sa New York.
Plantsado na rin ang mga gagawin ni Gray sa pagdating niya sa bansa kabilang dito ang pagbisita niya uli sa Tondo, Manila para pag-aralan ang pagbibigay ng edukasyon sa ilang benipesaryo ng Young Focus Philippines na dati na niyang tinutulungan.
Siyempre hindi mawawala ang pinakahihintay ng lahat na motorcade mula Manila at Makati sa Pebrero 21, gayundin sa Araneta Center sa Pebrero 23.