SALI NA! #BUILDCHAMPIONS, sa marathon ng bayan ang National MILO Marathon na may 11 Leg ngayong taon.
Hahagibis ang madlang pipol mula sa 11 probinsya sa Pinas para sa mga nagnanais tumakbo at makapasok sa finals.
Mag-uumpisa ang 43rd edisyon ng NMM sa Urdaneta, Pangasinan (Region I) sa Hulyo 14.
Pagkatapos sa lalawigang tinaguriang “Place Where Salt is Made,” susunod gaganapin ito sa Manila (eliminations-NCR Leg) Hulyo 28; Subic Bay Freeport Zone, (R-3 Leg) Agosto 4, Lucena City; Setyembre 15 sa Batangas; Setyembre 22 (IV-A Leg) Cebu City; Setyembre 29 sa General Santos City; Oktubre 13 (R-VII Leg); Iloilo City (R-VI Leg) Oktubre 6; Davao ((R-XI Leg) Oktubre 20; at Cagayan de Oro (R-X Leg) Nobyembre 17.
Aarangkada ang 43rd NMM Finals sa Tarlac, Enero 19, 2020.