Hindi masaya ang National Youth Commission sa isinusulong na panukala na ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan elections.
Ito ang inihayag ni NYC chairperson Aiza Seguerra sa press briefing sa Malakanyang.
Paliwanag ni Seguerra na mahalaga ang representasyon ng mga kabataan lalong-lalo na sa barangay.
Umapela si Seguerra na bigyan ng pagkakataon ng mga mambabatas ang SK upang marinig ang kanilang boses at maipakita ang kanilang kakayahan na matugunan ang kanilang pangangailangan.
Binigyang diin ng chairperson ng NYC na hindi na dapat ikabahala ang sistema ng sangguniang kabataan dahil nagkaroon na ng reporma dito at dapat nang pagkatiwalaan.