Ni: HANNAH JANE SANCHO
FAKE news ang kumakalat na impormasyon online patungkol sa nalalapit na pagpapatupad ng nationwide lockdown sa bansa dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ito ay matapos na kumalat sa online ang kopya umano ng proclamation order na pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-aanunsyo ng nationwide lockdown.
Giit ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, peke ang naturang balita at wala itong katotohanan.
Pakiusap ng tagapagsalita ng palasyo, huwag maniniwala sa mga ganitong klase ng false news at huwag nang tumulong sa pagkalat ng mga maling impormasyon.