Inulan ni US President Donald Trump ng sermon at batikos ang miyembro ng North Atlantic Treaty Organization o NATO sa kaniyang naging talumpati sa nato summit sa Belgium.
Ayon kay Trump, iresponsable at hindi tapat sa pagbibigay ng financial commitments ang ilang miyembro ng NATO.
Sa totoo nga raw, ay nasa 28 na miyembro ang hindi pa nagbibigay ng kanilang 2 percent mula sa pondo ng kanilang bansa bilang kanilang obligasyon.
Binira din ni Trump ang mga miyembro ng NATO dahil sa atensyon na ibinubuhos ng mga ito para sa mga refugees at pinayuhan ang mga ito na mas pagtuunan ng oras at pansin ang problema sa immigration at terrorismo.