TJ BUMANLAG
NAGHAIN ng kaso ang asawa ng nasawing NBA legend Kobe Bryant na si Vanessa laban sa operator ng helicopter na sinakyan ng kaniyang mag-ama.
Ito ang inanunsyo ni Vanessa sa isinagawang pagbibigay pugay sa Los Angeles Lakers Star at anak nitong si Gianna sa Staples Center.
Ayon kay Vanessa, inihain niya ang reklamo sa Los Angeles County Superior Court.
Magugunitang bumagsak noong Enero 26 ang helicopter na sinakyan ng mag-ama at pitong iba pa.