JHOMEL SANTOS
POSIBLENG ang diarrhea o pagdudumi ng tao ay maging pangalawang daan para maisalin sa iba ang novel coronavirus (nCoV).
Ito ang inihayag ng mga eksperto makaraang mapaulat ang bagong pag-aaral hinggil sa mga pasyenteng may abdominal symptoms at loose stool.
Ang pangunahing daan sa pagsasalin ng virus ay ang mga droplet mula sa ubo ng mga nahawahang tao.
Sa pag-aaral ng mga Chinese author sa American Medical Association o JAMA sa isandaan at tatlumpu’t walong pasyente sa Wuhan hospital, ang iprinisintang may diarrhea at nausea isa o dalawang araw bago nagkaroon ng lagnat at hirap sa paghinga.
Nakaranas din ang unang pasyente sa United States na may 2019 nCoV ng pagdudumi sa loob ng dalawang araw at ang virus ay nakita sa kaniyang stool.
Ang fecal transmission ng SARS ang itinuturong sanhi ng pagkakasakit ng daan-daang katao sa isang housing sa Hong Kong noong 2003.
Sinasabing ang singaw mula sa banyo na tinangay ng hangin ay napadpad sa mga katabing gusali.