ADMAR VILANDO
IKINATUWA ni PNP Officer-in-charge Police Lieutenant General Archie Francisco ang matagumpay na joint anti-illegal drugs operations ng NBI, MPD at QCPD sa Barangay Sto. Cristo, Quezon City kung saan naaresto ang isang Korean National.
Kinilala ang suspek na si Jungkil Kim, limampu’t pitong taong gulang at residente ng 3035 Tower 3 Grass Residence, Nueva Vizcaya Street, corner Misamis Street, Barangay Sto. Cristo, Quezon City.
Ayon kay NCRPO Chief Police Brigadier General Debold Sinas, si Kim ay isang chemist at ang kanyang bahay ang nagsisilbing drug kitchen laboratory.
Narekober sa suspek ang iba’t ibang laboratory instrument, mga kemikal at labing isang packs ng white crystalline substance.
Nasa kustodiya ng raiding team ang mga nakuhang ebidensya habang hahawakan ng NBI ang kaso.