Ni: Hannah Jane Sancho
Inilabas ng Malakanyang ang Executive Order No. 38 na nag-uutos para ipawalang bisa ang batas na lumikha sa Negros Island Region na nilagdaan noon ni dating pangulong Noynoy Aquino noong taong 2015.
Iniutos din na maibalik ang Negros Occidental at Negros Oriental bilang Region VI at Region VII.
Ang dahilan para ipawalang bisa ang Negros Island Region ay dahil walang sapat na pondo nang Duterte administration para sa ikatuparan ito.
Ang Department of Interior and Local Government ang siyang inatasan para sa pagbuwag ng Negros Island Region sa loob ng 60 days matapos inilabas ang EO No. 38.
Nitong August 7, 2017 nang lagdan ng Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing batas.