Ni: Jonnalyn Cortez
NAKIKIPAGSABAYAN na nga ang Pilipinas sa paglikha ng iba’t-ibang obra sa lara-ngan ng fashion. Isa na nga sa mga kinikilala ngayon ay ang Risqué Designs ni Tal de Guzman.
Sariling atin ang tatak na Risqué Designs. Gumagawa ito ng mga pasadyang sapatos na espesyal namang nililikha gamit lamang ang kamay ng mga propesyonal na artisan. Galing naman sa iba’t-ibang probinsya sa bansa ang mga ginagamit na katutubong materyales dito.
Pagtangkilik sa sariling atin
Pagmamay-ari at pinamumunuan ni de Guzman ang Risqué Designs. Nagtapos ito ng kursong Art Management sa Ateneo de Manila University at muling kumuha ng kursong Fashion Design and Entrepreneurship.
Iba’t-ibang klase ng sapatos at estilo ang mabibili sa Risqué Designs. Binubuo naman ito ni de Guzman at ng kanyang mga propesyonal na tagagawa ayon sa sukat, di-senyo, at materyal na gusto ng kliyente.
Pinagsasama-sama ni de Guzman ang iba’t-ibang materyales ng bansa, pagkamalikhain ng mga Pilipino, at ginagamit na inspirasyon ang ganda ng Pilipinas upang makagawa ng isang magandang sapatos.
Pangunahing layunin nga ng kanyang negosyo ang gamitin ang mga lokal na materyales sa bansa upang ga-wing kakaiba at espesyal ang ordinaryong pansapin sa paa.
Bunsod nito, tinaguriang isang iconic na tatak ng kultura at pagkamalikhain ng Pilipino ang Risqué Designs dahil na rin sa paggamit nito ng mga disenyong tunay na sariling atin.
Kaya naman, hinihikayat ni de Guzman ang mga nanga-ngarap na maging negosyante na ipagmalaki ang kanilang sariling pinagmulan at gamitin ang mga materyales na mayroon ang Pilipinas.
Pagsisimula ng Risqué Designs
Nag-isip si de Guzman ng isang negosyo kungsaan pwede niyang pagsamahin ang kulturang Pilipino at produkto ng fashion noong 2012. Una nitong naisip ang paggawa ng bags, ngunit napagtanto nitong ang industriya ng bag sa bansa ay hawak na ng mga kilalang kumpanya.
Bunsod nito, napagdesisyunan niyang subuking pasukin ang negosyo ng paggawa ng mga espesyal na sapatos na tunay na tatak Pinoy. Naudyukan pa ang kanyang desisyun nang bumisita ito sa Paeta, Laguna, at nakita ang mga produktong yari sa kamay na may iba’t-ibang ukit tulad ng mga kasangkapan at bakya.
“Why hasn’t anyone mo-dernized the bakya yet?” tanong nito sa sarili. Mula rito, naitatag ang Risqué Designs.
Mga pagsubok sa pagtatayo ng sariling negosyo
Nakasalalay ang buong produksyon ng Risqué Designs kay de Guzman. Kaya naman, hindi biro ang pagtatayo at pagpapatakbo nito.
Kailangan nitong gawin ang mga estilo ng bawat isang sapatos, buuin ang plano ng pagbebenta at pag-lalagay sa merkado. Kasama na rin sa mga kailangan niyang gawin ay kausapin ang kanilang mga supplier at pumunta sa iba’t-ibang pagtitipon. At nangyayari ito araw-araw.
“With shoes, you have to consider so many sizes, the height, the comfort, and the shape of each pair. It’s hard to go into shoe-making, more so into customizing shoes, and even more so to use materials from different parts of the country,” ani de Guzman.
Pinili ni de Guzman na ipagpatuloy ang kanyang negosyo kahit gaano pa kahirap gawin ito. Sa tulong ng ka-nyang mga kasamang manggagawa ng sapatos mula sa Marikina, na kilalang Shoe Capital ng Pilipinas, mas pinagbuti nila ang pagtataguyod nito.
Layunin din ng Risqué Designs na ibahagi ang mga istorya ng mga disenyo ng tradisyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng magagaling na kamay ng mga lokal na manggagawa.
Paggawa ng mga espesyal na sapatos
Patuloy nga ang pagpaggawa ng Risqué Designs ng mga moderno at mga espesyal na sapatos.
Sinabi ni de Guzman na pagdating sa kanilang mga estilo, pinagsasama nila ang makabagong paglililok sa kahoy at hablon sa pamamagitan ng pag-eeksperimento ng mga kulay sa priniprisenta ang iba’t-ibang piyesta sa bansa.
Nagmula naman ang mga materyales na ginagamit dito sa Cebu, Abra, Baguio at Negros.
“If I’m decided on a certain material or a community, I spend time with the wea-vers. I recently gave the community in Negros new looms. I’m focused on increasing the usage of these materials,” kwento ni de Guzman.
Dinadala ng bawat sapatos ang kultura ng bansa na may halong modernong istilo. Bunsod nito, nakikita ni de Guzman ang kanyang sarili at ang kanyang negosyo bilang makabagong ta-gapagsalaysay ng kwento ng bansa.
“It becomes educational for people,” anito. “And our customers like to tell the stories too, so we’re not the only storytellers here.”
Pakikipagsabayan sa ibang bansa
Nais ibahin ni de Guzman ang pananaw ng ilan sa mga Pilipino na mas maganda ang mga produktong mula sa mga banyagang bansa kum-para sa sariling atin.
“A lot of designers in ge-neral derive inspiration from Western culture, Greek mythology, Roman mythology,” paliwanag nito. “But we have a lot of alamat and mytho-logy. That’s what I wanted to focus on.”
Kaya, ginamit niyang ins-pirasyon ito para disenyuhan ang kanyang mga sapatos.
Simula noong 2013, patuloy na lumalahok ang Risqué Designs sa mga exhibit sa Manila FAME International. Sumali rin ito sa New York NOW Trade Fair sa New York noong 2015.
Nangangarap si de Guzman na makita ang Risqué Designs sa mga kilalang fa-shion district sa mundo, tulad ng Paris at Berlin.
“We don’t have a shoe brand that really carries the culture of the Philippines. I have designs that tell le-gends and show endemic animals. Being seen internationally will give these artisans and the country dignity,” anito.
Nais din niyang bigyang inspirasyon ang mga negosyante sa Pilipinas sa pamamagitan ng adhikain ng kanyang negosyo. Umaasa rin ito na ang mga gawang lokal na produkto ng Pilipinas ay mailalagay sa mga pangunahing mall sa bansa at mabawasan ang pag-aangkat ng mga imported na produkto.