Ni: Wally Peralta
LUCKY ngang maituturing ang Kapuso actress/host ang kanyang bagong baby na isinilang ilang buwan palang ang nakakaraan. Pagkabalik ni Camille sa kanyang daily show na “Mars” sa GMANewsTV, ay dumagsa ang offer sa kanya. Andiyan ang mga commercials at TV guestings, at nadagdagan pa ng isang daily soap opera na “Ang Forever Ko’y Ikaw”, kung saan ang katambal ni Camille ay si Neil Ryan Sese.
Pero ang naging katapat naman ng kanyang bagong teleserye ay ang show ng kaibigan niya dati sa ABS CBN 2 na si Jodi Sta. Maria, ang “Sana Ay Dalawa Ang Puso” kasama naman sina Robin Padilla at Richard Yap.
“Masaya!” ang bungad ni Camille
“Magkasama kami before ni Jodi Sta. Maria sa “Tabing Ilog” pero nang lumipat ako sa GMA-7, ay marami na ring mga artista sa Dos na hindi ko na nakasama”
“Pero yung mga “Tabing Ilog” cast noon pag nagkikita kami ay andun pa rin yung may pinagsamahan kami.”
“Para sa akin, walang kompentensiya, ang lahat naman kasi ng mga artista ang goal ay makapag-entertain at mapasaya ang mga tao.”
Laban sa idol
“Im a big fan of Jodi Sta. Maria, isa ako sa nanonood ng mga programa niya, hindi lang as an actress but also as a person.”
“But I believe na maraming audience at nagkataon naman na ang aming programa ay nakatapat sa programa niya.”
“Ang goal lang naman namin sa show ay makapagpasaya lang at magbigay kilig tuwing umaga para sa mga kagaya ko na may pinagdaanan na sa buhay. Na there’s nothing wrong in moving on and moving forward.”
“Alam ko na ang slot ng programa namin ay very strong kasi yun ang slot nila Jodi kasama pa sina Robin Padilla at Richard Yap.”
“Pero naniniwala akong pag napanood nila ang aming teleserye ay hindi namin bibiguin ang mga televiewers na pasasayahin namin at bibigyan ng pag-asa ang viewers and please believe me when I say that.”
Wala naman say
“Noong time na pinag-uusapan namin ang show ay hindi pa nag-eere yung show ni Jodi, at hindi ko naman alam na ang show namin ang itatapat nga sa show nila.”
“Kaya nga noong ‘niluluto’ namin ang show ay all positivity lang at all good vibes lamang.”
“And to think na ang GMA-7 ay may idea na may laban ang amin show, eh sino naman ako para kontrahin ang idea ng management.”
Family above all
Sa pangyayaring dala-dalawa ang daily show ni Camille, isa sa umaga at isa sa hapon, ang “Forever Ko’y Ikaw” at ang “Mars”, paano naman kaya niya hinahati ang kanyang oras para sa pamilya, to think na napakabata pa ng kanyang bunsong anak at para sa karir? May oras pa rin ba siya para sa kanyang sarili?
“Meron naman po!”
“Yun nga ang isa sa ni-request ko since maliit pa yung aking second baby, talagang sinabi ko sa management na I need time for my baby. So magaan naman ang schedule ko sa dalawang tv show ko sa GMA-7. Kasi sa bago kong teleserye ay 30 minutes lang siya, so maikli lang din yung time na nagtataping kami, magaan siya compare to one hour soap.”
Nakatadhana
Marami ang nakapagsasabi na ang takbo ng bagong teleserye ni Camille ay tila halaw sa kanyang tunay na buhay kung saan ay magiging asawa pala niya ang isang taong matagal-tagal na niyang hindi nakikita. Ang kanyang 2nd husband na si VJ Yambao. Naulila kasi si Camille ng kanyang first husband na si Anthony Linsangan noong 2011 kung saan ay naiwanan siya ng isang anak na lalake, si Nathan.
“Yung medyo nababasa ko na yung kuwento, sabi ko nga sa director namin, alam mo, medyo familiar yung mga nangyayari dito sa script. Pati yung mga lines na sinasabi ko!”
“Sabi ko, Direk, yung mga scenes na nandito, parang na-feel ko siya kasi parang sobrang hawig na hawig somehow sa totoong buhay ko.”
“At pagdating naman sa buhay ko ng aking pangalawang asawa, it’s something I didn’t see coming.”
“Noong kami na lang ni Nathan, I didn’t have plans of being in a relationship again. Parang okay na rin ako na kaming dalawa lang.”
“Pero siguro may magandang plano ang Diyos para sa akin at para na rin sa anak ko. Kaya siguro nandito na ako sa ganitong posisyon ngayon.”
Parte na ng buhay
At pagdating naman sa dating asawa na yumao.
“Siguro yung part na ‘yon, hindi naman yun mawawala kahit na anong mangyari. Naging parte yun ng buhay ko, especially because I have Nathan, and Nathan is yung pruweba nung parte na yun ng buhay ko.”
“Hindi naman kasi puwedeng kalimutan. It’s always going to be a part of my life.”
“Yung kay Anthony, given naman na yun. But with my marriage now and my family now, yun ang mas binubuhusan ko talaga ng emotions and everything,” pagtatapos pa ni Ms.Camille Prats.