Hindi kumbinsido si Bayan Muna chairman Neri Colmenares sa umano’y planong pagbabalik ng mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos sa kaban ng pamahalaan.
Ayon kay Colmenares, napakaliit lang na halaga ang nais ibalik ng mga Marcoses kapalit sa bilyon-bilyong piso nalimas nito mula ng manungkulan ito sa gobyerno.
Sakaling mapahintulutan aniya ito ng pamahalaan, posibleng magsilbing ehemplo lang aniya ito sa iba pang mga opisyal ng gobyerno na magnakaw ng malaking halaga at isauli lang ang halaga na naisin nila.
Matatandaang, sa loob ng tatlumpung taon, nakakuha na ng Presidential Commission on Good Government (PCGG) ang aabot sa P170.7 billion pesos o $3.7 billion dollars o katumbas sa $5 to 10 billion dollars na ninakaw ng pamilya Marcos.